Prolouge

1908 Words
“Ivette,” Piper’s voice was full of distress while she calls my name. Pero kahit ganun ay nilingon ko siya.  “Piper,” nakangiti ko na bati sa kanya habang karga karga ko sa aking bisig ang tatlong taon ko na anak na mahimbing ang tulog.  Sinuklian ni Krista ang pagngiti ko sa kanya ng isang ngiti rin pero mayroong kakaiba talaga sa kanya.  “Bakit ngayon ka lang, Piper? Kanina pa kita hinahanap ah? Lalo na itong anak ko.” Naguguluhan man pero nakuha ko pa rin na ngumiti habang nagsasalita ako.  “Hindi ba’t kakagaling niyo lang kanina sa mall? Hindi ko maintindihan kung bakit nagmamadali ka na ibalik sa akin si Rae.” Dagdag ko pa habang sinasayaw sayaw ang aking anak nagising kasi mukhang nagising ko siya.  “Aba! Gising na ang aking anak. Kamusta ang pag gala niyo ni Auntie Piper mo?” pag kausap ko sa aking anak. Ang tanging nais sagot niya sa akin ay isang matinis na tawa kaya naman hinalikan ko ang kanyang pisngi dahil sa ubod siya ng cute.  Sa kasagsagan ng pagpapangiti ko sa aking anak, pasimple ko na nilingon ang kaibigan ko na si Piper na kanina pa tahimik at mukhang mayroong malaking pinoproblema.  “Piper, ayos ka lang ba diyan?” Nagaalala ko na tanong sa kanya sabay ibinaba ang anak ko sa kanyang kuna. Kinuha ko sa malapit na lamesa ang baby bottle niya na mayroong laman na gatas. Inilapit ko sa kanya iyon at mabilis naman niya na sinunggaban ang baby bottle niya. Marahan ko na tinapik tapik ang pwet ng aking anak para makatulog siya ulit habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaibigan ko na si Piper. Nakatayo pa rin siya at mukhang wala siyang plano na gumalaw o ‘di kaya magsalita man lang. She looks so troubled and it’s also troubling me. I hate to see her like this kaya gusto ko na sabihin niya ang kung anong iniisip niya pero hindi man lang niya ako pinapansin. Nang tuluyan ng makatulog ulit ang anak ko, nilapitan ko naman agad ang kaibigan ko at hinawakan siya sa braso.  “Piper, ayos kalang ba?” tanong kong muli sa kanya pero sinisigurado ko na mahina ang boses ko dahil baka magising na naman ulit ang anak ko. “Mukhang kanina mo pang gustong magsalita, may problema ba?”  “Come, let’s sit here.” I uttered sabay tapik sa kama. Hindi naman siya nag aalinlangan na tabihan agad ako.  Nang makaupo kaming dalawa, tiningnan ko naman ng mabuti ang kanyang mukha. Pilit ko na binabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha, nagbabakasakali kasi ako na malaman kung ano ang pino-problema niya ngayong araw.  Nagpakawala siya ng isang malamig na buntong hininga na mas naging dahilan kung bakit lalong kumunot ang noo ko.  “Piper, can you tell me about it already? Huwag mo akong e silent treatment, you’re making me nervous.” Nagpakawala ako ng isang kinakabahan na tawa.  Pero nanatili lang siyang nakayuko habang nakayukom ang kanyang dalawang kamao na nakalagay sa kanyang magkabilang hita. But after a minute, she started stealing glances on me. Halata sa kanya na nagdadalawang isip siya sa kung ano man ang gagawin o sasabihin niya. Kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kaba.  I gasped when she suddenly touched my arm with her trembling hand. Ngayon ay nasa bingit na siya ng pag iyak, nakikita ko ang mga nangingilid na luha sa kanyang mga mata kaya naman mas lalo akong nagulahan. I feel so clueless right now, I don’t know what to do nor react.  “Ivette… l-listen to me…” Nauutal niyang bigkas habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Wala naman sa sarili akong tumango sa kanya.  Sa totoo lang, kinakabahan at nag aalala ako ngayon sa kaibigan ko. I don’t understand her. Baka mayroong siyang problema na dinadanas at kailangan niya ng maaring masasandalan.  “Kung meron kang problema, pwede mong sabih—“ Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita sa isang mataas na boses. “Ivette! I saw him!” she exclaimed in a distress tone. Kitang kita ko ang pagkabalisa sa kanyang mukha. “H-Ha? S-Sino?” naguguluhan ko na tanong sa kanya. “It’s Gideon! I saw Gideon! The father of your own child!” naiiyak niyang bigkas. Naramdaman ko nalang kung paano tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko ay nawala ang pandinig ko, wala ni isang tunog ang pumapasok sa aking tenga. Naramdaman ko na lang din ang biglang paginit ng dalawang mata ko na nagsisilbing indikasyon sa akin na ako ay naluluha na. Lumalabo na rin ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha. Para akong sirang telebisyon ngayon. Halo halong emosyon ang ang nararamdaman ko ngayon. Ang pakiramdam ng pananabik, galit, at kalungkutan ay unti unting dumadaloy sa aking sistema. “Ayoko sana sabihin sayo ito, Ivette. Because I don’t want to ruin your peace, not just your peace! Your child’s peace too! Ayokong sirain ang tahimik niyong buhay. Nakalayo layo na kayo sa nangyari dati. I don’t want to see you being sad and miserable kung kaya natatakot ako na sabihin sayo.” Naiiyak niyang sambit sa akin habang ako naman ay nakaawang lang ang labi. Naramdaman ko kung paano kumirot ang puso ko dahil sa narinig ko but at the same time the bitterness is slowly rising up unto my system.  “T-Talaga?” gumaragal ang boses. “E ano naman, Piper kung andoon siya? Ano ang gusto mo gawin ko?” I couldn’t help but to say with a bitter tone. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama. “Ano naman ang pakialam ko sa kanya? Matagal na kaming wala, Piper. Hayaan mo na ‘yan, sa aking isip ay patay na siya kung kaya’t wala na akong pakialam.”  “I know, Ivette! But he saw Rae! Pakiramdam ko ay na recognize niya si Rae. You know, Raelynn is a carbon copy of Gideon!” she reasoned at ang tanging nagawa ko lang ay ang umiling iling sa mga sinasabi niya. “Piper, please tama na. Ayoko ng marinig ang mga ganyang bagay.” Tinalikuran ko ang aking kaibigan. “Gaya nga ng sabi mo kanina, you don’t want to destroy our peaceful life pero ngayon iyan ang ginagawa mo if you keep on talking about that douche bag.” “But he deserves to know it too…”  “No,  hiding hindi niya malalaman na mayroon siyang anak sa akin. He is not deserving to be the father of my child!” asik ko kay Piper kaya naman na tahimik siya. “Umalis ka na lang siguro muna, Piper. Magkita na lang tayo bukas, mag gagabi na rin eh. Pahinga ka rin ah.” Naiinis na ako sa aking kaloob looban pero pinipilit ko na maging mabait at pormal ang pananalita ko sa matalik kong kaibigan.  Hindi na siya nagsalita at tiningnan lang niya ako habang unti unti siyang tumayo at lumakad palabas ng pintuan ng kwarto ko. Umalis siya without saying goodbye to me at ganun din ako.  Huminga ako ng malalim bago ako umupo sa aking maliit na desk. Napahilamos na lang din ako sa aking mukha matapos ko marinig ang mga sinabi sa akin ni Piper. Wala na akong pakialam sa kanya matapos ang lahat ng nangyari. I don’t want to see nor be near on him. Mas pipiliin ko nalang na mamatay kesa gawin ang lahat ng iyon.  Kinabukasan ay maaga akong nagising sapagkat magkikita kaming dalawa ni Piper. Nag text siya sa akin bandang alas dose ng gabi, nanghihingi ng patawad at gusto niya na bumawi sa akin. Hindi naman ako tumanggi, ayoko naman na nagkatampuhan kaming dalawa.  Piper has been my friend for God knows how long at itinuturing ko na siyang kapatid. Ayaw ko na mawala siya sa akin.  Maraming tao ang nasa mall ngayon sa pagkakaalam ko kasi mayroong parang special event at may sales sa mga stores na nakapaloob sa mall. Hindi pa naman nakakarating si Piper sa mall dahil na traffic daw siya, kahit talaga kailan parati siyang late.  Naisip ko na lang na maglibot libot sa mga stores habang wala siya para aliwin ang sarili ko. Pumasok ako sa isang cloth department para maghanap ng damit para sa anak ko. Gusto ko rin naman kasi dalhan siya ng pasalubong. Iniwan ko siya sa kapit bahay namin, matalik naman kaming kaibigan at may mga anak na rin naman kasi siya kaya pumayag siya na bantayan si Rae kapag may pupuntahan ako o ‘di kaya kapag busy.  Pumunta ako sa isang baby aisle para tumingin ng damit para sa anak ko. Maraming cute na damit dito kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na ma-excite na bumili.  Noon ay excited ako na bumili ng damit para sa akin pero ngayon wala na, wala na akong pakialam sa aking sarili. Hindi ko na nga magawang bumili ng mga bagong damit para sa akin dahil inuuna ko ang anak ko. Ganito pala talaga kapag naging nanay na no?  Akala ko ako lang mag isa sa baby aisle pero nagkamali ako. Mayroong lalaki akong kasama, nasa kabila siyang section at nakatalikod siya sa akin kaya naman ang likod lang niya ang nakikita ko.  Naestatwa naman agad ako sa kinatatayuan ko ng biglang lumingon ang lalaki sa aking direksyon kaya nakita ko ang kalahati ng kanyang mukha. I immediately felt my heart stop ng bigla kaming nagkatinginan dalawa. Tuluyan na siyang humarap sa akin at doon ko nakita ang kabuuan niya. He was holding a pajama na pang bata at kulay blue iyon. Mas lalong lumiit ang hawak niya na damit dahil sa malaki niyang kamay.  I couldn’t help but clenched my fist and bite my lip just to stop myself from looking vulnerable in front of him. His eyes look so tired and sad.  Para siyang pinagkaitan ng kasiyan ng mundo. Napansin ko rin na bumawas ang timbang niya.  Nagkatinginan lang kaming dalawa ng ilang minuto pero naputol iyon ng pinalakas ko ang aking loob para maiwasan ang mga malungkot at malumanay niya na tingin sa akin. Ayoko ng manatili dito.  Nagsimula akong humakbang papalayo sa kanya. I was acting as if I didn’t just saw him.  “Ivette,” malumanay niya na tawag sa akin kaya naman natigil ako sa paglakad. Sobrang bilis ang t***k ng puso ko and I could almost hear my heartbeat.  “Kailan ka pa nakauwi?” napansin ko lang na medyo paos ang kanyang boses. Huminga ako ng malalim. “Noong nakaraan lang,” I answered while trying not to sound emotional in front of him. Magsasalita pa sana ulit siya kaso nagsalita rin ako. “Aalis na ako, wala akong oras para makipag usap.”  Nagsimula nalang ulit ako na maglakad papalayo sa kanya without looking back to him. Natatakot ako na baka kapag lumingon ako tuluyan ng mawala ang lakas ko sa tuhod. I may sound rude and disrespectful to him pero wala akong pakialam. He deserves all the disrespect in the world.  Kahit anong mangyari, hindi mag babago ang tingin ko sa kanya. He is still just the same as ever. He will always be the man who turned my life into a miserable one and the one who broke my heart into pieces. No matter how much the world tries to teach me the art of forgiving, I will never forgive him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD