Chapter 5

1486 Words

Saktong bumuhos ang malakas na ulan nang lumabas si Kieran ng Midnight Tavern. Pinakaayaw pa naman niya ang abutan siya ng ulan dito sa bayan ng Balagtas. Mabilis kasing tumaas ang tubig. At hindi na nadadaanan ang tulay pauwi ng Hacienda Ramona. "Hihintayin mo bang tumila ang ulan?" Habang humihithit ng vape ay nilingon ni Kieran ang bagong labas na si Joanna. Silang dalawa na lang yata ang naiwan dahil nauna ng umuwi ang mga kasamahan nila. "Baka bukas na ako makauwi kung hihintayin ko pang tumigil," kaswal at walang bahid na pamimilosopong sagot ni Kieran. Okay naman sila minsan ni Joanna. Madalas lang talaga silang magbangayan. "Kaya baka sa bahay na ni Dimple ako matutulog." Ang tinutukoy ni Kieran ay ang latest fling niya na taga-Balagtas lang. May-ari ito nang maliit na rancho.

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD