Pinapaulanan nila ako ng Bottle cup , Ball Paper , plastic cup at kung anu-ano na maaari ipanakit sa'kin. Pinagkakaisahan na ko pero wala man lang ako magawa. Gangster ako, pero bakit sarili ko man lang hindi ko maipagtanggol sa kanila. Pwede na ko gawan ng rebulto rito sa kinatatayuan ko dahil hindi ko man lang magawang ihakbang ang mga paa. Natatakot akong kuyugin na wala man lang kalaban-laban. Hindi ko pa maramdaman ang prisensya ng Viper Berus pero may isang tao yumakap sa'kin hawak ang aking ulo. Pilit tinutulak ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan namin. "Usigin ka sana ng konsensya!" Huling rinig ko. Nagpatuloy kami sa lakad takbo ni CEDRIC. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin basta dumaan kami sa Back entrance ng University. Sa dulo nun, naghihintay ang isang kotse.

