Amy
Pinaupo niya ako sa cart namin nang kausapin siya ng private ni Kerra. Pumunta sila sa isang sulok at nag-usap ng tahimik. Natatanaw ko naman sila pero hindi maririnig kung ano man ang usapan nila. Panay ang sulyap sa akin nila Rambo na akala siguro ng dalawa ay nagseselos ako.
Kerra did not talk to me since Lennon told her that I was his precious girl. Pakiramdam ko nga ay pinandidilatan niya ako kanina. Muli akong sumulyap sa gawi nila. Seryoso na silang pareho. Si Lennon ay nakapamayang na at nakikinig nang maayos sa mga sinasabi ni Kerra.
Nilapitan ako ni Rambo at inabutan ng isang bote ng mineral water. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Bumalik ito ulit sa kinatatayuan nila ni Koa.
Mag-iisang oras na akong naghihintay sa cart namin. Kung puwede ko lang sigawan si Lennon ay baka ginawa ko na mabalikan niya ako rito sa kinauupuan ko.
Ano bang mahalaga nilang usapan at dito pa talaga? Puwede naman sila mag-set ng meeting at kahit abutin pa sila ng taon sa pag-uusap. Sumimangot ako at binaling sa kabila ang paningin. Inabala ko ang sarili sa panonood ng iba pang naglalaro ng golf.
Hindi ko alam kung anong tamang paglalaro ng golf. First time ko kasi makapunta sa ganitong lugar at hinahayaan din ako ni Lennon kanina sa paraan ko kung paano laruin.
He loves sport, I think. Maskulado ang katawan niya kahit may edad kaya sigurado na akong maalaga ito sa katawan at may sinusunod na diet.
Nalibang ako sa panonood ng iba pang naglalaro kaya hindi ko napansin na nasa tapat ko na pala si Lennon. Bored ko siyang tiningnan. Ang tagal niyang nakipag-usap. Nakakainis ang matandang 'to!
"Sorry to make you wait, baby girl."
T*ng ina naman oh. Nakikiliti ang loob ng tiyan ko sa tuwing tinatawag niya sa akin ang baby girl. Pinamumulahan ako ng mukha at nahihiya.
Hinanap ko si Kerra. Papalapit na ito sa kaniyang sasakyan at mukhang aalis na. Hapon na rin dahil palubog na ang araw.
Ngumiti ako sa kaniya. "Okay lang iyon."
Kinurot niya ang chin ko. Ngumiti lang sa kaniya.
"Alis na tayo," ani niya.
Muling kumunot ang noo ko. Saan na naman ba kami pupunta? Tiningnan ko siya saglit.
"Uuwi na ba tayo?" Ayaw ko pang umuwi. Baka mag-demand siya ng pangalawa kaya ayaw ko pa. Ayaw ko! Nagtatalo na ang isip ko at puso.
He smirked. Tiningnan ang katawan ko. Binalot ako ng kaba.
"Let's go to the mall."
Kumunot ulit ang noo ko. Sa huli ay kinuha ko ang sling bag at sumunod sa kaniya. Minsan ay nahihiya akong ipatong sa kandungan ko ang luma kong sling bag. Binili ko lang ito sa puwesto ni Aling Manet. One hundred pipte pesos nga lang ang halaga. Kinakahiya ko kay Lennon. Kumpara sa mga suot niyang milyones ang halaga. Pero ganito niya ako nakilala. Na isang simpleng babae lang at galing mahirap kaya wala akong dapat na itago sa kaniya.
Pagdating namin sa malaking mall ay dinala niya ako sa branded na mga damitan. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko at tahimik na nakasunod sa amin sina Rambo at Koa.
"Welcome sir, ma'am." At tiningnan kami ng mapanuring mga sales lady. I know, I know, dahil may sugar daddy ako. Kahit hindi nila sinasabi ay alam ko na ang nilalaman ng kanilang isipan. Para lang sila ang mga kapitbahay namin. Paulit-ulit na pinapamukha sa akin na pamangkin ako ng isang pokpok.
"Gusto kong magsukat ka ng mga damit na gusto mo." Bulong niya sa akin.
Agad akong umiling. "Okay na ako rito. Huwag na po." Bulong kong pabalik. I'll make sure na kami lang ang makakarinig.
Hinapit niya ako sa baywang kaya napasinghap ako.
"I insist, baby girl. Come on. Magtatampo ako kapag tinanggihan mo."
Dinala niya ako sa mga jeans. Bawat hawakan ko ay nilalagay niya sa cart na tulak tulak ni Koa. Kaya sa huli ay punong puno ang cart namin. Nang nasa counter kami ay pinilian ko lang ang mga pinamili. Pero napamura pa rin ako nang makita ang presyong binayaran niya.
We went to a luxurious restaurant. Dito na kami nag-dinner dahil pasado alas otso na ng gabi. Nasa kabilang table sina Rambo. Nasa sulok naman kami kung saan walang nakakakita.
Hiniwa niya ang karne sa plato niya at tinapat sa bibig ko. Napangiti akong naiiling. Hindi ko kinakaya kung gaano ka romantiko si Lennon. It's like an old generation but he was so romantic.
"Open your mouth. It's a food, Amy. Masamang tinatanggihan ang pagkain."
Hilaw akong ngumiti. Binuka ko ang bibig at tinanggap ang alok niya. Napayuko pa ako bago nginuya ang karne sa bibig ko.
"S-salamat."
He chuckled. "I never regret meeting you, Amy. You're so nice girl. Kaunting practice lang kung paano malulusaw ang hiya mo sa akin."
My lips parted a bit. Nakagat ko ang ibabang labi nang wala akong maisagot. Nagpatuloy ako sa pagkain. Kung minsan ay sinusubuan niya ako. Mabuti na lang at hindi kami nakikita nila Rambo. Dahil kong malalaman nila itong ginagawa sa akin ni Lennon ay baka hindi ko na sila mangitian pa.
Dumeretso na kami sa mansyon niya pagkatapos namin kumain. Pagod na ako. Napagod ako sa half day namin sa labas. Pinatabi ko muna ang mga gamit kay Yaya Susan sa gilid ng walk in closet ni Lennon. Inaantok na ako. Gusto kong idahilan ito upang hindi niya ako istorbuhin.
Naghilamos ako at nag-tooth brush. Sinuot ko ang malaki niyang t-shirt at humiga sa kama. Nasa office room pa siya dahil may tatawagan raw ito. Kanina pa ako kinakabahan. Sana ay dalawin ako nang antok upang hindi na niya ako maistorbo.
Nakisama ang panahon. Hindi ko na nahintay ang kaniyang pagpasok at nakatulog ako ng mahimbing.
Nagising akong may humahaplos sa akin at may mainit na bagay na dumadampi sa balikat ko. Nakiramdam ako at agad na napadilat nang mapagtantong si Lennon. Gulat akong humarap ng higa sa kaniya. Sinalubong ako ng guwapo niyang mukha. Maamong maamo at matamis na nakangiti sa akin.
"Good morning my sunshine." Inabot niya ang labi ko at dinampian ng halik. Mahina siyang tumawa nang takpan ko ang bibig gamit ang palad ko.
Hindi pa ako nagmugmog. Baka mabaho ang hininga ko. Pero tingnan mo ba naman siya. Kay fresh niyang tingnan kahit bagong gising at ang bango bango pa.
Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig.
"Huwag ka ng mahiya sa akin, Amy. I already taste your mouth and saw everything in you. You're so beautiful my girl."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Inabot niya ang baba ko at pinatingin sa kaniya.
"Makikipagkwentuhan pa sana ako sa iyo kagabi pero pagbalik ko dito sa kuwarto ay mahimbing ka ng nakatulog."
Nahiya ako sa kaniya. "Pasensya kana, napagod ako kahapon." Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya.
"Never mind, bumawi ka ngayon."
Mahina akong tumili nang ipaibabaw niya ako sa kaniya. Tumawa siya. I placed my palms into his hard chest. Namimilog ang mga mata ko. Ang mga hita ko ay inipit niya sa kaniyang pagitan.
"Lennon--" I gasped.
He chuckled and kissed the tip of my nose. Niyapos niya ako. Nilagay ang mukha ko sa kaniyang dibdib. He let my face rest on his hard chest. I even felt his heart beat.
"Stay still, I just want to hold on you in my arms like this. Limang araw kitang hindi makakasama. I miss you already my baby girl."
I swallowed and bit my lips. Bumilis na naman ang t***k ng aking puso. Last day ko na kasi ngayon sa mansyon niya at uuwi na ako mamayang hapon. Hinayaan ko ang gusto niya. Pinakinggan ko ang dagundong ng mga dibdib namin.
"Lennon?"
"Hmm,"
"Tama ba itong ginagawa natin?" Hindi ko alam kung bakit ko ito naitanong sa kaniya.
Pinatingin niya ako sa kaniya. "Walang isa man sa atin ang kasal. Ikaw ba ay sigurado na sa boyfriend mo?"
Napalunok ako. Hindi nga ako sigurado kay Lyndon. Kaya hindi ko siya mabanggit banggit dahil baka ako lang pala ang nag-aasumme na mayroon pang kami. Nag-init ang dulo ng mga mata ko pero pinigilan ko ang luha.
"Hindi ko alam. Nangako ako sa kaniyang maghihintay ako." Kwento ko.
"Nasaan ba siya?" Tanong niya.
"Nag-aaral sa ibang bansa," sagot ko.
He sighed. Pinatingin niya ako sa kaniya.
"Hindi ako magiging hadlang kung mas pipiliin mo siya. But always remember that you're so precious to me. I like you so much. I like everything about you, Amylou." Ngumiti siya sa akin pero nakita ko ang lungkot sa ulap ng kaniyang mga mata.
Nasaktan ako. Hindi rin pala niya ako ipaglalaban kung sakaling gusto ko ng kumalas sa aming commitment. Pinaglaruan ko ang dibdib niya.
"Hindi ka gagawa ng paraan o kahit ano?"
Mahina siyang tumawa. "Katulad ng sabi ko sa iyo noon. Ang pagpwersa ng babae ay hindi baso ng alak ko. Your feelings is important, Amy. Fallow what you desire."
Hindi ko alam na ganito pala kalawak ang isip ni Lennon. Ang mga naririnig kong batang batang babae na nakikipagrelasyon sa mga may edad na lalaki ay hawak ito sa leeg.
Kasi karamihan naman sa ganitong sitwasyon namin ni Lennon ay dahil sa pera. Kagaya ko, nang dahil sa pera kaya ako nasa piling niya ngayon. Kumapit ako sa patalim. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan itong ginagawa ko pero wala na akong ibang hiling pa kun'di ang makapagtapos.
Malaki na ang isinugal ko para sa pag-aaral ko. Ang katawan ko at kaluluwa. Kaya hindi ko hahayaan na masayang ito lahat. Lahat ng pinaghirapan ko ay gusto kong makitang magbubunga.
Pagkatapos namin mag-almusal ay inaya niya ako mag-swimming. Masarap siyang kasama. Nakakasabay siya sa akin kahit malayo ang edad niya sa akin. Natutuwa ako sa kaniya at unti unting nalulusaw kung ano man ang pagkailang ko sa kaniya.
Itong swimming pool ay nasa loob ng mansyon. Kaming dalawa lang rito kaya pinayagan niya akong magsuot ng bikini. Naghabulan pa kami at nagsabuyan ng tubig. Ngunit nang mahuli niya ako ay kinulong ako sa kaniyang mga bisig at mapusok akong hinalikan.
At dahil uuwi na ako mamaya ay kusa kong pinaikot ang mga kamay sa leeg niya. Sinagot ko ang halik niya kahit hindi ko masabayan.
Binuhat niya ako at pinaikot ang mga binti ko sa baywang niya. Dinala niya ako sa lounge kung saan nakalatag ang mga tuwalya namin. Hindi niya binibitiwan ang mga labi ko. Masarap siya humalik. Nalulunod ako at nawawala sa sarili.
Hinaplos niya ang hita ko. Maayos akong pinahiga sa lounge at muling hinalikan. Naramdaman ko ang kamay niyang tinanggal ang bra ko. Naitulak ko siya nang makawala ang dibdib ko sa suot.
"Baka may pumasok at makita tayo." Pag-aalala ko.
He chuckled. "Naka-lock ang pinto at walang pumapasok rito nang wala akong permiso."
Malakas akong napalunok. Hinaplos niya ang pisngi ko. Ngumiti ulit sa akin. Wala na akong nagawa nang tanggalin niya ang panty ko at pinaghiwalay ang mga hita ko.
"Lennon...uhm..." Daing ko nang muling madama ang experto niyang dila sa p********e ko.
Inabot ko ang buhok niya pero imbes na suklayin ay nasabunutan ko. Pinikit ko ang mga mata at tinaas ang kabilang hita upang ipatong iyon sa kaniyang balikat. Nilukob ako ng init at nakakabaliw itong ginagawa niya.
Dumaing ako ulit. Hanggang sa naging paulit ulit at hindi ko na pinigilan pa. His tongue is aggressive and fast! He licked and sucked me. And when he sucked my c**t, my toes curled up. s**t! That was my delicate fold. Inabot ng mga kamay niya ang s**o ko at hinimas. I can see how my body responded to him. Ang n*****s ko ay tumatayo at nakikiliti sa malalaking palad niya.
He played my n*****s and pinched while sucking hard my p***y. I closed my eyes and bit hard my lower lip. I was panting hardly.
He groaned and groaned.
"Hmmm!" Rinig kong daing niya. Binaon ang dila sa butas ko kaya naiangat ko ang pwet. s**t! That was so crazy. At nang maramdaman kong may sasabog sa akin ay hinila ko pa ang buhok niya.
"Lennon! Ah! Stop!"
Magkasunod sunod akong huminga ng malalim. Katulad noong una ay sinaid niya ang lahat lahat ng lumabas sa akin. Hinubad niya ang short at walang hiyang hinimas ang p*********i niya sa harapan ko.
Nag-iwas ako ng tingin at pinagdikit ang hita. Nakikiliti pa ang p********e ko. Lumuhod siya sa lounge. Tinaas ang magkabilang hita ko at tinutok sa akin ang matigas niyang ari. Kumunot ang noo ko at nag-alala. Humawak siya sa magkabilang gilid ko at sinampay ang mga hita ko sa malalaki niyang braso. Gosh! Hindi ko ma-imagine ang posisyon namin ngayon.
Nakaluhod siya sa akin at bukang buka ang mga hita ko sa kaniya. Hinalikan niya ako. Mapupula na ang mukha niya hanggang leeg at umiigting ang panga. He was aroused.
"As I promise you, I won't hurt you, my baby girl."
He thrusts! Napadilat ako. He stretched my p***y.
"Ahm!" Masakit pa rin. Ang liit ko lang kasi para sa kaniya.
"Shhhh! You will be okay. Hmm..." He whispered with so much passion.
He thrusts again until he succeed. Niyuko niya ako at hanalikan. Nilabas ang dila sa loob ng bibig ko. He played my tongue with his while thrusting gently.
Ang mga daing namin ay nakulong sa lalamunan dahil sakop niya ang bibig ko. Kumapit ako sa kamay dahil para akong nalulunod. Bumitaw siya sa halikan at binilisan ang paggalaw ng kaniyang balakang. Nakatingin siya sa paglalapat ng mga amin habang ang labi ay nakaawang.
"Amy, you're so tight. You're p***y is so pretty and satisfying. I like you so much! I like you, my baby!"
Wala na akong maisagot kun'di daing lamang. Sumasakit ang likod ko sa lounge pero dahil maingat si Lennon ay carry pa naman.
Muli niyang sinayaw ang balakang. Muli akong sumigaw. Masarap na ang nararamdaman ko kaya ayaw ko na siyang huminto. Kumapit ako sa kaniya nang mahigpit. Ramdam ko na ang pawis namin. Muli kaming naghalikan habang gumagalaw siya sa aking ibabaw.
"Amy, babe. Baby..." He whispered. Niyuko niya ako ulit at kinagat ang punong tainga ko.
Masakit na ang mga hita ko sa sobrang buka nito. Nararamdaman kong malapit na ako kaya naman muli kong kinalmot ang kaniyang braso. Bumagal siya sa paggalaw nang makaraos ako.
Niyuko niya ang dibdib ko at pinaloob sa mainit niyang bibig. At nang lalabasan na siya ay magkasunod sunod na umungol ng malakas. Hinugot niya ang p*********i sa akin at nilagay iyon sa puson ko.
Unang beses kong nakita kung paano lumabas ang semen sa p*********i niya. Nanginig siya habang hawak iyon. Muntik na akong mandiri nang makita ang nagkalat na puting sperms sa puson ko. Gumapang siya sa akin at hinalik halikan ako sa leeg.
"I don't want to c*m inside you. I don't want to get you pregnant without your permission."
Namimilog ang mga mata ko. Mabuti na lang ay pinaalala niya sa akin. Hindi rin puwede dahil nag-aaral pa ako.
Hinalikan niya ako ulit sa pisngi. "Napagod ba kita? I'm sorry, I can't stop myself when I'm with you. You're so gorgeous."
Hinaplos ko ang panga niya at nginitian siya. Talagang napagod niya ako at muling pinasakit ang p********e ko. Saglit kaming nagpahinga at muling naligo.
Nang mag-alas kwatro na ng hapon ay nagbihis na ako. Hindi ko dinala ang lahat ng damit na pinamili niya sa akin. Binigyan niya ako ng pera.
Hinatid niya ako sa labas ng gate at bago ako sumakay ay sa kotse niya ay niyakap ako ng mahigpit.
"Take care of yourself. If you need anything, you're welcome to call me or send me messages. I miss you, baby girl."
Dinampian niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Nahihiya ako kila Rambo dahil nakatingin sa amin. Tiningala ko siya.
"Alagaan mo rin ang sarili mo." I waved my hands to him.
ps: Sensya na di ako nakapag-edit. antok na ang ferson hehe sorry agad sa mga typos.