Chapter 75

2122 Words

HINDI na bumalik sina Serena at ang anak sa loob ng simbahan pagkatapos nilang lumabas na dalawa. Nanatili na sila sa labas hanggang sa matapos ang misa. Nag-text na nga lang siya kina Donna na doon na lang sila sa labas mananatili. Ayaw kasi niyang bumalik sa loob ng simbahan dahil ayaw niyang makita si Mayor Raven. Sabi niyang handa na siya kung sakaling magku-krus ang landas nilang dalawa pero hindi pa din niya inaasahan na makakaramdam pa din ng kirot ang puso niya, hindi para sa kanya, kundi para na din sa anak niyang si Selena. Nakaharap na nito ang ama kanina pero wala itong kamalay-malay kung ano ang koneksiyon nito sa lalaki. Pero mabuti nang walang kaalam-alam ang anak dahil baka masaktan ito kapag nalaman nitong inabandona ito ng sariling ama noong pinagbubuntis pa lang niya ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD