"Kuya gising na !" Malakas na sigaw ni Benjo habang niyuyugyug ang kanyan kuya.
" 7am na po , pinapagising na kayo ni nanay.Baka mahuli ka raw sa trabaho mo kuya!" dagdag pa niya.
Nakatagilid ang binata, sinilip muna ang sikat ng araw sa bintana bago humarap sa kapatid.
"Hay naku Benjo grabe ka naman kung maka sigaw, bulag lang ako pero ako bingi!" Natatawang saad sa kapatid .
Saka hinila ito papalapit sa kanya. Kiniliti sa tagiliran.
"Kuya 'wag d'yan ! Hahaha! "Hindi mapigilan ni Benjo ang hindi tumawa ng malakas.
Huling-huli ni Randy kiliti ng kapatid. Ganyan lagi ang scenario kapag ginigising ni Benho ang kanyang kuya.
"Oh s'ya halika na at nang makakain na tayo. Baka nga ma late ako sa trabaho Sabado pa naman ngayon." Nakangiting saad ni Randy.
Inalalayan si Benjo para makatayo sila sa kanyang kama. Saka kinapa ang kumot at tinupi ito, pinagpag din ang dalawa n'yang unan saka inayos ang puwesto ng mga ito sa kama . Kinapa ang tungkod na nakapatong sa side table . Inayos muna ang suot na sando at hinagud ang buhok saka sila lumabas ng silid.
Nang makapag almusal ay dali daling naligo.
Isang fitted white t-shirt ang suot ng binata. Tinernohan ng black jogging pants at white rubber shoes . Naka shades din ito. Hindi sanay magsuot ng shades si Randy kaso wala s'yang magagawa kasi kasama sa uniform nila ang pagsusuot ng shades. Marami ang nanghihinayang sa binata. Sa ganda raw ng kanyang tindig at ng gwapong itsura. Hindi raw magpapahuli si Randy sa mga hunk actors, sayang daw kasi bulag s'ya . Ito ang madalas na sinasabi ng mga taga-roon.
"Nay, alis na po ako," ani ni Randy saka humalik sa noo ng kanyang ina.
"Mag iingat ka ha? Nakangiting tugon ni aling Berna, habang hagud ang likod ng anak.
Yumakap si Benjo sa beywang ng kuya. "Bye kuya., pasulubong ko ha?" Pakindat pang sabi ni Benjo. Nakangiti din ito.
Dala ang black Nike backpack at ang kanyang white cane . Suot din n'ya ang kanyang Nike black baseball cap. Hindi na kinakabahan si aling Berna tuwing umaalis ng bahay si Randy. Maliban sa kabisado na n'ya ang pasikot sikot sa bayan, kilala na rin ng mga tao si Randy.
Sakto 9 o'clock ng umaga nakarating ang binata sa pinagtatrabahuan nitong spa. Naunang dumating sina Fil at Vivian ,pareho n'yang bulag din ang dalawa.Halos dalawang taon na si Randy sa kanyang trabaho bilang massage therapist.
"Good morning Randy ," masayang bati ni Irene na siyang receptionist ng Spa. Habang inaayos ang iba't ibang bote ng mga aroma therapy at ang iba't ibang scent ng oils .
"Good morning ate Irene --" maagap na tugon ng binata habang isinasara ang pinto ng Spa.
" Ay grabe s'ya ,ate talaga ! " mabilis na tugon ng receptionist habang naka kunot ang noo.
Nagtanggal ng sumbrero. "Okey, rephrase natin," malambing na saad ng binata. " Good morning my sunshine!" Sabay tawa ng malakas.
"Yan! Ganyan dapat palagi !" Abot hanggang tenga ang ngiti at napa thumbs up pa sa narinig.
Saka pumasok si Randy sa staff quarters . Saktong nagkakape habang nag uusap sina Fil at Vivian. Nakilala ni Randy ang dalawa dahil sa mga boses nila.
" Hi, good morning sa inyo, " masayang bungad ng binata sa dalawang kasamahan .
" Good morning din s'yo Randy," nakangiting tugon ni Fil. Akmang tinaas ang kape." Halika, kape tayo," dagdag pa nito
" Kunin mo nalang d'yan sa lamesa 'yong kape mo , nag order kasi ako kanina sa McDonalds," ani Vivian na kahit naka shades ay bakas sa mukha ang kasiyahan.
Habang ibinababa ang backpack." Iyon oh! May pa kape si mayora!" malakas na sambit ni Randy na excited sa pakape ni Vivian.
" Wala lang yan, masaya lang kasi ang gising ko today kaya 'yan , magkape tayong lahat, hahaha, "ani Vivian na sinundan ng malutong na tawa.
Nang makuha ni Randy ang kape ay tumabi ito sa kinauupuan ni Vivian. Humigup muna saka nag dekwatro.
"Sana lagi maganda ang gising mo para lagi may pa kape," pagbibiro ni Randy kay Vivian.
"Sana next time kayo naman ang gumanda ang gising para kayo naman ang magpapakape!" ani Vivian sinabayan nang malutong na tawa.
Malakas din ang tawa nina Randy at Fil.
Maya maya pa ay pumasok si Irene. Sinabi n'yang dumating si madam Christy isang widow, kapatid ng mayor sa kanilang bayan . Sophisticated ang dating , matagal nang may gusto kay Randy
"Ang aga naman ng manliligaw mo ," pabirong saad ni Fil .
"Oo nga, mag pa kape ka later after n'yo ha?" Ani Vivian na sinabayang ng hagikhik.
"Ayan na naman kayo, sinabi ko na ngang magkaibigan lang kami ni Christy," seryosong depensa mg binata.
Tinapik ni Vivian ang hita ni Fil.
"Kitam , first name basis na kayo !" Naka ngising tugon naman n'ya.
Inilagay ni Randy ang kanyang bag sa locker cabinet at sinusi ito. Saka nagpaalam sa dalawang .
Isang VIP room ang kinuha ni madam Christy. Ito rin ang room na madalas n'yang ipa reserved tuwing s'ya ay magpapamasahe . Pagpasok ng silid ay bubungad ang isang massage bed. Dinig na dinig ang daloy ng tubig at mahinang huni ng ibon sa buong silid na nagmumula sa audio speaker. Amoy na amoy ang aroma ng cumin,sage at lavander na talaga namang nakaka relax. Nag sabon at nag sanitized ng mga kamay ang binata, routine n'ya bago mag umpisa ng anumang session.
Ilang minuto pa ay pumasok na si madam Christy, naka bathrobe ng kulay pink at naka lugay ang shoulder length hair nito.
"Hi, Randy," malambing ang boses nito. Habang papalapit sa binata.
" Good morning po madam," tugon n'ya saka iniyuko ang ulo.
Habang papalapit ay dahan dahang inalis ang tali ng robe. Hinubad ito sa harapan ni Randy. Red lace thong lang ang tanging suot. Walang suot na b*a. Kung nakakakita lamang ang binata seguradong mapapalunok nalang s'ya sa tanawing nasa kanyang harapan .Sa edad na 40 years old ay hindi pa sasabihing matrona na si Christy. Maliit ang mukha, matangos ang ilong, kissable lips at maganda ang hubog ng katawan. Maraming mga mayayaman ang nagkakandarapa sa kanya. Five years ago nang mabiyuda ang madam. Ang asawa n'ya ang dating vice governor ng lalawigan, namatay dahil sa ambush .
Sumampa at saka dumapa sa massage table si Christy.
"I'm ready," aniya inihanda ang sarili ,ipinikit ang mga mata. Inantay ang paglapat ng mga kamay ni Randy sa kanyang balat.
Kinapa ni Randy ang lavander oil , naglagay sa ng ilang patak sa kanyang palad saka nag umpisang hagurin ang balikat ng babae. Ilang hagod ang kanyang ginawa. Sinunod ang beyawag pataas sa likod nito
"Harder! " matigas na saad ni Christy animo'y umuungol sa bawat hagod ng kamay ng binata.
Walang imik ang binata. Combination of Aromatherapy at siatsu ang massage service na laging pinapagawa ni madam Christy sa kanya.
"I like it , ang sarap!" muling saad ng babae . Feel na feel n'ya ang bawat dampi ng mga kamay ng binata sa kanyang balat.
Itinaas ni Randy ang paa ng babae patalikod para mamasahe ang talampakan nito. Nang matapos ang likod . Pinaharap n'ya ang babae. Tumambad sa kanyang karapan ang mayamang dibdib ng babae dahil sinadya n'yang hindi magsuot ng b*a. Dati rati ay si Randy ang nagtatangal ng hook b*a. Ngayon ay hindi na talaga nag suot si Christy. Sinasadya n'yang i seduced ang binata.
" Ay, sorry po madan. Hindi ko po sinasadya!" Gulat na saad n'ya
Nasagi kasi ni Randy ang gilid ng dibdib ni madam Christy. Lihim namang natuwa ang babae sa nangyari. Sinasadya talaga n'yang masagi ng binata ang kanyang dibdib.
"It's okey, hindi mo naman sinasadya. Mas masarap kasi magpamasahe kapag walang sagabal. Mas nakaka relax," tugon n'ya habang nakatitig sa binata.
Tinuloy ng binata ang gagawin . Naging maingat nalang ito sa mga body parts na maari na n'yang masagi. Nang nasa ulonan na n'ya ang binata at habang minamasahe ang kanyang ulo ay bigla n'yang himawakan ang kamay ng binata at pinisil-pisil ito. Dahan dahan namang hinila ni Randy ang kanyang kamay at tinuloy ang ginagawa.
'Pwde bang tagalan mo dito sa legs ko ? Bugbog kasi sa exercise kahapon." Malambing na request ng babae sa binata.
Na agad naman n'yang sinunod.
Itinaas ni Christy ang ulo at itinuro ang kaliwang hita. "Also please make it harder." Nakangitin saad n'ya .
"Pwde bang d'yan sa bandang singit hilutin mo rin kasi medyo masakit din sa part na 'yan. " Request muli ni Christy.
Napapakagat labi s'ya tuwing lalapat nag kamay ng binata sa kanyang singit. Napapaungol pa siya nang bahagya.
Alam ni Randy na sini- seduce siya ni Christy pero hindi n'ya ito pinapansin. Matagal na n'yang binabalewala ang mga flirting gestures at mga body language sa kanya ng biyuda. Marahil kung ibang lalake lang ay matagal nang may nangyari sa kanila.
After ng 1 hour session ay lumabas na ang binata matapos s'yang magpaalam kay madam Christy. Maya maya ay tinawag si Randy ng receptionist. Nandoon si madam Christy, abot tenga ang ngiti. Inabot sa kanya ang P2,000 bilang tip.
Lumapit sa tenga ng binata saka bumulong. "I had a great time, how about you?" saad n'ya na halos halikan na ang tenga nito.
Kunot noo ang binata, ngiting aso . " Thank you madam." Agad na turan n'ya sa kausap.
Mas malaki pa ang ibinigay na tip sa kanya kesa sa bayad nito sa service charge. Nilulunok nalang ni Randy ang nangyayari kapag may mga ganoong customers. Basta ang mahalaga ay professional s'ya sa kanyang trabaho.
May iba pang mga clients si Randy na nagpapahiwatig sa kanya na gusto nila ng extra service mula sa kanya. Subalit hindi n''ya ito pinapatulan. May mga matrona, bakla at meron ding mga dalaga . Subalit lahat sila ay walang dating sa binata. Dahil iisang babae lang ang namumukod tangi sa lahat. Ang babaeng minahal n'ya mula pagkabata at mamahalin n'ya habang buhay.
Hindi matapos tapos ang tuksuhan sa staff room nila Randy .
Kinakantiyawan s'ya ng mga kasama.
"Pa canton ka naman ," sabi ni Fil. Habang tinatapik ang balikat ni Randy.
Sa ilang kliyenteng ni Randy ng araw na'yon ay halos naka P5,000 s'ya, tip palang iyon kay naman malaki ang pasasalamat n'ya sa Diyos. Suwerte s'ya para sa araw na 'yon.
Umorder sila ng pancit canton spanish bread at soft drinks. Nilibre n'ya ang mga kasamahan. Nag order din si Randy ng pancit canton bilang pasalubong sa kapatid at magulang.
Pagkatapos magsnack ay agad nang umuwi ang binata. 9 o'clock in the morning until 3 o'clock in the afternoon ang duty ni Randy tuwing Sabado.
Habang nasa jeep ay hindi maiwasan ng binata ang mapangiti.
"Thank you Lord!" saad n'ya sa sarili.
Pagbaba ng jeep ay kailangan pa n'yang sumakay ng tricycle papunta sa kanilang barangay. Kahit bulag ay hindi problema ng binata ang maglakbay mag-isa . Basta gamit ang kanyang white cane walang takot n'yang susuungin ang lahat.
Pagpasok sa kanilang gate ay sinalubong s'ya agad ni kiko. Patalon talon pa ito.
"Aw aw aw!" Masiglang tahol nito habang sumasalubong sa amo. Kakawag kawag pa ang putol na buntot.
"Halika kiko , may pasalubong ako sa inyo!" Nakangiting saad n'ya sa aso.
Patakbong sumunod ang aso sa kanya.
Hindi pa dumarating ang mga kasama n'ya sa bahay . Ibinaba ang backpack sa center table at nagtungo sa kusina. Naghugas mga kamay at saka kinapa ang kinaroroonan ng mga plato. Kinuha ang bowl at binuhos ang mainit init pang pansi canton.
Habang nasa kusina ay napalingon si Randy sa gawing bintana. Lumapit s'ya rito at tinalasan ang pandinig. Nararamdaman n'yang may papalapit. Naririnig n'ya ang mga pag apak sa buhangin. Tumahol si kiko. Mas lalong nakasiguro ang binata na mayroong papalapit. Lumalakas ang mga yabag. Humigpit ang kanyang hawak sa tungkod .Handang ihampas sa sinumang masamang taong papalapit.