"SAAN po kayo ngayon, Tita Mildred, Serena?" Napatingin si Serena kay Ariel nang marinig niya ang tanong nito sa kanila ng ina nang makalabas sila ng simbahan matapos ang misa. "Kung hindi pa kayo uuwi ay, iimbitahan ko sana kayo na kumain sa labas," dagdag pa na wika ni Ariel sa kanila, may ngiti ngang nakapaskil sa labi nito ng sandaling iyon. Bubuka sana ang bibig ni Serena para sana sagutin si Ariel na may lakad silang dalawa ng ina nang mapatigil siya ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ng Nanay niya. "Nanay Mildred." Halos sabay-sabay naman silang napatingin na tatlo sa kanilang likod nang marinig nila ang boses na iyon. At hindi napigilan ni Serena ang pag-awang ng kanyang labi nang makita niya si Mayor Raven. One of his hands was inserted into the pocket of h

