Chapter-1

1327 Words
Aries POV Simula pa lang nung bata ako, pangarap ko na talagang maging isang model. Seven years old pa lang ako nung unang beses akong rumampa para sa isang kids apparel brand—doon nagsimula ang lahat. Si Tita Amelia, kapatid ni Mommy, ang naging handler ko noon. Siya talaga ang unang naniwala sa potential ko. Pagtungtong ko ng ten years old, nag-decide akong mag-focus sa training. Doon ako nag-training sa modeling school na pag-aari ni Tita Amelia. Doon ako hinasa — kung paano maglakad sa runway, mag-project sa camera, at kung paano dalhin ang sarili bilang isang professional model. Sinuportahan ako ng aking mga magulang sa pangarap ko—never silang tumutol. ‘Yan ang gusto ko sa kanila: palagi nilang sinusuportahan kung ano man ang passion naming magkakapatid. Naalala ko pa, ten years old ako nung sinabi ko sa kanila na gusto kong mag-aral ng modeling sa school ni Tita Amelia. Ang reaction nila? Tuwang-tuwa sila. Walang pag-aalinlangan—all-out support agad. Twelve years old ako nung una kong experience sa runway. International brand agad ‘yon, kaya sobrang memorable para sa’kin. Aminado ako, may influence talaga ang pamilya namin sa industry, kaya madalas, napapansin agad kami. Pero ayoko umasa sa koneksyon. Kahit kilala ang pamilya namin, sinabi ko talaga sa magulang ko na gusto kong paghirapan ang lahat. Gusto ko, makilala ako hindi dahil sa apelyido ko, kundi dahil sa galing ko. Dahil dito, kinausap ko sila at sinabi kong gusto kong mag-training sa Barbizon Modeling and Acting School sa U.S.—isang respetadong paaralan para sa mga gustong pumasok sa modeling at acting industry. Kaya dinala ako ni Tita Amelia sa Amerika para mas lalo akong mahasa ang skills ko. Doon ako nag-training sa Barbizon, at kahit hindi ko natapos ang buong course, may dumating namang malaking break. Na-discover ako ng IGM, at sa edad na 17, pina pirma nila ako ng kontrata sa kanilang agency. Doon nagsimulang magbukas ang mas malalaking oportunidad para sa’kin. Simula nang mapirmahan ko ang contrata sa IGM, naging ibang level na ang takbo ng career ko. Biglang dumami ang casting calls, photoshoots, at runway invites—hindi lang sa U.S., kundi pati sa Europe at Asia. Sa totoo lang, nakaka-overwhelm noong una. Pero dahil sa foundation na nakuha ko kina Tita Amelia at sa Barbizon, naging madali sa aking ang lahat. Unang major project ko under IGM ay isang fashion campaign para sa isang luxury brand. Nung makita ko ang sarili ko sa billboard for the first time, halos hindi ako makapaniwala. Parang kahapon lang, nangangarap lang ako habang nagpa-practice maglakad sa hallway ng bahay namin. Ngayon, hawak ko na ang mga oportunidad na dati ay pinapanood ko lang sa TV o binabasa sa magazine. Pero kahit papano, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pressure. Sa industriya ng fashion, hindi sapat na maganda ka lang o matangkad. Kailangan mong panindigan ang professionalism, consistency, at attitude mo sa trabaho. Kaya pinanghawakan ko palagi ang values na tinuro sa akin ng pamilya ko—maging totoo, magpakatatag, at huwag maging mayabang kahit gaano pa kataas ang marating mo sa buhay. Habang lumalawak ang network ko, nagsimula rin akong makatagpo ng iba't ibang klase ng tao—designers, stylists, photographers, kapwa models mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Doon ko rin mas na-appreciate na modeling isn’t just about looks—it’s about telling a story, carrying a brand’s message, and representing something bigger than yourself. Nasa veranda ako ng penthouse ko, hawak ang tasa ng kape habang tanaw ang city skyline. Biglang tumunog ang telepono—pagtingin ko sa screen, si Rousse, ang PA ko. Me: Hello, Rous? Rousse: Hello, Aries, have you opened your email? Me: No, I just woke up. Why? Rousse: OMG! Okay, don’t open anything. Just wait for me. On the way na ako! Me: Okay then. I’m still having my breakfast so I won’t open anything for now. Pagkababa ko ng tawag, tinuloy ko ang kape at croissant ko. Si Rousse, ang personal assistant ko simula’t simula pa ng career ko. Isa siyang bakla—smart, stylish, at walang mintis sa trabaho. Half-Filipino siya, half-Korean. Ang pagkakaalam ko, nanay niya ay Korean, at tatay niya ay Filipino. Si Tita Amelia ang nag-recommend sa kanya noon, at never ko siyang pinagsisihan. Maging ang buong glam team ko—hair, makeup, stylist—lahat yan curated ni Tita Amelia. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya. She built not just my career, but my circle. Ilang minuto pa lang ang lumipas, narinig ko na ang elevator ding. Maya-maya’y bumukas na ang pinto—si Rousse, naka-all black, dark shades, hawak ang iPad niya at mukhang exited. Binuksan niya ang email ko, maya maya napaluha siya. Kaya tinanong ko siya, "what happened why are you crying?" pahayag ko. Binuksan ang email ko at pinakita sa akin. To: Aries Sullivan From: Victoria’s Secret Management Subject: Welcome to the Victoria’s Secret Angels Dear Miss Sullivan, Congratulations! We are thrilled to officially welcome you as one of the newest Victoria’s Secret Angels. Your talent, presence, and passion for modeling perfectly embody what it means to be part of the VS legacy. We can’t wait to see you soar on the runway and represent the brand around the world. See you soon! Warm regards, Victoria’s Secret Management Natulala ako. Oh my God! Hindi ako makapaniwala. Lahat ng kabataang nangangarap maging model, alam ang ibig sabihin ng Victoria’s Secret Fashion Show. At ngayon, isa na ako sa mga Angel? Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko. Noong nagsisimula pa lang ako sa modeling, tumigil muna ang classic runway show ng VS—mga apat o limang taon ding nawala bago sila bumalik with a reimagined version. Kaya nung nag-announce sila recently na babalik na ang show, hindi na ako nagdalawang-isip. Nag-audition ako agad. It was just last week. At ngayon… eto na ‘yon. Isa sa mga biggest dreams ko, natupad. Pagbalik ko sa sarili kong ulirat, literal akong napatalon sa tuwa. Tumili ako sa veranda at niyakap si Rousse nang mahigpit. Me: Rousse, I made it. I’m a Victoria’s Secret Angel! Rousse: Aaaaaah!!! Girl, I told you! You were born for this! Hindi ko na pinatagal—binuksan ko agad ang group chat naming pamilya at ibinalita ang balita. Me (in the GC): GUYS. OFFICIAL. I’M A VS ANGEL!!! Alam kong matutuwa sila, lalo na si Tita Amelia. Isa rin siyang dating Victoria’s Secret Angel—isa sa mga iconic na Pinay na naglakad sa parehong stage. At ngayon, susunod na ako sa yapak niya. Ngayon pa lang, naiiyak na ako sa excitement. Ito na talaga. Ito na 'yon. Pagkatapos kong ibalita sa pamilya ko, agad akong tinawagan ni Tita Amelia. Sobrang proud ang boses niya habang kinakausap ako. Nag-reply rin agad si Mommy at Daddy sa group chat, pati ang tatlo kong kapatid—lahat sila sobrang excited at masaya para sa akin. Hindi rin nagpahuli si Gemini, ang panganay naming kapatid. Tinawagan niya ako at sinabing magpa-party daw siya sa mansion niya this weekend bilang celebration. Ang cute niya talaga—always the life of the party. Lalo akong natuwa, kasi isa na naman sa mga goals ko bilang modelo ang natupad. Ilang oras lang ang lumipas, tumawag naman ang IGM Management. Apparently, marami sa amin under the agency ang nakapasok sa Victoria’s Secret show, kaya magkakaroon ng orientation at contract signing. Walang patumpik-tumpik, agad kaming umalis ni Rousse papunta sa agency. Rousse: Girl, this is it! May official VS contract ka na! Me: Grabe, Rous. Ngayon ko lang talaga narerealize lahat ng ‘to. Habang nasa biyahe kami, ramdam ko ang mix ng excitement at kaba. Alam kong ito pa lang ang simula ng mas malaki pang mga bagay sa buhay ko. Ang runway ng Victoria’s Secret ay hindi lang basta catwalk—isa ito sa pinaka malaking event na laging ibaabangan ng buong mundo. At ngayon, isa na ako sa mga hahakbang doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD