"Sino ka ba talaga sa buhay ko, Miguel?" lakas loob na tanong ni Oceana sa lalaki. "I'm your husband, Oceana. Mag-aapat na taon na tayong kasal," walang pag-aalinlangan ang sagot nito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Isang salita lang pero bigla na lang siyang lumubog sa higaan niya ngayon, parang hindi na niya kilala ang sarili. Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sagot ng kaharap. Totoo ba ang pinagsasabi nito? Bakit hindi niya alam? Bakit? Ano ba talaga ang totoo sa pagkatao niya? "B-bakit hindi ko alam na may asawa na pala ako? Bakit hindi mo ako hinanap kung totoo nga ang sinasabi mo?" nagdududang tanong niya rito. Kung asawa niya ito, bakit hindi siya nito hinanap? Nakapagdududa lang. "Matagal na kitang hinahanap, Oceana. Kumuha ako ng private inves

