LD2: XXIX TORRENCE’S POV Hindi ko na maramdaman ang braso ko at hita. Nahihilo na rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa hangover o dahil sa gutom o dahil marami ng dugo ang nawala sa’kin. “Pen, please tumigil ka na. May oras pa para itigil ‘to.” Sabi ko sa kanya kahit nahihirapan akong magsalita. “Wag mong sayangin ang buhay mo. k********g ‘to. Believe me, hindi mo gugustuhing sayangin ang buhay mo sa kulungan.” Tumawa sya na parang isang mangkukula. “Oh dear, sino namang may sabing makukulong ako? Wala namang nakakaalam na may kinalaman ako sa pagkawala mo.” Tumayo sya at lumapit sa’kin. “Wala ka talagang kasing sama!! Tandaan mo ‘to!! Kahit na mamatay ako ngayon hinding-hindi ka mamahalin ni Rence!!!!” Hinawakan nya ako sa buhok sa likuran. “Walang lihim na hin

