Aries POV Habang inaayos ni Zevian ang pagkain namin, pinagmamasdan ko siya. "Don't stare at me like that," sabi niya, nang mapansing nakatitig ako. Napangiti ako nang bahagya at umiwas ng tingin. Tumayo ako at lumipat sa sofa. Hindi talaga siya umalis kahit nakatulog ako kanina. Ang dami kong gustong itanong sa kanya—pero kailangan ko munang buuin ang loob ko. Pagkatapos niyang ayusin ang pagkain, umupo siya sa tabi ko. Iniabot niya sa akin ang plato, at nagsimula na rin kaming kumain. Habang ngumunguya, nagsalita siya. "Eat more—marami tayong pag-uusapan. Alam kong marami kang gustong itanong sa akin." Pagkatapos naming kumain, kinuha ni Zevian ang plato at agad itong niligpit. Pagkalipas niyon, lumabas siya dala ang pinagkainan naming dalawa. Mukhang masinop siya at maalaga rin—k

