Zevian's POV
Pagkatapos kong mapainom si Aries ng gamot, nakatulog siya agad. Kanina, kinapa ko pa ang kanyang noo—mainit pa rin, at halatang nanghihina talaga siya.
Nagpapasalamat ako na naubos niya ang chicken soup—ako mismo ang nagluto niyon kanina sa penthouse ko.
Masiyado ko ba siyang pinuwersa kagabi?
Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko.
Flashback
Isa ako sa mga shareholder ng Victoria’s Secret, kaya andito ako ngayon sa fashion show. Lagi naman akong invited sa mga ganitong event dahil isa ako sa mga investor ng ilang malalaking luxury brands, pero bihira lang akong dumalo. Except kapag isa si Aries sa mga model—hindi ko talaga pinapalampas iyon.
Naalala ko pa ang unang ko siyang nakita.
Sa main branch ko sa Paris, pumasok siya kasama ang kaibigan niya. Agad ko siyang nakilala—kilala naman sila pareho sa mundo ng fashion bilang mga sikat na modelo.
Narinig ko pa noon na bibili siya ng regalo para sa kapatid niyang si Gemini, pero hindi ko pa alam noong oras na iyon na ang Gemini na tinutukoy niya ay ang pinakabatang billionaire sa buong mundo.
Pumili siya ng isa sa pinaka-rare emerald collections namin, na nagkakahalaga ng $6 million. Pagkatapos, bumili rin siya ng diamond set—earrings, bracelet, at necklace—na may kabuuang halagang $5.5 million. Hindi lang iyon ang binili dahil bumili pa siya ng tatlo pang diamond necklace, umabot pa ang bill niya nga mahigit $15 million dollar.
Hindi ako makapaniwala. Isang modelo ang kayang bumili ng ganoon kamahal na koleksyon? Nang matapos siyang magbayad, tiningnan ko ang resibo—at doon ko nakita ang pangalan: Aries Sullivan.
Napahinto ako. Pamilyar ang apelyido. Kaya agad kong sinearch sa social media. Ilang segundo lang, lumabas na agad ang profile niya—50 million followers sa Instagram
.
Binuksan ko ang account niya. Doon ko nakita ang family photo niya. She’s the daughter of Zeus Sullivan, isa sa mga Top 20 Billionaires sa Forbes, at ang kapatid niyang si Gemini Sullivan—mas bata pero mas mayaman pa kaysa sa kanilang ama.
Nakakamangha talaga ang pamilyang ito.
At nakakatuwa, dahil isa rin ako sa mga investor ng isa sa mga negosyo nila sa Europe.
Oo, isa rin akong billionaire, pero hindi tulad nila—isang “filthy rich family,"
Iba ang level ng mga Sullivan. Sa pagkakaalam ko sila ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas at sa Asya.
Habang tinitingnan ko ang IG ni Aries, hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. She’s even more gorgeous in person. Napaka-amo ng mukha niya, maliit, sexy, at may walang halong surgery.
Sa totoo lang, pakiramdam ko love at first sight ako sa kanya.
Hindi ko siya na follow. Masyadong halata. Isa pa, milyon din ang followers ko, at siguradong mapapansin agad kung bigla ko siyang i-follow. Kaya ang ginawa ko ay inistalk ko na lang ang social media accounts niya, sinundan ko ang bawat post niya—lahat ng accounts niya sa social media.
Nakita ko pang minsan siyang na-link sa isang sikat na singer, pero matagal na iyon. Wala nang bagong issue tungkol sa kanya. Ang dami na rin niyang naging magazine covers—except Vogue, na nakapagtataka.
Maybe I can change that, naisip ko.
Siguro puwede ko siyang gawing ambassador ng jewelry brand ko—Isolde. Napangiti ako sa ideya.
Habang nasa ganoon akong pag-iisip, biglang may kumapit sa kamay ko. Paglingon ko—si Aries.
Parang nahihilo siya.
“Are you okay?” tanong ko agad.
Umiling siya. Halata sa mga mata niya na lasing siya. Pero kanina nasa VIP area siya kasama ang ibang modelo, at hindi naman sila sobrang nag-inom. Nakita ko pa siyang tumayo at naglakad papunta sa bar—pero hindi pa man siya nakakaabot, may nag-abot na agad ng inumin sa kanya.
Ilang sandali pa, napapikit siya. At bago pa ako makagalaw, bigla siyang nawalan ng malay.
Agad lumapit ang PA ni Aries nang makita niyang nawalan siya ng malay. Ipinaliwanag ko na kaibigan ako ni Aries at ipinakita ko ang ID ko, kaya hinayaan niya akong alalayan siya. Tinakpan ko siya ng jacket ko dahil sobrang ikli ng suot niya.
Habang hawak ko siya, ramdam kong may mali—parang may nilagay sa inumin niya. Hindi ko siya puwedeng pabayaan, kaya nagpasya akong dalhin siya sa pinakamalapit na hotel para makapagpahinga at maging ligtas na rin siya sa kung sino man ang may gawa nito sa kanya.
Pagdating namin sa hotel, agad akong nag-check in at inihiga siya sa kama. Pagkatapos, pumasok ako sa banyo upang maghilamos—aminado akong medyo nakainom rin ako kanina sa party.
Paglabas ko ng banyo, nagulat ako—bumangon si Aries, gising na at mulat ang mga mata.
“Help me, please... Ang init. I feel so hot,” sabi niya, namumungay ang mga mata, halatang wala sa sarili.
Agad akong lumapit. Pipigilan ko sana siya nang makita kong sinusubukan niyang hubarin ang sarili niyang damit.
“No, please—calm down,” sabi ko, pinipilit panatilihin ang distansya.
“I can’t... baka mamatay ako. Ang init ng katawan ko...” halos paiyak na ang boses niya.
Dahil doon, agad ko siyang binuhat papunta sa banyo.
“Halika, maligo ka muna. Baka epekto ‘yan ng ininom mo. Kailangan lumamig ang katawan mo.”
Pinabuksan ko ang shower at sinigurong malamig ang tubig. Tinitigan ko siya saglit—halata pa rin na wala pa siya sa tamang wisyo. Napaupo siya sa ilalim ng shower, kaya napagpasyahan kong maghubad ng shirt at sapatos upang mas maayos ko siyang maalalayan.
Hinubad niya ang lahat ng damit niya sa harapan ko. Sht*... ang sexy niya. Oo, kanina sa runway, talagang napahanga ako sa katawan niya—pero iba na ngayon. Mas nakakagulat at mas intense dahil nakikita ko na ito nang malapitan.
Hinubad niya ang kanyang saplot wala siyang itinira, lumapit siya sa akin. Nanginginig ang katawan, namumula ang balat niya na parang nilalagnat.
“Please... help me. I can’t breathe…” bulong niya, halos hindi na malinaw ang boses.
Doon ko na tuluyang na-realize kung anong klaseng gamot ang nilagay sa inumin niya. Sht…* Isa ito sa mga uri ng droga na nakakaapekto sa central nervous system—pinapataas ang init ng katawan, nagpapabilis ng t***k ng puso, at nagbibigay ng matinding panic o hallucinations kung hindi agad naagapan.
S*x drug.
Alam ko ang epekto nito—delikado. Hindi lang ito tungkol sa sensasyon. Pwede itong humantong sa cardiac arrest, dehydration, o delirium kung hindi mailabas ang epekto sa tamang paraan at oras.
Tiningnan ko siya—halatang hindi niya alam ang ginagawa niya. Wala siya sa sarili.
At kung pababayaan ko siya, baka kung anong mangyari sa kanya.
Agad ko siyang tinakpan ng tuwalya, inalalayan pabalik sa kama, at kinuha ang phone ko.
Tatawagan ko ang kaibigan kong si Max—sigurado akong may alam siya sa ganitong uri ng droga.
"Hello, Max," agad kong sabi pagkasagot niya.
"Uy, bro. Napatawag ka—anong meron?" sagot niya, may halong pagtataka sa boses.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari, at nagulat ako nang malaman ko na second cousin pala niya si Aries Sullivan—magpinsang buo ang tatay niya at ang tatay ni Aries. Sinabihan niya ako na ang tanging paraan upang mawalan ng bisa ang droga ay ang makipagtalik ako kay Aries, dahil ito rin umano ang purpose ng drugs.
Pero sinabi ko sa kanya na hindi ito tama—ayokong galawin si Aries sa ganitong paraan. Sinabihan naman niya ako na may isa pang paraan: kailangang mabigyan siya ng antidote sa pamamagitan ng inj*ction.
Ang problema, saan naman kami makakahanap ng ganoong gamot sa ganitong oras?
Ayon pa kay Max, kung umabot pa ng isang oras at hindi maibsan ang epekto ng droga sa katawan ni Aries, maaaring ma-coma siya.. Kaya wala akung choice kundi ang gawin ang sabi ni Max sa akin.
"I’m sorry, babe. Ayoko mang gawin ‘to, pero wala akong choice. Kailangan kitang iligtas sa sitwasyong ‘to."