Chapter 100

1864 Words

NANG tuluyang makaalis si Serena at Ariel ay tumuon ang tingin ni Raven sa kinahihigaan kung nasaan ang anak. At parang may mainit na kamay na humaplos sa puso nang makita niya ang anak na mahimbing na natutulog. Nawala nga bigla ang inis na nararamdaman niya para kay Ariel kanina noong nagsagutan sila no'ng nagpaalam si Serena na magbibihis. Tinanong kasi siya ni Ariel kung ano ang ginagawa niya do'n. Kung bakit ginugulo niya ang buhay ng dalawa. Eh, tahimik na ang buhay ni Serena at Selena na malayo sa kanya. Hindi naman napigilan ni Raven na sagutin si Ariel sa mga sinabi nito sa kanya. Gaya ng sinabi niya dito kanina ay naroon siya para sa mag-ina niya. At sinabi niyang hindi siya naroon para manggulo, naroon siya para nakasama ang mag-iina niya, sinabi niyang naroon siya para puna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD