Simone's POV "Simone Rodrigo, will you be my girlfriend?" Okay, alam ko balak ko siyang jowain pero bakit napakabilis naman ata? Kung papayag ako sa kanya ay parang wala naman ka-thrill thrill. "Ayoko nga!" Ang sagot ko sa kanya, at bumitaw ako mula sa pagkakahawak niya. "Why?!" Ang nakakunot niyang sabi, at biglang lumungkot ang mukha niya. "Ano agad agad, hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna?! Nagmamadali ka ba?" Ang sagot ko sa kanya. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya, at ngayon ay nakangisi na siya. Okay ang bilis magbago ng mood ng lalaking 'to ah. Kanina masaya tapos biglang sumersoyo, tapos mukhang naging malungkot naman, tapos ngayon ay mukhang masaya na naman. Mag-aartista ba siya?! Hindi naman ako producer o director pa sa akin siya mag-audition! Tapos ay muli na

