BUMABA na si Serena sa sinasakyang tricycle nang makabayad siya nang makarating siya sa Munisipyo. Inayos naman niya ang strap ng bag niya bago siya humakbang papasok sa loob ng nasabing building. Halos binilisan nga niya ang paglalakad makarating lang siya sa Mayor's Office. Dapat maunahan niya si Mayor Raven sa pagdating sa opisina nito dahil nagsinungaling siyang nakaalis na siya at malapit na siya sa munisipyo ng sabihin nitong susunduin siya nito sa bahay nila. Hindi naman alam ni Serena kung ano ang pumasok sa isip ni Mayor Raven. Bakit siya nito susunduin sa bahay nila? Nahihibang na ba ito? Hindi ba pumasok sa isip nito na kapag ginawa nito iyon ay magtataka ang makakakita sa pagsundo nito sa kanya? At nang nakapasok si Serena sa loob ng munisipyo ay lakad-takbo ang ginawa niy

