Kabanata 1

1003 Words
"Good morning," nakangiting bati sa kanya ng kanyang Mama Lorie. "Good morning, Ma." "Hinihintay ka ng Kuya Isaiah mong bumaba. Fix yourself at sabay na tayong lahat mag-breakfast." Marinig lang niya ang pangalan ng lalaking naging dahilan ng matinding kaba ng kanyang puso ay tila naging makulay na ang kanyang araw. "Ma, dito na ba si Kuya Isaiah?" "Of course, mga anak ko kayo kaya dapat lang na tulungan niyo kami sa mga negosyo natin, ikaw ba kailan mo nais hawakan ang ilang branch ng distillery natin?" "Pag-iisipan ko pa, Ma." "Well, makapaghihintay naman ang pagkakataon. Paano, alis na ako." "Sige, Ma," sagot niya. Niyakap muna siya ng kanyang ina sabay halik sa pisngi nito. Mula sa kanyang kama ay bumangon siya at excited na pumasok sa banyo. Pakanta-kanta pa siya habang naliligo sa kanyang bathtub. Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis. Natagalan pa siya dahil ilang beses na rin siyang pumili ng ilang damit na babagay sa kanya. Kinakabahan siya habang sinipat ang sariling repleksyon sa salamin. Ilang beses din siyang nagpaikot-ikot. Humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto patungo sa dinning kung saan naghihintay ang kanyang pamilya. Hinanap agad ng kanyang mga mata si Isaiah. Napansin niya itong kausap ang kanilang ama. "She's here! Good day," nakangiting bati sa kanya ng kanyang Kuya Israel. Lumapit siya sa katabing upuan ng kanyang kuya which is katapat naman ng upuan nang kay Isaiah. Halos gusto niyang lamunin ng lupa dahil sa matinding kaba na kanyang nadarama. Nakangiting binati rin siya ng kanyang ama at ng kanyang secret crush. "Umayos ka, Laurice!" Sita niya sa sarili sa lihim na paraan. Para lang siyang timang na kinakausap ng sariling isipan. Inaamin niyang sobrang tense niya pero kailangan niyang umakto sa normal na paraan. Mabuti na lamang at nagawa niya. Mas lalo lang siyang kinabahan nang lagyan ni Isaiah ang kanyang plato ng konting kanina at ulam. "I'm sure na namiss niyo ang isa't isa. Imagine, ilang taon din na naroon ka sa US, Isaiah." Pansin niya ang kakaibang tuwa sa mga mata ng kanilang inang si Lorie katabi nito ang kanyang ama na ang tingin ay nakapako sa maganda niyang ina. Tulad ng kanilang MamaLa na si Lorna at PapaLo na si Steve ay gano'n pa rin ang pag-ibig na ipinakita ng mga ito, tila ba hindi kumukupas ang kakaibang pagmamahal. "Sana ako rin kapag kapiling ko na ang lalaking itinakda para sa akin." Hindi napigilan ng kanyang isipan. "Here's my special dish!" Tila nawala ang kanyang magandang mood nang masilayan ang pagmumukha ni Penelope. Hindi niya akalaing invited pala ang bruhà sa breakfast time ng kanilang pamilya. "Oh, hi Laurice. By the way, about last night I would like to apologize and—" "No need, it's okay," pilit na ngiti ang siyang namutawi sa kanyang labi. Hindi rin maipagkakaila ang nararamdamang bigat sa kanyang dibdib kahit na sabihing siya lang ang nakakaalam niyo'n. "Last night, what about it?" takang-tanong ng kanilang Mama na ngayo'y nakakunot ang noo. "It's nothing, Mama," maagap na sagot ng kanyang Kuya Israel na tila halatang sumenyas kay Penelope. "Ahm, naapakan ko po kasi tita ang isang paa ni Laurice nang hindi sinasadya kaya nag-apologize ako ngayon ulit sa kanya," nakangiting sagot ni Penelope sa kanyang Mama. "Akala ko kung ano na. Hala, kumain na tayo." Kwentuhan, ilang asaran ang nangyari sa hapag-kainan ng kanyang pamilya kahit na nga sabihing gusto na niyang umalis dahil naalibadbaran siya sa ka-plastikan ni Penelope. "Ang alam ko magkaibigan lang kayo nitong anak ko, hija, hindi ba?" tanong ni Mama kay Penelope. "Ahm, y—yes, tita." Atubiling sagot ni Penelope. Palibhasay walang-alam ang kanilang ina sa kanyang dalawang kuya kung gaano katinik ng mga ito sa babae, maliban sa kanya at ng kanilang ama na si Marcus Aurelius. Hindi niya napigilan na mapangiti ng lihim sa naging sagot ni Penelope sa kanyang ina. "Isa pa, busy pa ang kuya ko para magseryoso sa isang babae, hindi ba Kuya Isaiah?" nakangiting hirit niya kahit na nga sabihing nagrigodon na ang kanyang puso sa tanong niya para sa kanyang kuya. "Yes, princess." Tila naman tumalon ang kanyang puso sa tuwa sa naging sagot nito. "Mabuti naman kung gano'n, hijo. T'saka, may panahon din diyan. Sa ngayon ay kailangan niyo muna kaming tulungan ng Papa niyo regarding sa business ng pamilya." Pagkatapos kumain nilang lahat ay umalis na rin ang kaniyang Mama at Papa kasama ang kanyang Kuya Israel, naiwan silang tatlo ng kanyang Kuya Isaiah at Penelope. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang kakaibang tingin na ipinukol ni Penelope para sa kanya. Hindi niya ito pinansin bagkus ay mas lalo niya pa itong inasar. "Kung umasta ka kahapon akala ko pa naman girlfriend ka ng kuya ko, kaibigan ka lang naman pala or may I say, ikaw nga pala ang flavor of the month?" sarkastikong turan niya kay Penelope. "How dare you, bītch. Ang kapal ng mukha mong ipamukha sa'kin 'yan?" Gigil na nilapitan siya ni Penelope, pigil na pigil nito ang sarili na hindi siya masaktan. Kasalukuyang nag-excuse ang kanyang Kuya Isaiah dahil sa importarteng tawag na kailangan nitong sagutin kaya sila na lamang ni Penelope ang naiwan sa salas. "Truth hurts?" pang-aasar pa niya kay Penelope. "Humanda ka talagang babae ka sa ganti ko sa'yo!" "Oh, I'm scared. Well, I'm waiting for that Penelope." "Diyan ka na nga!" Inis nitong sabi at naglakad patungo sa lugar kung nasaan ang kanyang Kuya Isaiah. Nailing na nagpasya na lamang siyang umakyat sa hagdan para tunguhin ang sariling kwarto. Hindi niya napigilan na mapangiti sa pang-aasar niya kay Penelope. Pumasok siya sa kanyang kwarto at tinungo ang kanyang kama. Mula sa kanyang beside table ay binuksan niya ang drawer kung nasaan ang kanyang pinakatagu-tagong diary. Kung saan isinusulat niya ang nilalaman ng kanyang damdamin para sa taong matagal ng iniingatan ng kanyang puso. "The silent devotion of unrequited love is a heavy burden, yet his joy is my reward." Hindi niya napigilan naisatinig ang laman ng kanyang damdamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD