"Ano ba kailangan sayo ng taong 'yan?" Pagmamaldita ni Shien habang nakatingin kay Peps.
"May pag-uusapan lang kami ,dito ka lang." Iniwan ko nalang siya sa tapat ng pinto nang bahay namin.
"Ano ba 'yong pinapasabi ni Cedric?" Kinalabit ko dahil abala ito sa cellphone na may kung anong katext.
"Actually," itinago ang Phone sa pocket ng kanyang Jacket. "Ako lang ang may sadya rito.Walang kinalaman dito si Young master pero si Joseph meron."
"Si Joseph? Kasama ko lang siya kanina. Bakit , ano bang meron?"
"Iwasan mo na siya." Mariin niyang utos.
"Paanong iwas ba?" Magulo kong tanong.
"Ganito nalang. Mas maganda siguro kung sasabihin 'kong wag kana lalapit sa kanya dahil mapanganib."
"Hindi ko pa rin gets." Naka-simagot kong sagot.
"Intindihin mo naman! Akala ko ba matalino ka? Simple usapan di mo pa makuha!"
"Eh subukan mo rin kayang ipa-unawa sakin ang pinupunto mo! Hays!" Nakakagigil siya. Ano ba akala niya sakin hindi nagiging slow ang utak?
Tumingin muna ito sa kaibigan ko bago pa ko lapitan."Yung mga bumugbog sayo. Alam na namin kung sino, kaya lang itong si Joseph nagpupumilit na balikan para gumanti. Isipin mo naman na ayaw niyang magpasama samin. Nag-aalala ako para sa kalagayan niya."
Yung kanina matapang na awra ay na palitan ng maamo'ng mukha.
"Kailan niya babalikan? Saan? Alam mo ba kung nasaan ngayon si Joseph?" Sunod-sunod kong tanong.
"Easy , kasama siya ngayon nila Axel sa Head Quarters. Hindi alam ni Cedric tungkol sa plano ni Joseph. Malamang ,kung malaman niya ito siguradong makiki-gulo rin siya para ipagtanggol ang kaibigan namin."
"Pwede ba ko sumama sa Head Quarters nyo? Kailangan ko siyang maka-usap."
"Hindi maaari."
"Bakit?"
"Mahahalata ni Cedric.Ano ka ba?"
"Magkita nalang kami sa ibang lugar. Iyong kami lang. Baka sakaling makumbisi ko siyang huwag nang tumuloy sa binabalak niya."
Maingat niya kong tinitigan bago sumagot. "Sige ,pero last na 'yan? Kung pwede lang." Nag-nod nalang ako.
Na kumbinsi naman niya si Joseph makipag-kita sakin na walang alam si Hambog. Minabuting kami na lamang mag-uusap nang upang wala ng makiki-alam.
"Great Hello pala ang pangalan ng mga bumugbog sakin." Paninimula ko sa kanya.
"Paano mo na sabi? Hehe Joke lang." Gulat ko siyang tinignan ng masama.
"Seryoso please? Ano ba itong nalaman ko mula kay Peps? Gagantihan mo sila ,para ano?"
"Para sayo?" Hindi ito sigurado kung tama ba ang sinagot niya.
"Umayos ka nga. Alam mo naman delikado. Isa pa, kapag nalaman ni Cedric 'yan binabalak mo hindi siya mag-aatubiling tulungan ka sa mga plano mo."
"Tunay na kaibigan si Cedric. Kahit may alitan kami hindi niya ko bibitawan."
"Oh tapos? Gulo na nga 'yang mangyayari sainyo. Please naman , nagiging masaya ba kayo sa tuwing nasa gulo? Hindi ba pwede manahimik nalang kayo at ipasa-Dios nalang ang lahat?"
"Nope ,ang tunay na gangster hindi naniniwala sa ganoong senaryo. Infact ,mas gustong-gusto namin ang sakit sa katawan kaysa manahimik nalang.Gagawin ko lang naman ito para sayo." Malamlam niya kong tinitigan. Tila nais nitong pakiramdaman ko ang kanyang nararamdaman.
Nilapitan ko siya. "Nag-aalala lang naman ako para sayo." Hawak ko ang kanyang balikat.
"Masanay kana. Paano pala kung magiging boyfriend mo ko?" Hindi ko na isip babanat siya ng ganoon. "Biro lang." Nawala ang ngiti sa labi.
"Gu-gusto mo ba talaga ako?" Diretsahan kong tanong.
"Ano ba sa palagay mo?" Hinawi niya ang natitirang buhok ko sa aking pisngi.
"Noon pa lang ay gusto na kita Reign.Kung pwede lang sana i-broadcast itong nararamdaman ko ,ginawa ko na siguro."
"Ba't di mo gawin?"
"Eh alam mo naman 'di ba bawal samin?" Iiyak na yata.
"Sabi ko nga , pero kahit ganoon ay wala rin naman mangyayari kung itutuloy mo 'yang nararamdaman mo para sa akin. Ayokong baliin kung ano ang patakaran na ginawa ko sa Viper Berus."
"I know , I know..."
"Sorry ah? Parehas tayong naiipit sa pagitan ng LK at VB."
"Sa sinasabi mo ba ngayon ay gusto mo rin ako?"
"Naku,naku ,hindi! Wala akong sinabing ganyan."
"Awts! Sobra kung magdeny. Parang sinasabi mo malabong mangyari 'yon."
"Hindi naman sa ganoon.Hindi naman kasi maaari maging tama ang mali."
"Pero paano kung pwede naman natin gawin tama ang mali.Kaya mo ba?"
"Joseph."
"Masaya ako dahil naging magclose tayo. Kung iisipin nila ,napakahirap kong abutin pero para sa akin ang pinaka mahirap maabot ay ang gaya mo. Sabi nga ,kahit mahirap dapat ipaglaban. Pwede ba ko magtanong?"
"Ano 'yon?"
"What if,dumating sa puntong minahal mo ko ,kaya mo ba'ng bitawan ang pagiging Leader ng Viper Berus para sa akin?"
"Ah depende?"
"Paano naman depende?"
"Depende,kung mahal na kita hindi sa simpleng gusto ko lang."
"Ganoon? Pero umamin ka naman sana kung gusto mo na ko ha? Alam mo, handa naman akong maghintay."
"Willing 2 wait?" Usisa ko.
"Kahit gaano pa 'yan katagal."
Kusa nalang lumapit ang mga paa ko sa kanya upang yakapin ng mahigpit. Alam kong bibigyan niya ito ng meaning ngunit para sa akin ay magiging magaan ang kanyang pakiramdam.
"I never thought ,pero sana ganito nalang tayo. Yung walang inaalalang problema."
"Sana nga." Huli kong sabi ko pa ko tuluyang lumayo sa kanyang pwesto.
Pep's POV
"Wala pa ba sila? Ang lamok dito oh!" Ang dami mong reklamo babae ka!
Sumasama-sama pa kasi! Wala naman maitutulong!
"Manahimik ka nga dyan kung puro reklamo lang ang naririnig ko?" Iritable kong banta.
"Saan ba kasi sila? Gabi na ,kakain pa kami. Wala pa naman kami kasabay umuwi sa bahay."
"Magkasama kayo sa bahay?" Inirapan niya ko.
"Di ba nga pansamantala akong matutulog sa bahay nila hangga't wala 'yung parents niya."
Hindi ko nalang sinagot dahil na tanaw kong pabalik na rin iyong dalawa.
"Tara na?" Aya ni Joseph, hindi mapawi ang ngiti sa labi. Ano naman kaya pinag-usapan ng mga ito?
"Friend , Tara na. Gutom na ko." Heto na naman ang babaeng mareklamo.
"Hindi pa ba kayo kumain? Tara , kumain muna tayo bago kayo ihatid.Treat ko ito huwag kayo mag-alala."
Seriously?
Ang alam ko rito kay Joseph kape lang ang kayang ipanglibre. Aba! Umaasenso ah? Binabawasan na ngayon ang kayamanan sa baul!
"Sabi mo ah?" Kilig na kilig naman si Babaeng mareklamo habang hila si Reign.
Nauuna silang maglakad pabalik sa kotse.
"Siguro naman iyong napag-usapan nyo ni Reign ay maganda?" Nakapasok ang kamay ko sa magkabilang bulsa.
"Syempre." Kinikilig naman ang loko. Iba 'to!
InLababo nga ang kaibigan ko!
"Paano 'yan? Good bye Lucifer Kingdom na ba?"
Nawala ang kanyang masayang ngiti ,napalitan ng mapait na mukha.
"Mahalaga sakin ang LK ,pero gusto ko si Reign."
"Eh paano nga? Hindi naman pwedeng pareho mo pipiliin. Kahit ano mangyari. May isa ka dapat igigive up."
"Kung ano mas mangingibabaw."
"Ang tanong? Handa kana nga?"
"Ilan taon na nga ba ang Lucifer kingdom? Sa palagay ko nga panahon na para itong nararamdaman ko naman ang masusunod."
"Sabi na nga ba eh." Matalim na tingin ang ginawa ko.
"Wag mo ko tignan ng ganyan na parang ang laki ng kasalanan ko."
"Ano pa nga ba? Sa sinasabi mo, handa kana 'yata kumalas sa grupo ah?"
"Kung papalarin na mahalin ako ng babaeng iyon." Lutang itong pumasok sa kotse.
Sa isang sizzlingan kami na padpad ng aming paa or sa other term : dito nila gustong kumain kahit labag sa'min.
"Kamusta pala iyong date mo?" Pangunguna ni Reign sa kaibigan.
"Heto okay lang naman."
"Happy?"
"Ewan, Maybe?"
"Hindi ka sigurado pero bakit?"
"Ganoon nga talaga ang mga lalake ,madahilan at maraming arte." Naka simangot nitong tugon.
Nagkatinginan kami ni Joseph. Alam ko ang iniisip ng kaibigan ko, marahil ay masyado siyang apektado pagdating sa ganyang usapan.
"Ah eh.Wala akong alam sa mga ganyan bagay pag- daing sa mga lalake." Kagat labi nito ang pagtatapat.
"Makisawsaw na ko sa usapan nyo wah? Ano ba ibig mong sabihin?" Pakikisawsaw ni Joseph sa dalawa.
"Uhm eh ,paano ba naman. Sa buong araw yata ng date namin hindi ko siya naka-usap o hindi man lang nakasama ng matagal. Kesyo may bibilin lang daw siya , kesyo mag-cCr ,o di kaya naman may titignan lang."
Makahulugan kami nagtinginan ni Joseph na parang alam ko na ang magiging reaksyon nila.
"Ilan taon na ba kayo ng boyfriend mo?" Sabat muli ni Joseph.
"Two years na rin."
"Matanong ko lang ,sa dalawang taon nyong magkasintahan pinilit kana ba niya? Or other word inaya kana ba niya may mangyari sainyo?"
Gusto ko lang makompirma.
Silang magkaibigan naman ang nagsulyapan.Nag-nod ito.
"See? Kaya siguro ganyan ang pakikitungo niya sayo dahil may gusto siya na hindi mo maibigay."
"Hindi naman siguro."
"Ibinigay mo nga ba ang Virginity mo?" Diretsahang tanong ni Joseph.
"Hindi ah! Hindi pa naman ako sigurado kung siya ang mapapangasawa ko." Malungkot nitong sagot.
"Lalake kami. Alam namin kung sino ang dapat seryosohin o lokohin. Sa ginagawa lang ng boyfriend mo parang daig niyang naghahanap ng buong atensyon sa ibang babae."
Simpleng sulyapan ang dalawa bago nagsalita.
"May sinabi pa nga siya na hindi ko masyado na gustuhan." Naka yuko niyang sambit.
"Ano?" Si Reign ang nagkusang nagtanong.
"Ang sabi niya hindi naman kailangan lagi kami nag-uusap sa tuwing magkasama. Mabilis lang kaming magkakasawaan kung palagi raw ganoon ang gagawin namin."
Boom!
"Saan ang hang-out ng Boyfriend mo?" Matamang tinitigan ko siya.
"Madalas siyang nagpupunta sa Bar , I don't know if ano pangalan ng Bar na 'yon pero sikat siya."
"Alam mo kung saan ang Address?"
Bago sumagot humingi muna siya ng permiso sa kanyang kaibigan.
'Di nagtagal sinabi rin niya ang address ng bar.Kilala ang bar na 'yon dahil madalas kami ng mga LK para maghang-out.
"Tapusin nyo ang kinakain nyo may pupuntahan tayo." May pagka-bossy kong utos.
Gusto sana magtanong ng tatlo ngunit pinili na lamang nilang manahimik.
Gagawa ako ng eksena kung sakaling may makita akong 'di kanais-nais.
Iniwan ko ng panandalian ang tatlo sa ViP table. May gusto lamang akong kumpiramahin batay sa mga bartenders ,pagkatapos ay bumalik din kaagad ako.
"Nakita mo na ba boyfie mo Friend?" Usisa ni Reign ,iinom sana ng Tequila ngunit agad tinabig ni Joseph ang kamay nito."What!?" Inis niyang tanong dito.
"Wala sa usapan natin na iinom ka." Mariin niyang kinagagalitan ito.
"Wala talaga tayong usapan." Pangbubuwisit nito.
"Reign , pwede ba makinig ka naman sakin?" s**t! Ang talim ng titig nito. Galit na siya.
"Nandito na si Wesley." Wesley? Iyon na kaya 'yong boyfriend niya?
Tatayo ito upang lapitan ang boyfriend ngunit pinigilan ko. Tamang eksena ito dahil wala siyang kasama.
"Ten minutes." Utos ko. Muli siyang naupo sa tabi ko. Pinapanuod namin siya habang ang dalawa ay nakukulitan pa rin kung iinom ba si Reign o hindi.
"Ang kulit mo!"
"Mas makulit ka! Ang Mama at Papa ko nga pinapayagan akong uminom tapos ikaw hindi? Ngayon ko lang na isip gawin ito.Sino ka ba sa tingin mo?"
"So ,ganoon? Sino nga ba ko sayo? Hindi mo nga ko masunod sa mga gusto ko."
"Hindi kita Boyfriend."
May lumapit kay Wesley ,(ang boyfriend ni Shien.) Isang babae ,pagkaraan ay pumalupot sa beywang nito ang babae.
"What ever!" Tinaliman ko ng tingin si Joseph sa ingay nilang dalawa. Nakuha pa mag-away. Hindi man lang inisip na nandito na ang pakay namin.
Ako lang pala ang may pakay. Tss.
Bago ko balikan ng tingin si Wesley na pansin ko ang pagbabago ng mood ni Shien. She's already mad. I don't know pero ramdam ko ang hinanakit ng puso nito.
Napukaw ng mata ko ang halikan ng boyfriend niya and that girl. Magsisimula sana umiyak ang kasama ko ngunit hinatak ko siya sa palapit sa counter ng mga Bartender. Tumalikod ako sa boyfriend niya habang siya ay nakikita ang mga ito.
"Alam kong masakit sa mata ang nakikita mo ,pero tatagan mo lang.Tutulungan kita." Sinilip niya ko pagkaraan ay tumingin muli sa Boyfriend.
"Save your strength." Dinig ko pa.
"Later?" Malanding sabi ng babae. Saglit tumahimik ang mga nasa likod ko.
"S-Shien?" Gotcha! Nakita mo rin.
Wala sa buwelo ko hinalikan sa pisngi si Shien. Poker face niya kong tinignan. Mukhang kuha naman nito ang pakay ko. Kaagad siyang ngumiti at 'di ko inaasahang gagawin niya pabalik ang halik sa pisngi ko.
"Sino 'yang kasama mo!?" Inis niya kong sinagi upang lantara'ng kausapin si Shien.
"Boyfriend niya ko bakit? Sino ka ba?" Maangas kong singit sa dalawa.
"Boyfriend? Kailan mo pa ko niloloko?" Kay Shien pa rin ang tuon niya. Umismid ako sa galing niya umarte.
"Bakit brad? Ikaw lang ba may kakayahan manloko ng tao?" Nagtama ang tingin namin.
"What the hell! Who are you!" Minata-mata niya 'kong tinignan mula ulo hanggang paa.
Nang napagtanto niya kung sino ang nasa harap ay bigla itong tumingin kay Shien.
"I can't believe this. Ipagpapalit mo ko sa isang--- hamak na----"
"Hawak na ano? Hamak na tatalo sa pagiging Virginizer?!"
"Sira-ulo 'to waah!" Sumuntok siya pero naka-ilag ako. Bibira pa sana muli pero ako ang mas nauna sumapak sa mukha niya. Deserves niya 'yon dahil sa ginawa nito kay Shien.
Nagkagulo na pero ako mismo ang humatak kay Shien palabas ng Bar.
Tawa ako ng tawa. "Ang saya ko!" Sabi niya habang nakikitawa rin sakin.
"Oh 'di ba? Hindi dapat pinalalagpas ang ganoong lalake. Karapat-dapat sa kanyang masaktan."
Natigilan ako dahil wala ang dalawa sa tabi namin. Marahil ay nagtatalo pa rin ito sa loob at walang pakialam kung may gulo kanina. Pumasok kami ,at iyon na nga ,tama ang hinala ko. Akma sana sasapakin ni Reign si Joseph pero na pigilan na sila ni Shien. Doon ko lang din napagtanto.
Maganda rin si Shien ,same sila ni Reign. Bagay nga maging magkaibigan ang dalawa.
"Peps Victoria ,paki explain kung bakit nandito kayo." Tawag sakin ng kung sino.