BUMABA si Serena sa tricycle ng ihinto ng Kuya niya ang minamaneho nito ng makarating sila sa bahay nila. Pagkatapos niyon ay inalalayan niya ang ina na bumaba mula din sa loob ng tricycle. Galing sila sa ospital para ipa-check ang ina nila. Naka-schedule na nga din ang chemotheraphy ng ina next week. May pera na kasi sila pampagamot dito. At galing iyon kay Kuya Sancho niya, nagulat na nga lang siya dahil pagkatapos ng Bagyo, isang linggo na ang nakakaraan ay kinausap siya ng Kuya niya. At sinabi nito sa kanya na may pera na ito para maipagamot nila ang ina. Nagulat nga siya nang i-abot nito sa kanya ang sobre na naglalaman ng ilang lilibuhin. Tinanong niya ito kung saan nito nakuha ang pera. Ang sagot naman sa kanya ng Kuya Sancho ay may kakilala daw ang kaibigan nito na nagpapautang.

