[LD 2: VII]
TORRENCE’S POV
“You need a total makeover.” Suggestion ni Hail. Kanina pa nila tinitingnan at pinapaikot ng pinapaikot si Penelope.
“I don’t think so. I’m fine.” Umupo si Penelope sa tabihan ko at tumingin sa’kin. Nagsmile lang naman ako sa kanya.
“Excuse me, dyan ako nakaupo. Shoo!” shocked si Penelope sa sinabi ni Hail kaya naman tumayo sya at lumipat sa kabilang side ko.
“Ooops! That’s my place.” Umupo agad si Gail bago pa man makaupo si Penelope.
“Hey twins, masyado naman kayong harsh kay Pen.” Tumayo ako at inakbayan si Penelope. “Don’t mind them, hindi pa lang sila comfortable na may bago na kaming friends.”
“No. That’s fine, really.” Alam kong naiilang pa din sya pero wala naman akong magagawa dahil alam kong magseselos lang ang kambal ng tadhana kapag pinaboran ko ‘tong si Penelope.
“By the way Pen, sino yung nagsalita kahapon na guy nung tinawagan mo ko?” naalala ko lang kaya ko naisipang itanong.
“Oh, that’s my sweety. Sorry for that he insisted to call you. He wanna check if you’re a girl or not. You know, jealousy strikes.” Sa pagkukwento nya mukhang masaya nga sila nung boyfriend nya na yun.
Nagnod lang ako. Hindi ko din naman alam kung anong sasabihin. Maya-maya dumating si Cliff.
“Hey.” Bati nya kina Gail and Hail then lumapit sya sa’kin. Napatingin sya kay Penelope. “New friend?”
“Yeah. She’s Penelope. This is Cliff.” Pinakilala ko silang dalawa. Nagbeso naman si Penelope sa kanya.
“Oh my gosh, your Torrence’s boyfriend? Oh my you are so handsome. But my sweety’s way better – well for me ofcourse.” Nagtawanan naman kami. Napansin kong nakatingin si Cliff kay Penelope.
“What’s wrong? Love at first sight huh?” then I rolled my eyes.
“Woah, jealous Torrence huh.” Sabay na sabi ng kambal.
Napatawa din naman si Cliff sabay yakap sa may waist ko at hinigit ako papalapit sa kanya. “I like that. You’re being jealous.” Magsasalita pa lang ako ng bigla nyang tinakpan ang index finger nya ang lips ko. “Shhhhh. Familiar lang yung look nya kaya ako napatingin sa kanya. That’s all okay? You are still my queen.” Then he winked.
“Uhhhh, he’s so sweet.” Sabi ni Penelope na nakatingin sa’min ni Cliff. “By the way, I am inviting all of you to my engagement party this coming Saturday.” May kinuha syang invitation cards sa bag nya at isa-isang iniabot sa’min.
“Engagement?” tanong ni Hail habang tinitingnan ang invitation card.
“Sort of. It’s two in one celebration. You’ll know soon so please be there – especially you Torrence. I want you to personally introduce to my sweety.” Ang cute ng babaeng ‘to. Parang napasimple lang ng buhay nya. Walang problema, walang kahit ano.
“No way! You’re Svanotzky! I never thought they have a daughter.” Gulat na gulat na sigaw ni Gail.
“I guess it won’t be a surprise anymore. You already know. Yay!” hindi ko alam kung anong sinasabi nya well hindi ko din naman kasi kilala yung mga well-known people sa industry na ‘to. Hindi naman ako elite so hindi ko na kelangang malaman pa yun.
“But please, please don’t tell anyone yet. My family’s protecting me ‘til that day so please don’t tell anyone especially you Cliff, if you tell anybody my life might be in danger again.” Sobrang worried yung itsura nya. Hindi naman sya dapat magworry sa’min dahil mapagkakatiwalaan naman kami.
“No probem with that.” Kalmadong sabi ni Cliff.
Hindi pa namin kilala kung sino talaga si Penelope, maybe may idea si Cliff dahil marami naman syang kilala sa industry na tulad nito at alam ko ding naiintindihan nya si Penelope.
Natapos ang klase namin at kahit malayo pa ang event na sinasabi ni Penelope eh nagpumilit ng mamili ng isusuot ‘tong sila Gail at Hail. Nagpunta kami sa mall sa kabilang city pa talaga ha. Ayaw na daw kasi nila sa mall nila dahil di daw sila makapili ng ayos dahil sa stylists nila. At ngayon sila naman daw dalawa ang stylists ko. Mababaliw na talaga ko sa mga ‘to. Mabuti na lang at hindi namin kasama si Penelope. Ayoko din kasing matrauma sya sa mga ginagawa nitong kambal ng tadhana.
Anu-ano yun? Well bago lang naman kami matapos mamili eh ilang mannequins na ang naitumba nila, ilang damit ang napunit dahil sa pag-aagawan at ilang mga displays pa ang nabasag. Kapag mas malala pa susunduin pa sila ng lawyer nila sa mall at yan ang reason kung bakit nagpatayo ang parents nila ng sarili nilang mall para kahit makabasag o makasira sila eh wala ng eskandalong mangyayari.
“Hey Tori try this one!” may hawak si Hail na isang pink tube dress with white belt. Ganyan ang mga gusto nyang damit.
“Maganda, bagay sa’yo.” Sabi ko habang tumitingin din ako ng ibang dress.
“No, bagay ‘to sa’yo.” Lumapit sya sa’kin at iniabot ang dress. “Sige na isukat mo na.”
“What? No! Hindi ‘to bagay sa’kin tsaka parang masyadong – ” at naikulong na nga nya ko sa fitting room. Dahil alam kong hindi naman ako titigilan ni Hail isinukat ko na ang dress at nagulat ako sa nakita ko. Sobrang ganda pala nya lalo na kapag nakasuot na.
“Sabi sa’yo tapos na sya!” nagulat ako ng biglang bumukas yung fitting room.
“Don’t ever do that again Hail! Paano kung nakahubad pa ko?” medyo nagulat kasi ako sa ginawa nya.
“Well alam ko namang nakabihis ka na.” Napatingin sya sa dress. “Wow, ang ganda! Bagay na bagay sa’yo yan Tori!” Tinulak nya ko palabas at ipinakita kay Gail. “Look Gail ang ganda ni Tori.”
Nagroll lang ng eyes si Gail at may iniabot syang black dress sa’kin. “Mas bagay ‘to sa’yo. Isukat mo din para fair.” Yan ang problema ko sa dalawang ‘to. Kapag may ginawa ka para sa isa dapat gagawin mo din sa isa para daw FAIR!
Long sleeve naman ‘tong dress na binigay ni Gail. Yun nga lang see through ang sleeve hanggang likuran. Mahaba din ang dress na parang long gown pero may slit na hanggang ilalim ng but ko. My goodness ano bang pinapasuot nila sa’kin?
Lumabas ako ng nakatakip sa dibdib ko. “Wow ang sexy mo Tori. I bet maiinlove lalo sa’yo nyan si Cliff. Baka pakasalan ka nya bigla.” Pagbibiro ni Gail at tumawa naman silang dalawa.
Akala nyo ba dun na natapos lahat? Hindi. Dahil lahat ng kinuha nilang damit pinasukat nila hanggang mapagod na ko at ibinalik ko sa kanila lahat ng kinuha nila. “Look, alam kong gusto nyo kong maging maganda pero hindi naman kelangan magsuot ako ng mga ganyan. Gusto ko yung simple lang ang presentable ako yung parang – ” napatingin ako sa mannequin na may suot na red spaghetti strap na dress. May mga white beads sya na parang diamond sa may dibdib at may belt sya na parang silver. Mga two inches above the knee yung length nya. Hindi masyadong mahaba at hindi di masyadong maigsi. “ – tulad nun!” tinuro ko sa kanila yung dress. Nagtinginan silang dalawa at sabay ngumiti. As usual maya-maya nandito na sila dala-dala yung dress.
“Isukat mo na.” at sabay nila kong itinulak sa loob ng fitting room hanggang nasa loob kaming tatlo. “Go Tori.” Nakatingin silang dalawa sa’kin.
“Seryoso? Papanoorin nyo kong maghubad habang nakabukas ang fitting room?” parang nahiya naman silang dalawa at lumabas ng fitting room.
Parang sinukat talaga sa’kin yung dress. Ang ganda, hindi ko alam bakit ito yung nakita ko. Simple lang sya pero parang elegante ang dating. Nagmadali ko na ding hinubad at lumabas ako ng fitting room.
“What? Hindi mo sinuot?” nagmamaktol na naman ‘tong si Hail dahil hindi nya nakitang suot ko ang dress.
“Sinukat ko. Surprise na lang para maexcite kayo.” Then nagwink ako sa kanila. Ang laki ng ngiti ni Hail, parang bata na kumukutitap ang mga mata. “Babayaran ko na ‘to.” Tiningnan ko ang price tag at halos mahimatay ako. Paano ba nagkakaroon ng ganito kamahal na damit? 16, 750 pesos lang naman. Grabe mas mahal pa ‘to sa dress na binili ni Tonsi para sa’kin. Bigla akong nalungkot ng maalala ko yun dress na binili namin dati. Parang kelan lang yun pero parang ang tagal-tagal na. Parang hindi nangyari. Sana hindi na lang talaga nangyari ang lahat.
“Here!” nagulat ako ng may iniaabot sa’king bag si Gail.
“Ano yan?” napatingin ako sa kamay ko at wala na dun ang dress. Hindi ko napansin na nakuha na pala nila sa kamay ko. “Babayaran ko ‘to sa inyo!”
“That’s our gift! And ang gift hindi binabayaran.” Nakangiting sabi ni Hail.
“Gift? Nakailang gift na ba kayo sa’kin ha? Lahat na ata ng occasion eh may natatanggap ako galing sa inyo. No! Babayaran ko ‘to.” Nagiinsist talaga ako kasi ayoko naman silang abusuhin. Nilahad ni Gail ang kamay nya.
“Fine! 16, 000 pesos na lang since kaibigan ka namin. Cash! Ngayon na. Right at this very moment. Come on Tori.” Well alam nilang wala akong maibibigay ngayon kaya ganyan yan. Hindi ako nakasagot at wala akong kahit anong reaction. “So wala? Then tanggapin mo na na gift namin yan sa’yo. Okay?” then nagsmile sya.
“Kayong dalawa talaga. Next time di na ko sasama sa inyo. Palagi na lang kayong ganyan.” Hinawakan ako sa kabilang braso ni Hail at sa kabila naman s Gail.
“Girls I need to go to the bathroom.” Hindi pa din sila bumitaw sa’kin at sabay-sabay kaming nagpunta sa powder room. Di lang kami kasya sa door kaya bumitaw silang dalawa. Ginawa ko ang dapat kong gawin sa loob at nauna akong lumabas ng cubicle sa kambal. Naghugas ako ng kamay at nagsuklay ng konti.
“Yes sweety. I’ll be there.” Hindi ko matandaan pero parang narinig ko na yung boses na yun. Dahan-dahan akong sumilip sa labas pero nailang naman ako dahil nasa katabi lang ang men’s room. “Palabas na ko. NagCR lang kadate agad. Kaw talaga nagiging selosa ka na ha.” Tumatawang sabi nung lalaking nagsasalita. Papatalikod na sana ako ng bigla syang dumaan sa harapan ko. Hindi ko masyadong nakita yung mukha dahil nakaharang yung braso nya na may hawak na phone sa mukha nya. “I love you.”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa di ko malamang dahilan. Lumabas ako agad at sinundan ko yung lalaki. Mabilis syang naglakad at bumaba ng escalator. Kahit madaming tao hindi ko hinayaang mawala sya sa paningin ko. Hindi ko alam pero nararamdaman ko, nararamdaman kong sya si Tonsi. Nanakbo ako at nung malapit na ko sa kanya tinawag ko sya. “TONSI! TONSI!” pero hindi sya nalingon. Sinundan ko sya papalabas ng mall pero may nagaabang na kotse sa labas at sumakay sya agad.
“Tori! Tori who’s that? Are you okay?” nananakbo din ang kambal kasunod ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na ako si Torrence Felly eh umaasa na naman na ang lalaking nakita ko ay si Tonsi.
“Wa – wala. May nalalaglag lang kasi sya kaya hinabol ko.” Yumuko na lang ako.
“Where?” nakatingin silang dalawa sa’kin at hinahanap ang sinasabi kong nailaglag nung lalaki.
“Ah – naibalik ko na din bago sya sumakay ng kotse.” Sana maniwala sila. Hindi ko din naman sila masisisi kung di nila ko paniwalaan.
“Uh, you’re so good Tori. Kaya love na love ka namin eh.” yumakap sa’kin si Hail at syempre hindi magpapahuli si Gail dun.
Umuwi na din naman kami after naming mamili. Syempre nakisakay ako dito sa kambal. Si Gail busy sa pagtu-twitter. Si Hail naman hinalungkat na lahat ng pinamili nya. Ang kalat na tuloy sa sasakyan. Maya-maya nagvibrate ang phone ko at nakita kong natawag si Penelope.
“Hey, what’s up?” napatingin ang kambal sa’kin. “Si Penelope.”
[I’m so upset. The only dress na gusto ko nabili na ng iba.]
Natawa naman ako bago makapagsalita.
[What’s funny?]
“Nothing. Ang galing mo na kasing magtagalog.”
[Well magaling si sweety that’s why.] Narinig kong nagsigh sya. [But on the second thought, hindi din pala.]
“Mukhang gustong-gusto mo yung dress na yun ah.”
[Yeah. I saw that dress in AR-Mall. He said he’ll gonna buy it for me!]
“Galing din kaming AR-Mall. Sana pala sa’min mo na lang pinabili. Namili kasi ‘tong kambal, binili pa nila ko ng dress. Ewan ko kung bagay sa’kin.”
“Bagay sa’yo yung red dress na yun Tori kahit di ko nakita.” Sabi ni Gail.
[Red dress? What style?]
“Ha? Ano – spaghetti strap dress na two inches above the knee – ”
[With diamond-like beads and silver belt?]
“Exactly – wait yun din ba yung dress na gusto mo?”
[I think so.]
“Gusto mo sa’yo na lang kung gusto mo talaga. Madami namang nabili ‘tong dalawa. Pipili na lang ako.”
“WHAT? NO!!” sabay na sigaw nung kambal.
“Binili namin yan for you Tori. Ibibigay mo lang ng libre?” galit na sabi ni Gail.
[Tell the twins I’ll pay them. Double or even triple of the price. That’s not an issue.]
“No need! Kahit yung original price na lang.”
“33, 500 pesos!” sabi ni Gail. Tiningnan ko sya with a confusing look. “That’s the original price. Discounted yan kaya yan ang nasa price tag. Yellow tag yan Tori!” tiningnan ko ulit yung dress at yellow tag nga sya.
[Deal. 33, 500 cash!]
“Ha? No, discounted naman sya. Sorry di ako makapagdecide di kasi ako ang bumili nito.”
[That’s fine.]
“So idadaan na ba namin dyan? Kaya lang nasa city pa din kami. Medyo traffic.”
[Great then. Sweety’s still in the city. I’ll call him to meet you and you can give him the dress.]
“Are you sure?”
[100 percent. I’m so dying to see that dress.]
“Okay.”
[I’ll call you back. Thanks Tori and thank you twins!!!]
“Thank you daw twins.” Nagmake face lang naman yung dalawa then ibinaba na nya ang phone. “Imeet daw natin yung boyfriend nya dito sa city para sa dress. Mukhang gustong-gusto nya talaga ‘to.” Sayang naman at gusto ko din yung dress pero alam kong di naman bagay sa’kin kaya okay lang.
Bigla akong natigilan ng maalala ko ang pamilyar na boses na narinig ko na kausap ni Penelope sa phone. At alam kong sya ang boyfriend nya. Magkikita kami pero bakit parang hindi ako mapakali. Parang hindi ako makapaghintay. Pero bakit – bigla ulit nagvibrate ang phone ko.
“Hello.”
[Hey Tori he’s on his way to Musfer Café. He’s wearing blue jacket. Take care and thanks a lot.]
“No problem.”
[Bye.]
“Bye.” Nakatingin lang sa’kin ang kambal. “What?”
“Bakit parang kinakabahan ka?” Gail narrowed her eyes on me.
“Me? Of course not. Sa Musfer Café daw tayo magmeet.” Itinago ko ang phone ko sa bag.
“Musfer Café? Great I love their frappe and coffee and pies – ”
“And shut up!” Gail cuts her off.
“You’re so mean.” Hail pouted. “Kuya sa Musfer po.” Utos nya sa driver nila.
Habang tinitingnan ko ang dress nakakaramdam ako ng kaba. Kaba na hindi ko malaman kung bakit. Isang tao lang naman sya, taong hindi ko pa nakikilala pero kung kabahan ako parang – parang gustong-gusto kong makita ang isang taong hindi ko naman kilala. Ang weird. Umaasa ba ako na – na sya si Tonsi?