Chapter 13

2502 Words

"Bakit po pala kayo nagpa-confine pa, Sir? Puwede naman na kayong lumabas." Alam ni Reza na hindi niya dapat kinukuwestiyon ang pasyente, lalo pa at VIP patient ito. Pero hindi niya talaga mapigilan ang sarili na mainis sa kaartehan ng lalaking ito. Halata namang wala na itong nararamdaman. Kanina pa nga ito tawa nang tawa sa pinapanood na video sa cellphone nito. "Trip ko lang," tipid nitong sagot. Nasa cellphone pa rin ang atensiyon ni Kieran. Ni hindi man lang ito nag-abalang lingunin siya. Uminit yata ang bumbunan ni Reza sa narinig. "Nagpaka-confine po kayo dahil trip mo lang? Hindi mo ba alam na sa trip mo na ito, maraming mas totoong nangangailangang pasyente na sana akong naalagaan ngayon?" "I'll triple your salary. Don't worry," hindi pa ring lumilingon na sagot ni Kieran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD