MAG-ISA lang si Serena sa loob ng Mayor's Office ng sandaling iyon. Wala kasi si Mayor Raven doon dahil may pinuntahan ito. At sa pagkakataong iyon ay hindi siya nito isinama sa pupuntahan nito. Mag-o-ocular visit kasi si Mayor Raven sa lugar kung saan ipapatayo ang building para livelihood project nito para sa mga single mom. Hindi na siya nito isinama dahil saglit lang daw ito doon at saka mainit sa pupuntahan nito. At habang wala si Mayor Raven ay ginawa naman niya ang trabahong pinapagawa nito sa kanya. Gusto niyang matapos iyon bago ito bumalim doon. Nasa ganoong posisyon si Serena nang napatigil siya ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. At nang silipin niya kung sino ang tumatawag ng sandaling iyon ay nakita niya ang pangalan ni Raven na rumihestro sa s

