Chapter 5

1735 Words
"SERENA, tara na. Nagbibigay na si Mayor ng relief, pila na din tayo," yaya sa kanya ni Donna nang marinig nito mula sa kasama nilang naroon sa covered court na nagbibigay na ng relief goods si Mayor Raven. Nakapila na nga ang ibang naroon na kasama nila na nasa covered court. Sa halip na tumayo ay nanatili naman si Serena na nakaupo. Ayaw niyang pumila para kumuha ng relief goods dahil ayaw niyang makita si Mayor Raven, ayaw din niyang malapitan ito. Dahil kapag nakikita o mabanggit man lang ang pangalan nito ay naaala lang ni Serena ang naging pag-uusap nilang dalawa isang linggo na ang nakakaraan. Hanggang ngayon ay malinaw pa din kay Serena ang naging pag-uusap nila Mayor Raven. Kung ano ang gusto nitong kapalit sa pagtulong nito sa pagpapagamot ng ina. Inakala niyang ang kapalit niyon ay paninilbihan niya dito, pero iba pala ang gusto nitong kapalit. He wants her to served him in bed. Gusto nitong maging babae siya nito na magpapainit sa gabi nito. Nang sabihin nga ni Mayor Raven ang gusto nitong kapalit sa pagtulong nito ay basta na lang niya itong iniwan sa opisina nito sa Munisipyo. Hindi nga din niya kinuha ang financial assistance mula dito, iniwan niya iyon do'n kahit na kailangan na kailangan niya ang pera. Hindi nga din sukat akalain na ganoon si Mayor Raven. Sinabi nilang good leader, thrustworthy at reliable ang Mayor nila. Pero kabaliktaran naman iyon ng lalaki. Dahil para kay Serena, isa itong walking red flag at fuckboy dahil sa gusto nitong mangyari. Wala nga din siyang pinagsabihan sa naging engkwentro nila Mayor Raven, lalo na sa inaalok nito sa kanya. Dahil baka kapag sinabi niya iyon sa iba ay baka isipin ng mga ito na gumagawa lang siya ng kwento o sinisiraan lang niya ang Mayor nila. Baka sa halip na ito ang mapasama ay siya pa. Kaya tinikom na lang niya ang bibig. At naisip din niya na baka iyon na ang una at huling engkwentro nila ng lalaki. Kinabukasan nga ding iyon ay may natanggap siyang parcel, inakala niya kung ano iyon. Pero nang tingnan niya ang laman ay ang financial assistance na hinihingi niya sa gobyerno. May dagdag pa gaya ng sinabi ni Mayor Raven na dinagdagan nito iyon galing sa sarili nitong bulsa. Kinuha naman niya ang financial assistance pero iyong nararapat lang, ibinalik nga niya ang sobra. At nakahinga naman siya ng maluwag nang hindi na ibinalik muli sa kanya ang perang binalik niya, nakahinga nga din siya ng maluwag nang wala na siyang naging balita dito. Pero hindi niya inaasahan na dahil sa isang Bagyo ay muling magku-krus ang landas nila. "Ikaw na lang ang kumuha noong sa akin, Donna. Ibigay ko na lang ang stub ko sa 'yo," wika naman niya dito. Bawat pamilya kasi ay may stub na binigay, para daw hindi ma-doble ang relief na maibibigay. "Ano ka ba? Hindi pwede. Baka sabihin ni Mayor, dalawang stub ang kinuha ko," wika naman ni Donna. Magsasalita ulit sana si Serena ng mapatigil siya ng magsalita ang Nanay niya. "Akin na ang stub, Serena. Ako na lang ang pipila," wika naman ng Nanay niya. Humugot naman si Serena ng malalim na buntong-hininga. "Hindi na, Nay. Ako na lang po," wika niya, mukhang no choice siya kundi ang pumila. Alangan naman kasi na hahayaan niya ang Nanay niya na pumila para kunin ang relief goods? Eh, halos mahaba na ang pila at baka mapagod ito sa katatayo. Nang marinig iyon ni Donna ay agad nitong hinawakan ang kamay niya at hinila na siya patungo sa dulo kung saan ang pila. Hindi naman mapakali si Serena habang nasa pila siya. Iniisip kasi niya kung ano ang gagawin kung siya na ang kukuha ng relief goods. Si Mayor pa naman ang personal na nag-aabot niyon. Bakit kasi hindi na lang ang mga tauhan nito ang mag-abot niyon? At bakit naroon pa ito sa covered court? Bakit hindi na lang ito umuwi. "Serena, hindi ba oily ang mukha ko?" mayamaya ay tanong ni Donna sa kanya, kinalabit pa nga siya nito dahil nasa harapan siya nito. Nilingon naman niya ang kaibigan sa likod, tiningnan nga din niya ang mukha nito. "Oily," sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata nito. "Saglit. Balik ako, magpo-polbo lang ako." At akmang aalis ito sa kinatatayuan ng mapatigil ito nang hawalan niya ito sa braso. "Huwag ka nang bumalik, nakakahiya sa nasa likod mo kung sisingit ka ulit sa pila," wika naman niya, marami na din kasing nakapila sa likod nila. "Pero nakakahiya kay Mayor kapag nakita niyang oily ang mukha ko," wika naman ni Donna. "Huwag kang mahiya sa fuckboy," hindi niya napigilan na sabihin. "Ha?" "Wala," wika na lang naman niya. "Huwag ka nang umalis. Mabilis lang naman ito, kukunin na lang natin ang relief at alis agad tayo," wika niya. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita si Donna dahil inalis na niya ang tingin nito at humarap na sa harapan. Umusad naman na ang pila hanggang sa malapit na sila. At mayamaya ay nanlaki ang mga mata ni Serena nang biglang binuhos ng batang babae ang hawak nitong baso na may lamang tubig sa harapan niya dahilan para mabasa siya. Naramdaman nga niya ang lamig sa katawan niya dahil do'n. Sinaway naman ng ina ang anak na karga nito nang makita nito ang ginawa ng anak. "Oh, Miss sorry," hingi naman ng paunmanhin ng Nanay nito ng sulyapan siya nito. Isang tipid na ngiti na lang naman ang isinagot niya. Wala na din kasi siyang magagawa dahil nabasa na siya. Pinagalitan naman ng babae ang anak nito. "Ayos ka lang ba, Serena?" tanong naman ni Donna sa kanya nang makita nito ang nangyari. Humugot na lang naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay lang," sagot niya. Pinagpagan nga niya ang nabasang damit. Nag-angat na nga din siya ng tingin sa harapan. At hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ng pagkaharap niya ay agad na nagsalubong ang mga paningin nilang dalawa ni Mayor Raven. Nakatingin na kasi ito sa kanya ay may napansin siyang naglalaro na ngiti sa labi nito. Pasimple na lang naman niyang iniwas ang tingin dito. At habang palapit na palapit siya dito ay hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Lalo na noong siya na ang kukuha ng relief goods. Ayaw sana niyang mag-angat ng tingin dito pero wala siyang nagawa nang mapansin niyang walang inaabot si Mayor Raven sa kanya na relief goods. At nang mag-angat siya ng tingin ay agad na sumalubong sa kanya ang itim na mga mata nito. Itinaas naman niya ang kamay para ibigay na sa kanya ang relief at makaalis na siya do'n. Pero sa halip na i-abot nito ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa dibdib niya. Napansin niya ang pag-igting ng bagang nito habang nakatingin ito doon. Sinundan naman niya ang tinitingnan nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang bumakat ang itim na bra niya sa suot niyang itim na T-shirt. Dahil basa iyon ay bumakat ang bra niya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ni Mayor Raven ng i-abot nito ang relief goods. Agad naman niya iyong niyakap para takpan ang suot niya. At hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Mayor Raven. Dahil mayamaya ay tinanggal nito ang suot nitong leather jacket at saka nito iyon isinuot sa kanya. "ANG bait talaga ni Mayor Raven." Iyon agad ang sumalubong kay Serena mula kay Donna pagkatapos niyang magpalit ng damit sa banyo na matatagpuan sa covered court. Hawak-hawak niya ang damit at ang jacket ni Mayor Raven. Sa sandaling iyon ay amoy na amoy nga niya ang pabango nito na naiwan sa jacket nito. At alam ni Serena na mamahalin na pabango iyon. She could still smell his expensive perfume lingering on his jacket. At pakiramdam niya ay kumapit pa iyon sa katawan niya. "Ang gentleman pa niya," dagdag pa na wika ni Donna. Gusto namang ipaikot ni Serena ang mata sa narinig ma sinabi ng kaibigan. Si Mayor Raven? Gentleman? Saang banda naman? Gusto sana niyang sabihin iyon kay Donna pero hindi na lang niya ginawa. Inakala yata ni Donna na gentleman ang Mayor nila sa ginawa nito kanina. Pero sa isip ni Serena ay hindi pa din maalis ang pagiging fuckboy nito. Kung siguro ay hindi siya in-offeran-an ni Mayor Raven na maging babae nito, iisipin niyang gentleman talaga ito. But Serena knows the truth: their mayor is no gentleman. Hindi naman na nagbigay komento si Serena sa sinabi ni Donna. Bumalik naman na sila kung saan sila naka-pwesto. At nang makarating sila do'n ay ipinatong niya sa bag ang damit niya, napatigil nga din siya nang maalala niya ang jacket ni Mayor Raven. Humugot naman si Serena ng malalim na buntong-hininga. Gusto niyang itapon iyon pero baka hanapin iyon sa kanya ng lalaki. "Donna, ibalik ko lang itong jacket ni Mayor," wika niya kay Donna. Tumango ito bilang sagot. Humakbang naman si Serena para hanapin si Mayor Raven, sigurado siyang naroon pa ang lalaki. Narinig kasi niyang do'n matutulog sa covered court si Mayor Raven, may pinalagay itong tent do'n. Nakita naman ni Serena ang lalaking kasa-kasama palagi ni Mayor Raven. Kung hindi siya nagkakamali ay baka bodyguard nito ang lalaki. "Excuse me?" wika niya nang tuluyan siyang makalapit. "Si Mayor Raven po?" tanong niya dito. "Gusto ko sanang ibalik ang jacket niya," dagdag pa na wika niya sabay taas sa hawak niyang jacket. "Sa loob ng tent si Mayor," sagot nito sa kanya. Sasabihin sana ni Serena sa lalaki na ito na lang ang mag-abot kay Mayor Raven ng mapatigil siya nang tumunog ang ringtone ng cellphone nito. "Pasok ka na sa loob," wika nito sa kanya bago nito sinagot ang tumatawag dito. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Mayor Raven," tawag niya sa pangalan ng lalaki. Nang wala pa siyang naririnig na sagot dito ay napagpasyahan niyang pumasok sa loob ng tent. Pero sana ay hindi na lang niya ginagawa nang makita niya kung ano ang ginagawa ni Mayor Raven. Mayor Raven is standing, eyes closed, with his pants zipper open. And he was holding his c**k and he is pleasuring himself! Serena's eyes widened and totally caught off guard. Her gaze was stuck on it. And she saw how enormous it was, almost too large for his grasp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD