Prologue

614 Words
Nandito kami ngayon ni Ronaldo, sa tago nilang hardin sa mansyon. Papalubog naman na ang araw kaya tumambay kami rito, ang totoo ay siya ang nagpumilit sa akin na pumunta rito sa hardin nila, dahil gusto raw niya nang may makakasama. Sabi niya sa akin kanina, ay may sasabihin siya sa 'kin at gusto raw niyang kami lamang ang makakarinig. Muli ko siyang nilingon at ang dami kong nababasa sa mga mata niya. Kanina nung papunta kami rito sa hardin habang naglalakad kami, ay paminsan-minsa'y bigla siyang ngingiti na para ba'ng may magandang alaala na pumasok sa isipan niya. Tumikhim ako. "Napapansin ko, kanina nung pupunta tayo rito ay ngumingiti ka. Ano ang sumasagi sa isipan mo? Magandang alaala ba 'yan?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Ilang segundo pa bago siya sumagot. Lumingon siya sa 'kin at para ba'ng tinititigan at minememorya niya ang mukha ko. Nakaramdam ako agad nang hiya, kaya ako ang umiwas sa kaniya nang tingin at itinuon ko nalang ang paningin sa papalubog na araw. Wow, araw. Wow ulap. "Siguro'y magandang alaala nga iyon kung iisipin ko," narinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya agad. Pero nung sa paglingon ko na iyon ay nagulat akong nakatitig pa rin siya sa 'kin, na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. "Natatandaan mo pa ba nung umakyat ako ng puno ng mangga, para pitasin ang mangga na nakita mo noon?" tanong niya sa akin habang natatawang umiling pa. "Siguro'y iyon ang pinakamagandang alaala na hindi ko makakalimutan," sabi niya at huminto siya sa pagsasalita, kaya napalingon ako sa kaniya na malayo ang tingin at may munting ngiti sa labi. "Magandang alaala na kahit ako'y hindi pa rin makapaniwala na mangyayari iyon sa buhay ko," pagpapatuloy niya, kaya nakinig na lang ako. "Kaya kita rito pinapunta dahil may sasabihin ako," sabi niya. Nagtatakha ko siyang tiningnan. "Bakit? Ano ba ang sasabihin mo?" tanong ko. Naging matunog ang pagtawa niya at saka ngumiti. "Sa tingin ko, hindi lang yun bastang sasabihin ko. Siguro'y dapat kong palitan at itama ang 'may sasabihin' sa 'may aaminin' para diretso at malinaw ang 'sasabihin' ko sa iyo," sabi niya na titig na titig sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng ibang kaba sa dibdib ko. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. "H-hindi kita maintindihan," bulong ko. "Hayaan mo't liliwanagin ko sa iyo," huminga siya ng malalim at saka nagsalita. "Kapag ba sinabi kong may gusto ako sa iyo ngayon, lalayuan mo na ang kapatid ko?" tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita at nakagalaw sa p'westo ko at may malalaking mga mata ko siya tiningnan. Ang mga salitang iyon... Iyon ang mga salitang hinihintay kong banggitin niya sa harapan ko. "Tuwing nakikita ko kayong magkasama at napapangiti ka niya, mas masakit pa ang nararamdaman ko kaysa sa mga sugat na natamo ko tuwing sumasabak ako sa laban," sabi niya at tumawa nang pagak. "Naguguluhan ako, Crisel. Bakit parang kahit nasa tabi lang kita, ang hirap mo pa rin abutin ang parang ang layo-layo mo sa akin?" muli niyang sabi. "Sundalo ako, Luna. Lahat ng laban ay kaya kong pasukin. Pero kung ikaw ang pag-uusapan at kakalabanin ay kaya kong isugal at isuko ang lahat, pati ang puso ko… mapunta ka lang sa 'kin," sabi niya habang may namumuong luha sa mga mata niya. _______________________________________ __________ This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents, are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual living persons, living or dead, or actual events is purely coincidental ••• I'm hoping for your support for this story ^^ THANK YOU
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD