“Nag-iisang anak lang si Naiomi ng aking kapatid nang dukutin siya ng mga sindikato na iyon. Anim taon pa lang siya noon, nang mga panahon na iyon ay nasa America ako. Saka lang ako bumalik dito sa Pinas nang malaman ang nangyari pero huli na ako dahil wala na ang aking kapatid at ang asawa nito, kaya ang lahat ng mga ari-arian nila ay malilipat kay Naiomi.
“Sa kasamaang palad ay kinidnap siya, hinanap ko siya at hindi ako tumigil sa paghahanap inabot ako ng dalawang taon hanggang isang araw may mga pulis na tumawag sa akin, dahil may isang batang babae daw ang nakatakas sa mga kidnapers” anito na napatigil sa pagsasalita.
“Paanong nakatakas siya sa mga dumukot sa kanya? Saka paanong nalaman ng mga police na siya ang inyong pamangkin?” tanong niya.
“Sinabi ni Naiomi sa mga police kung sino ang kanyang mga magulang at dahil alam ng mga police na may hinahanap din ak na bata na batang na kidnap ay tinawag nila sa kanilang head quarters at napag-alaman na siya ang aking pamangkin.”
“Sandali lang po, maari po ba akong sumingit” ani Sgt Santos “Kung nasa America po kayo, gaano n’yo po katagal na nakasama ang inyong pamangkin, base po kasi sa kwento n’yo umuwi lang kayo nang malaman ninyo ang nangyari, paano po kayong nakaka-siguro na siya ang inyong pamangkin?”
“Sgt. Santos anong kalseng tanong iyan, malamang na makikila niya dahil pamangkin n’ya ‘yon,” ani general Antonio.
“Sa tingin ko ay may punto si Sgt. Santos,” aniya na napatingin sa ama, tumungo naman ang kanyang ama sa kanya.
“Tama si Efrim, dahil maaaring nakasama ni Efrim noon si Ms. Dixon sa poder ng mga kidnapers,” paliwanag ng kanyang ama.
“Ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong din ni Major Gen. Jhonson.
“Dahil ang dumukot kay Ms. Dixon ay ang grupo ng East, ang kilalang sindikato sa lugar, at alam kong alam ninyo ang kwento ni Efrim,” makahulugang tingin ng ama sa mga ito.
“Hindi na kailangan dahil kahit man ako ay nagduda din kaya nagsagawa kame ng DNA test, at napatunayang siya talaga ang aking pamangkin, ang kinakatakot ko ngayon ay ang mga banta sa kanya.” Anito na malungkot na napayuko.
“No’ng na nakuha niyo siya sa Police station, may mga kasama po ba sya?” tanong ni Efrim.
“Wala mag-isa lang s’ya,” malungkot nitong tugon.
“Yung ibang bata? Kahit isa wala s’ya kasama?” nagtatakang tanong niya.
“Wala iho, tanging ang pangalan lang niya ang sinasabi niya at ang mama’t papa niya, pati na rin ang address wala siya ibang sinabi, maging ikaw ay hindi niya nababanggit, ngayon ko nga lang nalaman na nakasama ka pala niya,” malungkot nitong tugon.
Napaisip ng malalim si Efrim, “Anong nangyari ng mga panahon na ‘yon nasaan ang ibang mga bata?” aniya ng biglang manlaki ang kanyang mga mata
“Bakit iho, may problema ba?” tanong ng kanyang ama na nakatingin pala sa kanya.
“Wala ama, iniisip ko lang kung nasaan nagpunta ang ibang mga bata kung walang kasama si Nami,” aniya na nakukom ang kanyang kamay.
“Nami?” ulit ni Mr. Dixon.
“Iyon po ang tawag namin sa kanya,” aniya na napatingin sa matanda at ngumiti naman ito sa kanya.
Tumikhim naman si Sgt. Santos bago tumayo saka inabot sa bawat isa ang folder.
“Ito lahat ang nakalap namin inpormasyon patungkol sa grupo na nagtatangka ng masama kay Ms. Dixon, ang tawag sa kanila ay kilabot gang dating maliit na grupo lang ang mga ito, pero ngayon mukhang may sumusuporta sa mga ito kaya nila ito nagagawa.
“Napag-alaman din namin na ang grupo na East ay nakipagsanib p’wersa sa kilabot gang, kung kaya nalaman nila ang tungkol kay Ms. Dixon na matagal inilihim ng inyong pamilya, tama po ba MR. Dixon?” anito sa katumingin sa matanda.
“Tama... una pa lang ay may hinala na ang akin kapatid na may nagtatraydor na sa kanila at hindi nila ito matukoy, huli na rin ng malaman ko ‘to at nilihim din ito ng aking kapatid. Siguro ay isa ako sa kaniyang pinag-hihinalaan, hindi ko din kayo masisisi kung paghihinalaan ninyo ako dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang buhay at kaligtasan ng aking pamangkin,” nakayukong turan nito.
Ilang saglit lang ang katahimikan ng muling magsalita si Sgt. Santos “May isa pa rin ang palaisipan pero ngayon ay mukhang alam ko na kung bakit, alaman naman natin na ang Dixon Family ay isa sa mayaman sa bansa pero bakit siya lang ang may pagtatangka, alam natin na pangatlo lang ang Dixon, at hindi nila pinupuntirya ang dalawang mas malalaki pang pamilya, bakit Dixon lang? At mukhang tama ang hinala ng inyong kapatid na may traydor sa Pamilya Dixon.” anito.
Matapos ang meeting na iyon ay pinasya ni Efrim na pumunta muna sa kaniyang baraks kasama si Tam, dahil lihim lang ang kanilang grupo ay kinakailangan nilang maging maingat at hindi maging takaw tingin sa mata ng ibang grupo. Kaya ang gang niya ay nanatili sa isang eskwater area, pumasok siya sa isang maliit na eskenita at tumuloy sa lumang tindahan ng mga laruang baril, at saka pumasok sa isang sikretong pinto kung saan makikita ang isang kwarto na tanging kama lang ang makikita.
At pag tinaas ang sahig ay meron do’n lagusan patungong bakanteng lote na malapit sa lugar na napapalibutan ng matataas at makakapal na pader, maroong isang ‘di kalakihang bahay na pahingan ng kanilang mga tauhan, at kung tutuntuning ang isang makipot pang daan ay lalabas ka sa isang comercial area, na kanilang pagmamay-ari upang ikubli ang hide-out nila, dahil kung ikaw ay nasa labas, mukhang sosyal ang lugar at sa pagpasok ay ang kanilang baraks at sa likod nito ay ang pader patungong iskwarte area.
Hindi talaga aakalain na may nakatagong hide out doon, dahil ang pader ay aakalain lang na harang upang mahiwalay ang iskwater area at ang commercial area.
Iniwan niya si Tam sa gang upang ituro ang iba pang gagawin, dahil kailangan na din niyang maghanda, bumalik siya papuntang iskwater, malalim ang kanyang iniisip ng lumabas sa tindahan nang hindi na pansin ang tumatakbo at tuluyan itong bumangga sa kanya, pareho silang napahiga dahil nahila niya ito ng bumagsak siya.
Sh*t...
Mura niya, hawak ang ulo na tumama sa kanto ng lamesa na pinalalagyan ng mga laruan, bumangon siya pero nanatili siyang naka-upo.
“Ano ba, tumingin ka nga sa dinadaan mo!” bulyaw niya sa hindi pa rin umaalis na babae sa kandungan niya.
“Miss, ano b—” natigil siya ng mahigpit itong yumakap sa kanya, ramdam niya ang manginginig ng katawan nito.
“Tulungan mo ako, parang awa mo na!” mahina at nanginginig nitong sabi.
Pagtaas niya ng tingin ay may mga lalaki siyang nakita papunta sa gawin niya, hindi na siya nag-isip pa nang hilahin niya ang babae papasok muli ng tindahan, saka niya ito pinapasok sa kwarto at lumabas.
Paglabas niya ay nasa tapat na nang tindahan ang mga ito.
“Hoy— ikaw may nakita ka bang babae na gumawi dito?” pabalang nitong tanong.
“Doon s’ya tumakbo, sira ulo na ‘yon sinira ang tinda ko,” pagliligaw niya sa mga ito at kuwari’y inaayos ang mga laluran na nagkalat.
Nang makaalis na ito ay pumasok siya sa kwarto kung saan niya tinago ang babae