Maaliwalas ang panahon. Malamig ang simoy ng hangin. Langhap ni Randy ang sariwang simoy nito na nagmumula sa bintana. Ilang metro lang ang layo ng kanilang bahay mula sa dagat. Dinig ang mga alon na humahampas sa dalampasigan at sa mga batuhang nakahilera sa tabing dagat . Nakadungaw sa bintana , pinapakinggan ang mga alon at ang huni ng mga ibong nagliliparan upang manginain ng mga isdang kanilang mahuhuli.
Suot ang puting sando na may butas sa bandang likuran at itim na short. Bagong gising ang binata, halos six footer ang taas, kusot pa ang itim at waivy ang hair nito. Perfect angle ng binata kapag naka side view, kita ang matangos nitong ilong at ang kanyang chiseled jawline,brown ang kulay ng mga mata kahit hndi ito nakakakita. Matitigas ang mga muscles dahil ang mag-exercise ang isa sa mga naging hubby ng binata. Nakangiti ito na parang nakikita n'ya ang paligid, pero ang totoo ay walang hanggang kadiliman ang kanyang nakikita. Congenital glaucoma ang kanyang kondisyon, na sinasabing baka namana n'ya sa kanyang mga magulang or nasa lahi nila ang naturang sakit. Lahat ng doctor na kanilang pinuntahan ay iisa lang ang sinabi, na wala na s'yang pag asang makakita pa.
Siya ay naging mahiyain dahil sa pang bubully sa kanya noong siya ay bata pa kaya naman ang aso niyang si kiko at ang childhood sweetheart na si Loraine ang kanyang naging buddy mula pa pagkabata . Higit sa lahat ang kanyang white cane na kaagapay n'ya kahit saan man s'ya magpunta. Bulag man , busog naman si Randy sa pagmamahal at pag aalaga ng kanyang mga magulang. Tinanggap nila nang buong puso ang kalagayan ng kanilang anak. Gumawa sila ng paraan kung paano maipapakita ang kagandahan ng mga bagay bagay sa kanilang anak . Nais ng kanyang mga magulang na lumaki itong normal at may tiwala sa sarili.
Lagi lang siyang nasa loob ng kanilang bahay noong wlala pa ang kanyang aso na si kiko. Kung hindi naman ay lagi siyang nasa lumang barko , sira sira na ang mga kahoy , butas butas at halos nahati na ito sa gitna. Maliit palang siya ay naroon na ang lumang barko, sinabi ng kanyang mga magulang na barko iyon na napadpad sa dalampasigan dahil sa malakas ng bagyong nanalasa sa kanila ilang taon na ang nakaraan. Kasama ang aso n'yang si kiko , aspin na kulay puti, putol ang buntot at itim ang kulay ng mga paa na parang naka medyas . Siyam taong gulang palang si Randy nang iregalo ito ng kanyang tatay. Tuta pa lamang ito noong ibinigay sa kanya. Ngayon ay isang bruskong aso na si kiko. Matalino at aktibong aso.
Ang bahay nila Randy ay isang bungalow , navy blue at beige ang kulay ng pintura sa labas. Maya tatlong silid at malalaki ang mga bintana. Puting mga kuritna na sinasayaw ng hangin. Kaya naman napaka aliwalas ng kanilang tahanan sabayan pa ng tunog ng mga alon at huni ng mga ibon. Sa likod ng bahay ay may maliit na bahay kubo , gawa sa pinatuyong dahon ng anahaw ang bubong at kawayan naman ang dingding na napapalibutan ng mga upuang gawa din sa kawayan. May center table ay gawa din sa kawayan. Nakapalibot din ang mga succulent plants na nakasabit sa bahay kubo , na may iba't -ibang kulay ang mga bulaklak. Ginawa ito ng kanyang tatay noong siya ay ten years old pa lamang .Dito sila madalas nagsasalo-salo . Favorite place ng kanyang mga magulang. Picnic by the beach ang madalas na tawag ng kanyang tatay t'wing kumakain sila sa bahay kubo. Ito rin ang paboritong tambayan ng kanyang mga magulang. Madalas n'yang naririnig na nag uusap nagtatawanan at naglalambigan ang mga ito.
Mahilig naman magtanim ng halaman ang kanyang ina kaya hindi nakakapagtakang isa ang bahay nila sa may pinakagandang garden sa kanilang lugar. May tanim na white rose, red rose, at pink rose . Mayroon ding mga sampaguita na nakatanim sa tabi ng kanilang bakod . May kalachuchi na ubod nang bango t'wing gabi . Pati ang mga dwarf santan na may iba't ibang kulay. Sinasabi nilang may green thumb ang kanyang nanay. Dahil lahat ng itanim nito ay yumayabong at namumulaklak. Lahat nang dumaraan ay napapalingon . Manghang mangha sa ganda ng mga bulaklak. Gawa sa kahoy ang bakod ng bahay nila Randy kaya kitang kita ang ganda ng paligid ng kanilang bahay.
Sampung taong gulang naman s'ya noong matuto s'yang gumamit ng white cane. Noong una ay naiilang siya na gamitin ito , hanggang sa naging bihasa s'ya sa paggamit nito. Malalaman n'ya agad kung anung bagay iyon kapag kinapa ito gamit ang tungkod. Kadalasan ito rin ang nagiging weapon n'ya kapag nalalagay s'ya sa kapahamakan. at panganib . Napakatalas din ng kanyang pandinig , Randing paniki ang madalas na tukso sa kanya ng kanyang pamilya at mga kakilala. Natutunan n'yang gamitin ng maayos ang iba pa n'yang mga senses.
Seventeen years old si Randy noong na encounter n'ya ang cobra. Sariwa pa rin ito sa kanyang ala-ala , habang naglalaro sila ng kanyang aso na si kiko sa tabing dagat ay bigla nalang tumahol ito nang malakas , sunod sunod ang tahol , nangangalit ito. Huminto si Randy , pinakinggan at pinakiramdaman ang paligid. Hinahanap ang pinanggagalingan nang malakas na tahol ni kiko. Mamaya maya pa ay lumakad nang dahan dahan papalapit sa aso si Randy at biglang inihampas nito ang kanyang tungkod. Sapul ang isang cobra na ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Tumilapon ito sa malayo. Maya maya pa ay huminto na ang aso sa pagtahol. Tinawag n'ya ang aso ,patakbo naman itong lumapit sa kanya na kumakawag -kawag ang buntot at dinilaan ang kanyang mga kamay . Niyakap at hinimas himas ang ulo ng aso. Proud ang kanyang tatay Rey sa lakas ng loob at katapangan na kanyang ipikita nang ikuwento n'ya ang pangyayari . Ang nanay Berna naman niya ay takut na takut at kabang kaba habang s'ya ay nagkukuwento.
Eighteen years old si Randy noong ipinanganak ng kanyang ina si Benjo, sinasabing miracle baby daw ito. Dahil akala ng kanyang mga magulang ay hindi na s'ya masusundan. Masayang masaya si Randy noong panahong iyon. Sa wakas ay may makakasam na s'ya maliban sa aso n'yang si kiko. Tinuruan siya ng kanyang nanay kung pa'no alagaan ang kapatid. Alam na alam ni Randy ang itsura ni Benjo. Dahil kinakapa n'ya ang mukha nito tuwing uutusan s'ya ng nanay n'ya na alagaan ito habang nakalagay sa kuna. Natutunan din n'ya kung anu ang gagawin t'wing umiiyak ang kapatid. Kakargahin n'ya ito at isasayaw habang kinakantahan. Si bunso ang naging center of attention ng pamilya mula nang ipanganak ito. Isang makulit at masayahing bata si Benjo at mahal na mahal din n'ya ang kanyang kuya Randy. Maagang ipinaliwanag ng kanilang mga magulang kung bakit hindi nakakakita ang kanyang kuya , kaya naman sa murang edad ay alam na n'ya kung pa'no alalayan at protektahan ang kanyang kuya Randy. Si Benjo ang tagapag describe ng mga bagay bagay sa kanyang kuya.
Mabuti nalang ay mayroong school for the blind sa kanilang bayan. Matiyagang hinahatid sundo si Randy ng kanyang ama , gamit ang owner jeep . Ang ina naman niyang si aling Berna ay isang elementary teacher kaya hindi naging mahirap sa kanyang ina na mag-aral ng braille at ituro ito sa anak. Ang kanyang tatay naman na si mang Rey ang nagturo sa kanyan ng mga physical activities. Upang hindi s'ya maging lampa. Maliban sa daily exercises ay tinuruan din s'yang maging alerto . Kahit wala s'yang makita ay tinuruan siyang palakasin ang mga natitira pa niyang mga senses. Tinuruan siyang palakasin ang kanyang pakiramdam, ang kanyang pang amoy, pandinig at panlasa.
Lalong pinag igihan ni Randy ang paggamit ng kanyang tungkod. Hanggang sa parang naging pakiramdam n'ya ay parte na ito ng kanyang katawan. Nalalaman n'ya kung anu ang bagay na nasa kanyang harapan gamit lang ang kanyang tungkod. Kaya niyang magpunta ng bayan nang mag -isa . Kalkulado n'ya ang daan. Kayang kaya n'yang sumakay ng jeep mag -isa. Minsan nga ay inutusan s'yang magpunta ng bayan para mamalengke dahil may sakit ang kanyang tatay at maliit pa ang kanyang kapatid noong panahong iyon. Halos magdadalawang taon palang si Benjo noon.
Nang nasa highschool si Randy ay mag-isa na s'yang pumapasok sa school for the blind gamit lang ang white cane na kanyang naging gabay. Masipag at matalinong mag aaral si Randy kaya makikita ang ilang recognition at medal na nakasabit sa dingding na nasa kanilang sala. Magaling din s'yang lumangoy, talo pa n'ya ang kanyang tatay . Sinanay n'ya ang sarili na maging independent , na hindi kailangang alalayan ng sino man . Dahil dito ay namuhay si Randy nang normal kasama ang aso niyang si kiko at ang kanyang white cane.
Maliban sa kanyang aso at ng kanyang tungkod. Andyan din si Loraine, ang kanyang kababata. Kahit na babae ay malalas ang loob n'yang makipag away sa mga batang nambubully kay Randy. Kaya madalas itong mapagkamalang tomboy . May pagkakataon pa ngang nakipag - batuhan ito ng bato sa mga batang tumulak kay Randy. Pareho silang natamaan ng bato kaya pareho silang nagkabukol sa ulo. Alalang alala si aling Berna noong panahon na 'yon. Kaya naman sinabihan sila na huwag na silang lalayo at sinabing doon nalang sila sa lumang barko maglaro .Natatawa nalang ang dalawa kapag binabalikan nila ang mga memories nilang iyon.
Naputol ang pagre reminisce na iyon ng binata ng tawagin s'ya ng kanyang nanay. Medyo nagulat pa ang binata.
“Randy , labas ka na diyan nang makakain na!”sigaw ng kanyang nanay .
“Opo, lalabas na po!”pasigaw ding tugon ng binata. Tumalikod mula sa bintana. Tinungo ang kama at niligpit ang mga unan at kumot. Saka nagsuklay ng kanyang buhok.
Gamit ang tungkod kinapa nito ang daan papunta sa kusina. Amoy na amoy n'ya ang pritong isda at pritong itlog na niluto ni aling Berna. Kamatis at sibuyas at sili na may bagoong isda ang sawsawan. Halos sabay sabay silang mag aamang naupo sa silyang kahoy . Nagtimpla ng kape ang kanilang tatay para sa kanilang mag asawa. Mainit na gatas naman ang para kila Randy at Benjo. Nakamasid lang si kiko sa paanan ni Randy habang kumakain ang kanyang mga amo . Alam n'yang s'ya naman ang kakain pagkatapos kumain nila Randy.
Pagkakain ay tumulong ang magkapatid sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan. Nagagalak naman ang kanilang nanay dahil masisipag ang magkapatid. Hindi na sila kailangan pang utusan. Kahit mga lalake marunong sila sa mga gawaing bahay. Paborito ring house chores mi Randy ang paglalaba .Pati ang paghahalaman ay gustong gusto rin n'yang ginagawa.
"Kuya , doon tyo sa kubo mamaya. Turuan mo akong gumawa ng assignment ko," malambing na saad ni Benjo habang nagpupunas ng mesa.
"Oo ba! Nakatawang sagot sa kapatid ." habang buhat ang balde ng tubig at inalapit ito sa tabi ng kanilang ina na naghuhugas ng mga pinagkainan
Pinakain din nila si kiko, sarap na sarap sa hinimay na laman ng isda at kanin. Habang kumakawag ang buntot.
Gamit ang kanyang tungkod , sabay na nagpunta ng bahay kubo ang magkapatid. Bitbit ni Benjo ang ilang notebook , libro at ballpen. Magpapaturo s'ya sa kanyang kuya . Nakasunod ang aso sa magkapatid. Malamig at malakas ang hangin ng araw na iyon. Makulimlim ang kalangitan. Nagsasayawan nag mga nakabitin na halaman. Pinakikiramdaman ng binata ang paligid at ihip ng hangin.
"Mukhang uulan, basa ang hangin," sabi ng binata habang lilingon- lingon sa paligid .Habang nakaupo silang magkapatid sa loob ng kubo.
"Oo kuya, madalim sa banda roon oh," tugon ni Benjo sabay turo sa malayo .
Madilim sa dako ng dagat. Nang biglang may gumuhit sa madalim na kalangitan kasunod ng malakas ng kulog.
Alam ni Randy pa papalapit na ang ulan kya naman sinabi n'ya sa kapatid na pumasok na sila ng bahay dahil malakas ang ulan na paparating.
"Kiko, halika na ! Pasok na!" Pasigaw ng turan ng binata sa alaga .
Sunod sunod at malalaki ang mga patak . Dali daling pumasok ang bahay ang magkapatid kasama ang alagang aso. Nakatanaw sa bintana ang dalawa. Habang bumubuhos ang malakas na ulan. Malakas din ang ihip ng hangin.
" Kuya, bakit ang labo sa bando ro'n? Hindi ko makita ang bundok." Nagtatakang tanong ni Benjo sa kanyang kuya.
"Ibig sabihin n'yan ay malakas ulan sa lugar na 'yon," nakangiting paliwanag ng binata sa kapatid. Habang nakaupo hawak ang kanyang white cane.
Halos dalawang oras ding umulan. Na lalong nagpatinggkad sa kulay ng mga bulalak at ang mga dahon ay lalong naging luntian. Bukod sa nadiligan ang mga ito ay nahugasan din ang mga dahon at mga bulaklak kaya lalong lumabas ang mga magagandang kulay ng mga ito.