BITBIT ang mga damit ay pumasok si Serena sa loob ng banyo para maligo. Pagpasok ay agad niyang isinabit ang mga dala niyang damit sa sabitan na naroon. Isa-isa namang tinanggal ni Serena ang lahat ng saplot sa katawan. Pagkatapos ay pinuno niya ng tubig ang bathtub. Gusto kasi niyang magbabad sa tubig ng sandaling iyon kaya naisip niyang lagyan ng tubig ang bathtub. At hindi naman nagtagal ay napuno na ang bathtub kaya lumusong na si Serena. Hindi niya napigilan ang mapapikit ng tumama ang malalig na tubig sa katawan niya. Nakaka-relax ang lamig ng tubig dahil sa alinsangan na panahon. Nanatili nga siyang nakababad sa tubig sa bathtub habang nakapikit siya. She felt so relaxed that she couldn't help but fall asleep. Hindi nga niya alam kung ilang minuto siyang nakatulog pero mukhang

