Episode 5

2878 Words
Title: FALLING STAR (BL) Author: Jenryl de Jesus Wattpad: @jenryl04 Dreame: @Moonlight04 EPISODE 5 WIN Sabay kaming pumasok ni Mek ng unibersidad. Nasa lobby palang kami ng aming faculty nang nagkita kami ni Pring. “Hello Win!” agad niyang bati sa akin. “Hi” maagap kong tugon. “By the way Pring, si Mek, friend ko.” “Hello!” bati naman ni Pring kay Mek. “Hi!” nakangiting tugon ni Mek at sabay abot ng kanyang kamay. “Win, ready ka na ba para sa beach pictorials?” tanong ni Pring. “Hindi pa nga eh. Ikaw?” “Hindi rin. Pero bukas na ‘yun, di ba?” “Oo. Mamayang gabi pa ako maghahanda.” “Ako rin. Siya nga pala, pupunta ka sa USG room?.” “Oo!” “Sige sabay na tayo.” Agad akong nagpaalam sa aking kaibigan. “Mek, punta na muna kami ni Pring sa USG room. Mayroon kasi kaming practice ngayon.” sabi ko rito. “Ok! kita nalang tayo mamaya.” si Mek at agad ding umalis. Agad kaming nagtungo ni Pring sa USG room. Speaking of beach pictorials, bukas pupunta kami sa isang beach at doon gagawin ang aming pictorials na siyang gagamitin para sa online voting. Kailangan naming mag stay doon ng isang gabi para sa mga activities na gagawin. Doon din kami bale mag-iinsayo para sa nalalapit na contest. Tatlong araw nalang, search na for Moon and Star 2018. Papasok na kami ni Pring nang makita ko si Gulf na naglalakad sa hallway ng kanilang building kasama si Tin. Bahagya akong napatigil nang makita ko sila. Pagkatapos niyon ay dumiretso ako sa loob kung saan naghihintay sina P’Yen at P’Tar. “Bukas na gagawin ang pictorials at uniform lang ang gagamitin niyo. But do not forget to bring extra clothes huh. Doon narin gagawin ang group practice niyo.” sabi ni P’Yen. “Ok P’.” sabay na sagot namin ni Pring. “Sa ngayon, mag-iinsayo muna tayo rito.” wika ni P’Tar. “Titingnan ko rin ang magiging talent niyo. Dapat makuha niyong dalawa ang tamang paglakad.” dagdag pa nito. Nang umalis si P’Yen, ay agad na kaming nagsimulang mag training. Naunang rumampa si Pring. Naupo lamang ako sa isang sulok habang nanonood sa kanya. Magaling na siyang rumampa. Sa katunayan puwede na itong panlaban sa higher competition. Hindi ko tuloy maiwasan sa sarili na humanga sa kanya. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya. May mga pagkakataon na tumitingin din siya sa akin. Hanggang sa ako na naman ang sasabak sa training. Aminado akong hindi pa ako ganun kagaling. Kaya nga nang makita kong rumampa si Pring kanina ay halos pinanghinaan ako ng loob. Pakiwari ko ba’y hindi ako nababagay bilang kapareha niya. “Nong! Magtiwala ka sa sarili mo. Magaling ka. Magtiwala ka lang!.” sabi ni P’Tar na tila bino-boost ang aking self-confidence. Nagsimula na akong rumampa. Sa una, medyo hindi pa ako komportbale lalo pa’t nanonood si Pring. Paulit-ulit iyon hanggang unti-unti ko ng nakakabisado ang aking lakad. “Wow Nong! Napakagaling mo na. I’m sure malaki ang chance mo na manalo.” wika ni P’Tar na natutuwa sa improvement na ipinakita ko.. Ngumiti lamang ako. Bigla kong naalala ang pustahan naming dalawa ni Gulf. Pag nanalo ako, lalayuan na niya ako. Pero pag hindi ako nanalo, araw-araw ko siyang makakasama. Hanggang naalala ko kanina ang tagpo habang naglalakad ito sa hallway ng kanilang building kasama si Tin. Kung bibigyan ko ng kahulugan ang mga gestures ni Tin towards him, walang duda may gusto ito kay Gulf. Pero ang tanong, may gusto rin ba si Gulf sa kanya? Pagkatapos ng aming insayo ay agad kaming lumabas ni Pring mula sa USG room para pumunta ng canteen. “Alam mo ang galing mo.” minsang sabi niya sa akin habang naglalakad kami papuntang kantina. “Ikaw nga ang magaling eh. Nahihiya nga ako sayo kanina.” nakasimangot na sabi ko. “Asus! Pa humble ka pa. But honestly Win, ang laki ng chance mong manalo. Unlike sa akin, alam kong mahirap talunin si Tin.” “Hey! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Malaki naman ang laban mo sa kanya eh. Saka maganda ka, matalino, magaling din. I’m sure, mabibigyan mo siya ng magandang laban.” Bahagyang ngumiti si Pring. Tila ba’y kinilig ito sa mga papuri ko sa kanya. “Thank you Win.” aniya. Isang napakalambing na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Sa totoo lang, simula ng dumating ako sa Chulalongkorn University, si Pring lang ang nag-iisang babaeng bumihag ng aking atensiyon. Yes! I admit, I liked Pring even I first saw her. Hindi pa kami nakaabot ng kantina ng bigla kaming napatigil nang makasalubong namin sina Gulf at Tin. Iiwas pa sana ako ngunit agad akong nakita ni Gulf. “Hi!” bati nito sa aming dalawa ni Pring. Hindi ako sumagot sa halip si Pring ang tumugon. “Hello!” Iniwas ko ang aking tingin sa kanya nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. “Siya nga pala, si Tin. Tin, si Win at……” hindi itinuloy ni Gulf ang kanyang sasabihin dahil hindi pa naman niya kilala si Pring. “Pring.” biglang pagpapakilala ni Pring sa kanyang sarili. “Hello!” bati ni Tin sa amin. “Hi!” sabay na bati namin ni Pring sa kaniya. Ngunit hindi parin ako tumitingin kay Gulf ngunit lihim akong sumulyap sa kanya. Nakita kong hindi parin nito iniwas ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. “Saan kayo pupunta?” tanong nito habang ang mga mata’y sa akin parin nakatuon. “Ahhh…pupunta kami ng canteen ngayon para mag miryenda. Katatapos lang din kasi ng training namin.” mabilis na sagot ni Pring. “Actually papunta rin kami roon. Kung gusto niyo, sabay nalang tayo.” sabi naman ni Tin. “Sure.” si Pring parin ang sumagot. Walang imik kaming dalawa ni Gulf na sumunod sa aming mga partner. Animo’y nakikiramdaman kaming dalawa. Pagkatapos naming umorder ay agad kaming naghanap ng bakanteng mesa at doon naupo. Magkatabi kami ni Pring samantalang magkatabi naman sina Gulf at Tin ng upuan. Pinagbukas ko si Pring ng coke in can. “Thank you.’ saad ni Pring. Nang sumulyap ako kay Gulf, nakita kong nanonood siya sa amin. Tila umiba ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Mayamaya’y pinagbukas din nito si Tin ng softdrink at pagkatapos inabutan pa niya ito ng sandwich. “Thanks Gulf.” malambing na wika ni Tin sa kanya. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Tin at kung paano nito titigan si Gulf. “Excuse me! Punta lang ako ng CR.” saad ko at agad na tumayo at tumungo sa comfort room. Ang hindi ko alam, sinundan pala ako ni Gulf ngayon. Nagulat na lamang ako ng nasa likuran ko na siya. “Win may problema ba?” tanong niya sa akin. “Wala naman.” kibit-balikat kong sagot sa kanya. “Eh bakit hindi mo ako pinapansin?” “Awww…di ba busy ka naman kay Tin. Saka kita mo naman kasama ko rin si Pring.” “May gusto ka ba kay Pring?” Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata. “Kung may gusto man ako sa kanya, siguro wala namang masama dun, di ba? Saka normal lang yun. Lalaki ako at babae siya.” tapos agad akong umalis at bumalik sa kinaroroonan nina Pring at Tin. Pagkatapos naming mag miryenda ay agad din kaming bumalik sa aming building. “Ok ka lang?” tanong ni Pring nang mapansin niya ang biglang pagtahimik ko. Ang totoo, tila nakakaramdam ako ng pagkainis sa naging pag-uusap namin ni Gulf sa CR kanina. Hindi ko alam kung naiinis ba ako sa aking sarili o naiinis ako sa kanya. Basta ang alam ko ngayon, tila nasira ang araw ko. Natapos ang aming training ng almost 7 pm na. Nauna nang umuwi si Mek kaya maghihintay na naman ako ng taxi pauwi ngayon. Habang naghihintay ako ng taxi ay agad na huminto sa aking harapan ang sasakyan ni Gulf. Nang bumukas ang pinto ng kotse nito ay agad din akong pumasok. Wala akong imik habang nakasakay. “Galit ka ba sa akin Win?” tanong nito habang nagmamaneho. “Hindi. Bakit naman ako magagalit?” “Napansin ko kasi kanina hindi mo ako pinapansin saka feeling ko umiiwas ka sa akin.” “Pagod lang ako kanina.” “Ganun ba?” “Uhhhmm!” Naging matipid ang aming konbersasyon. “Maganda si Pring no. Alam mo bagay kayo. Saka walang duda kung bakit mo siya gusto.” pagkuwa’y wika niya habang abala sa pagmamaneho. Ngunit nagtataka ako kung bakit tila may lungkot sa boses nito. Ako naman ang nagtanong sa kanya. “May gusto ka rin ba kay Tin?” Hindi ito sumagot at sa halip itinuon pa rin ang konsentrsyon sa pagmamaneho. Parang gusto kong mainis ngayon dahil sa hindi man lang nito kayang sagutin ang aking tanong. Ok fine! Ako na ang magbibigay ng sagot sa sarili kong tanong. Sabi nila, silence means yes. So may gusto nga ito kay Tin. Bagay na tila mas lalo kong ikinais. Oppss! Teka lang! Bakit naman ako naiinis? Ano naman ngayon kung may gusto siya kay Tin? Ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng aking condo. “Thank you.” pagkuwa’ sabi ko tapos sabay baba. “Welcome.” tugon nito nang dumungaw sa bintana ng kanyang sasakyan. “Kita tayo bukas huh.” saad pa niya. Tumango lamang ako bilang tugon sa sinabi niya. Kapagkuwan ay agad din itong umalis. Umakyat narin ako papunta sa aking kuwarto. Hindi ko na kinatok si Mek dahil alam kong pagod din ito. Pagpasok ko ng aking silid, ay pabagsak kong inihiga ang pagod kong katawan. Parang ayaw kong kumilos dahil nananakit ang aking mga kalamnan sa buong araw na insayo. Hanggang hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako. ______________________________________ Kinaumagahan, mabilis akong bumangon nang maalala kong hindi pa pala ako nakapaghanda ng aking mga gamit. Natataranta akong inayos mga ito hanggang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Si Mek, at agad itong pumasok. “Bakit kasi hindi mo inayos ‘to kagabi?” tanong niya habang nilalagay sa maleta ang aking uniporme. “Nakatulog kasi ako.” “Haayyy naku!” si Mek na tila nababagot ang kanyang boses. Gayunpaman, tinulungan parin niya ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa maleta. Pagkatapos naming mailagay ang lahat ng gamit ko ay nilapitan ko siya. “Thank you dude!” sabi ko at sabay tapik sa balikat nito. “No problem! Baka mayroon ka pang hindi nailagay.” Nag-isip ako. Mukha namang lahat nailagay ko na sa maleta. Anyway, isang gabi lang naman kami roon. Sakto narin siguro ang dala kong mga extra t-shirts ngayon. “Hali ka na! Mag-agahan na muna tayo.” aya ni Mek sa akin. Agad kaming nagtungo sa kanyang kuwarto para makapag-almusal. Pagkatapos naming mag-agahan ay agad din akong bumalik sa aking kuwarto para maligo. After 10 minutes, lumabas na rin ako at walang pasubaling nag-ayos ng sarili. Naka short pant lamang ako na kulay brown at white t-shirt. Ilang minuto pa, agad din akong tinulungan ni Mek sa pagbuhat ng aking maleta papuntang parking area. Ihahatid niya ako ngayon papuntang university. ____________________________________ “Hi Nong!” bati ni P’Tar pagbaba ko ng kotse. “Hello P’Tar.” bati ko naman sa kanya. “Ready ka na ba?” “Yes P’.” “Ok! Tara na akyat na tayo sa bus. Naghanda ng dalawang bus ang eskwelahan. Hiwalay ang mga babae sa mga lalaki. Ibig sabihin nito hindi ko makakasama si Pring at hindi rin makakasama ni Gulf si Tin. But speaking of Gulf, hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon. Palingon-lingon ako habang hinahagilap siya ng aking mga mata. “Hmmmm…andun na siya taas. Naghihintay sayo at naka-reserved narin ang upuan niyong dalawa.” nakangiting sabi ni P’Tar na nanunukso ang boses nito. Nagtaka ako sa sinabi niya. Pero hindi ko naman puwedeng itanggi na talagang hinanap ko si Gulf. Agad akong umakyat at pagkuwa’y saglit na napatigil at napatayo habang hinahanap siya. Nasa gitnang bahagi ito nakaupo. Nang makita niya ako, ngumiti siya akin. Agad akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Tumayo siya at pinapasok ako. Magkatabi kaming dalawa sa pag-upo. Sa liit ng upuan ay halos magkadikit ang aming mga balat. Lihim akong napasulyap sa kanya at napansin kong halos magkapareho ang aming suot. Naka brown short pant lang din ito at naka white t-shirt. Teka lang! Hindi naman namin ito pinag-usapan kahapon. Nagmumukha tuloy kaming couple sa mga suot namin ngayon. “No! It’s just an accident!” mariing diin ng aking isipan. Nais tutulan ang pagkakapareho ng aming kasuotan. Hanggang sa gusto kong magpalit ng damit ngayon. “Win, ready ka na ba para sa competition?” tanong niya sa akin. Saglit kong pinakalma ang aking sarili. “Hindi pa nga eh. Ikaw?” “Hindi rin. Bahala na ‘to.” “Mananalo ka naman talaga. Kaya di mo kailangang mag worry.” “Anong hindi kailangang mag worry? Katabi ko kaya ngayon ang mahigpit kong kalaban.” natatawang sabi niya. “Asus! If I know, makukuha mo rin ang crown.” “Hindi naman yun mahalaga sa akin. Hindi naman importante kung matatalo mo ako. Kaso lang pag natalo mo ako, hindi na kita malalapitan pa.” Bigla akong natigilan sa sinabi niya at agad na napatingin sa kanya. Pag natalo ko siya wala ng mangungulit sa akin. Yun naman ang gusto ko. Pero bakit parang nalulungkot ako sa tuwing iniisip ko yun? Tuloy hindi ko maiwasang magtaka sa aking sarili. Siguro dahil kahit papano, naging malapit narin ako sa kanya. Ilang araw narin kasi kaming halos magkasama at nagkikita, kaya siguro ganun. Medyo malayo ang aming binyahe kaya hindi napigilang maidlip ni Gulf. Sa himbing ng tulog nito, hindi na niya namalayan ang pagsandal ng kanyang ulo sa aking balikat. Mga isang oras pa ang aming lalakbayin kaya hindi narin ako nakapagpigil at hindi ko namalayang nakatulog narin ako. ________________________________________ Nabigla ako nang maramdaman kong nakasandal ako sa balikat. Nang imulat ko ang aking mga mata, tumambad sa akin ang mukha ni Gulf. “Boggss!” tila may isang drum ang lumagapak sa aking dibdib nang magkasalubungan ang aming mga paningin. Agad akong bumangon. “So-sorry!” nauutal kong sabi. “Ok lang. Ako nga rin eh nakasandal din kanina sa balikat mo.” nakangiting wika niya. Bahagya akong ngumiti ng maalala ko iyon. Pagdating namin ng resort ay napalahanghap ako ng mabangong simoy ng hangin. Dinig ko ang mga hampas ng alon mula rito sa aming kinatatayuan. “Ok guys!” sabi ng USG President. “Hiwalay ang kuwarto ng mga babae at lalaki. By pair tayo huh. Magkasama sa room ang architecture at fine arts, business administration at engineering, science at political science tapos medicine at law.” Agad akong napatingin kay Gulf matapos kong marinig na magsasama kami sa isang kuwarto. “Ano ba ‘to? Sinadya ba ito or talagang destiny?” tanong ko sa sarili. Well, kung sinadya ito…what a plan!..(lol). On the other hand, kung ito man ay destiny….parang napakagandang kapalaran….este mapagbirong kapalaran…(lol). Makakasama ko sa kuwarto ang taong ayaw ko nang makita sana noon. Ngunit tila ‘ata talagang binibiro ako ng pagkakataon ngayon. Pagkatapos ng orientation, agad kaming pumunta ni Gulf sa aming room. Nang makita ko ang loob nito ay sobra akong namangha sa ayos nito. Maganda ang arrangement at elegante ang dating. May malaking sofa sa isang sulok habang napakalapad ng kama. Bigla kong naisip…. “Tabi kaming matutulog diyan mamaya.” Aba siyempre naman Win! Alangan naman sa sofa or sahig matutulog si Gulf. Ang alam ko, mayaman ang pamilya niya kaya sigurado ako hindi siya sanay matulog sa sofa o sahig. Pero ako, kayang-kaya kong matulog sa sofa. Hindi naman kami mayaman. Nasa middle class lang din ang aming pamilya. Saka nasubukan ko narin matulog noon sa sahig or sofa kaya sanay ako sa ganung lagay. “Diyan ka na sa bed. Dito nalang ako sa sofa.” sabi ko at sabay lapag ng aking mga gamit. “Huh!” gulat na sabi niya. “Hindi puwede! Dito ka na ako na lang diyan!” “Ok na ako rito Gulf.” “Ayaw ko nga! Saka malapad naman itong bed. Kasya naman tayo kung tabi tayo rito.” Napakamot ako ng aking ulo at naisip ko rin, baka hindi ito sanay na may katabi. “Kung di ka matutulog dito, di rin ako matutulog sa bed.” anito tapos sabay lapag din ng kanyang gamit sa sahig. Sahig? Yes! Sa sahig ito matutulog kung ayaw kong matulog sa bed. “Ok! Tabi na tayo riyan!” wika ko. Ano ba namang masama kung tabi kaming matutulog mamaya? Anyway pareho naman kaming lalaki. Masyado lang akong praning. Di ko naman kailangang mag worry dahil wala namang makakakita sa amin kung magkatabi kaming matutulog mamayang gabi. To be continued……................ #cttophotonotmine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD