Prologue

1035 Words
PROLOGUE PRESENT DAY Nasa loob ng village nila Katleya ngayon si Pierce Blue para puntahan ito. Walang alam si Katleya rito dahil hindi naman ito sinabi ni Blue. Gusto niya lang itong i-surpresa, galit kasi ito sa kanya dahil sa nagawa niya noon, gusto niyang humingi ng kapatawaran. Apat na taon na rin kasi ang lumipas nang hindi sila nagkita, tapos nalaman niya na bumalik na ito. Ang ikinatutuwa niya, enhinyero niya ito sa bagong proyekto na ipinagkatiwala ng ama niya. Matagal na niyang hinanap si Katleya, pero walang may balak na magsabi sa kanya kung nasaan ito. Ginawa na niya ang lahat, lumipad pa siya sa ibang bansa dahil sa pagbabakasakaling makita ito, pero bigo siya rito. Ginamit niya ang kapangyarihan nila, pero hindi sapat iyon para mahanap ang taong magaling magtago. Mahigit anim na buwan nang mawala si Katleya sa buhay niya, ipinagkatiwala ng ama niya ang kumpanya, bumaba ito sa posisyon na CEO at ibinigay iyon sa anak niya, pero dumaan muna ito sa botohan ng mga kasapi sa kumpanya. Nakuha ni Blue ang tiwala ng mga shareholders sa kumpanya nila dahil sa galing na ipinimalas niya noong kasalukuyang training pa siya. Maliban na lang kay Belinda na uhaw na makuha ang posisyon ngunit hindi sa kanya ibinigay ng kambal niyang si Zander. Para sa kanya siya ang nararapat doon. Pero wala siyang magagawa dahil majority ay pabor kay Blue. Lumabas na si Blue mula sa sasakyan at dahan-dahan na pumunta sa gate ng Quizo. Nagulat siya nang may biglang nanghampas sa gate. Napangiwi ang mukha niya dahil sa ingay nito. Napakasakit sa tainga dulot ng pagpukpok dito. "Hampasin mo pa para magalit si Mommy!" sigaw ng isang batang naka kulay lila. "Bata iyon, ha?" sambit ni Blue. "Blue, lakasan mo pa!" utos pa ng isang bata na nakakulay pula. "Blue? A-ako?" tanong ni Blue sa kanyang sarili. "Blue, bilis!" pamimilit ng batang naka kulay pula. "Ako ba ang tinatawag niyo?" pagsali ni Blue sa usapan. Curious kasi siya. Napatigil ang isang bata na nasa loob ng mansion nang marinig si Blue. "Who are you po?" tanong ng isang bata na naka kulay asul. Siya iyong bata na pumukpok sa gate. "Open mo muna ang gate," tunog batang sabi ni Blue. "Fine," kampanteng sagot nito. "Blue, 'wag! Baka monster 'yan!" sigaw ng batang naka kulay pula. "I will silip muna," anito. Dumapa ang bata na naka kulay asul sa sahig. "He wears Nike as his footwear, Red." "Then? Sabi ni Mom, hindi nakikita sa suot ng isang tao kung mabait o masama ito," sagot nito. "M-mom? May anak na si Yellownora?" tanong ni Blue sa kanyang sarili. Dumapa si Blue sa sahig at sinilip ang bata. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang tingin nila. May kakaiba siyang nararamdaman. "Hi po. Who are you po?" Inalis nito ang tingin kay Blue. "Red, Violet, come here, look at him, his pogi like us." Mas nanlaki ang mga mata ni Blue nang makita nito ang tatlong pirasong mga mata ng mga bata. Mas bumilis ang t***k ng puso niya. "Are you a monster po?" tanong ng batang naka kulay asul. "He looks rich naman, look at his necklace, maybe he is not bad," anang isang bata na naka kulay lila. "Hindi ako masama. Friend ako ni Yellownora," wika ni Blue. "Weh?" paninigurado ng isa. "Promise," giit nito. "Who is her mother? Our Lala," tanong ng batang naka kulay pula. Napangiti si Blue kasi Lala ang tawag nito sa Lola nila. "Ezmeralda," mabilis na sagot ni Blue. "You should have used Tita po, kasi she's older than you," pagpapa-alala ng isang bata na naka kulay lila ang damit. "Unrespectful. He has a characteristic of a real monster, Blue," anang isang bata na nakasuot ng kulay pula. "Grabe sila, ang bait ko kaya. Buksan niyo na ang gate, please mga babies," hiling ni Blue. "Nope. Mom said bad person knows how to play a game," giit ng batang nakakulay pula. Napakamot sa ulo si Blue. "Grabe naman 'yang Mommy mo." "Sabi ni Mom dapat ganito raw kami, wise. Wala kasi kaming Daddy. Kinain daw ng monster," sagot ng bata na nakakulay lila. "Wala namang monster, e. Huwag kayong maniwala sa panget niyong Mommy," wika ni Blue. "Bully. He has a characteristic talaga ng monster," giit ng batang naka kulay pula. "Hoy! Kayong tatlo, bakit kayo humiga sa sahig! Tayo!" sigaw ni Katleya. Agad naman tumayo ang tatlong bata at nag-ayos. Nagtulakan pa sila kasi natakot sila sa mukha ng Mommy Katleya nila. Nanlilisik kasi ang mga mata nito. Parang monster na nakikita nila sa TV. "Mom, mayroong monster sa labas," pagsumbong ni Blue, ang batang naka kulay asul ng damit. "Yellownora?" sambit ni Blue na nasa labas ng gate. Nanlaki ang mga mata ni Katleya. "Pumasok kayo sa loob. Bilis," utos niya sa mga anak niya. "Monster iyon, Mom?" tanong ng bata na nakakulay pula ang damit. "Yes," mahinang sabi ni Katleya para maniwala ang mga bata at tumakbo ito papunta sa loob. "Kat? Yellownora? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Blue. "Oo," malamig na sagot nito. "Bakit ka pa naparito?" "Buksan mo muna ang gate. Papasukin mo ako," hiling ni Blue. Napatawa si Katleya. "Why should I?" "May anak ka na pala? Sinong ama? Ipakilala mo naman sa akin," tanong ni Blue. "Monster!" sigaw ng bata na may suot na kulay asul. Napalingon si Blue sa balcony kung saan galing ang sigaw. Nang makita niya ang mga bata ay tumulo ang luha ng kanyang mga mata. Nanginginig ang katawan niya habang nakatulalang tinititigan ito. Hindi siya makapaniwala. "Kat, sino sila?" umiiyak na tanong ni Blue. Naririnig ni Katleya ang paghikbi nito. "Kat? Sino sila?" pag-ulit ni Blue. May kakaiba siyang naramdaman sa mga bata. "Ang bunga sa sagot mong hindi mo ako mahal," nanginginig sa galit na sabi ni Katleya. Natumba si Blue at humagulgol. Nang tiningnan niya muli ang mga bata ay tinawanan pa siya nito sabay turo sa kanya. Tatlong bata na plakado ng mukha nilang dalawa ni Redrigo. Nanikip ang dibdib niya dahil sa katotohanang wala siya ng lumaki ang mga anak niya, anak nila ng babaeng sa huli niya napagtanto na MAHAL NIYA. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD