SERENA appreciated Mayor Raven's act of kindness. Sa totoo lang habang tumatagal na nakakasama niya ito ay nagbabago ang tingin niya sa lalaki. Yes, he is manipulative, he is fuckboy. Pero sa kabila niyon ay naroon pa din ang malasakit nito sa sinasakupan, na hindi ito nagdadalawang isip na tumulong sa mga taong nangangailangan. At madalas, sarili nitong pera ang ginagamit nito sa pagtulong. Na-a-appreciate din ni Serena ang kind of gesture ni Mayor Raven sa kanya. Especially when he took her to Tagaytay last week to join the conference he was attending. Inakala ni Serena na dinala siya nito doon para samahan niya ito sa conference. Hindi pala, isinama siya nito para makita at makasama niya ang Nanay niya ng isang linggo dahil alam nitong nami-miss na niya ang ina. Inihatid nga lang siy

