MARAHAN ni Serena na hinalikan ang noo ng anak bago siya dahan-dahan na bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Alam niyang ayaw na ayaw ng anak na magigising ito na wala siya sa tabi nito pero ayaw naman niya itong gisingin dahil mukhang ang sarap ng tulog ito. And she didn't have the heart to wake her up. Nakabalik na sila Serena sa Pampanga galing sa probinsiya nila. At gaya ng sinabi ni Ariel ay sinabay na din sila nito pauwi. At isang linggo na din ang nakakaraan simula noong unuwi sila sa kanila. Isang sulyap pa ang pinagkaloob niya sa anak bago siya humakbang palabas ng kwarto. At habang naglalakad ay pinupusod nga din niya ang mahabang buhok in a messy bun style. Nang makarating nga si Serena sa may kusina ay agad niyang binuksan ang fridge para tingnan kung ano ang pwede

