1st Wish

2003 Words
(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) "OH MY GOD! Lalabas na daw ang Absolute Boyfriends sa main gate!" sigaw ng kapwa fan ko yan habang hinihintay namin ang paglabas ng Absolute boyfriend mula sa practice nila sa Star Entertainment Building. Napatayo naman ako at agad na hinanap si Ice Fontanilla na malapit ng lumabas ng pintuan. "OMG! Absolute Boyfriends! Saranghaeyo! Saranghaeyo! Saranghaja! We are One! Saranghaja!" masayang fanchant ng mga fans na nandoon. Naunang nagsilabasan ang unang set ng bodyguard nila tapos ang mga members at hindi nagtagal lumabas na s'ya. Sari-saring sigawan ang nadidinig ko dahil sa dami ng tao na andito pero parang spotlight ang mata ko kasi siya lang ang nakikita ko. Si Ice Fontanilla lang ang gusto kong makita, I mean lahat naman sila bet kong makita pero special pa rin s'ya para sa kaniya. There... I finally saw him. He still haven't change, he still wears that Poker face but still, he is very handsome. "Ice!" sigaw ko at nagkatagpo ang aming mga mata pero agad din niyang pinutol iyon at dineretso ang tingin niya sa daanan. Alam mo yung saya na nararamdaman ko nung nagtagpo ang mga mata namin, hindi ko ma-explain ang kilig ko. Hinabol ko siya pero nagdiretso lang siyang naglakad papasok nang sasakyan na sundo nila mula sa building. "Ice sandali, ako to si Jang. Lumabas ka muna ng Van at nang makapag-usap tayo." Katok ko sa pinto ng sa sasakyan niya pero wala hindi niya ata ako nakita. Naka-shades kasi siya at headset kaya siguro 'di niya narinig ang katok ko, hanggang sa umandar na lang ang sasakyan nila. "Ice baby ko, magugustuhan mo kaya ang regalo ko? Hindi ko naman kasi naibigay sayo kanina dahil ang bilis mong mag-lakad," sabi ko sa kaniya. Nakita ko siya na nakatingin siya sa akin. "Oh? Bakit nakangiti ka sa akin? Nagagandahan ka sa akin no?" tanong ko ulit sa kaniya. Hindi siya sumagot sa sakin. Ang ganda talaga ng ngiti niya Tumingin ako sa kabilang dako at saka nag beautiful eyes nahihiya ako Ice ano ba? "Oh? Bakit nakapoker face ka naman ngayon, nagseselos ka ba?" tanong ko sa kaniya. Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa harap ko. Hala, mukha nga siyang nagtatampo. Mukha ngang nagalit si Ice dahil doon sa nangyari kanina. "Ice baby ko! Don't be angry na, alam mo naman na ikaw lang nag-iisang mahal ko! Oo ikaw lang," sabi ko sa kaniya. "Eeehh.. gusto mo kiss kita ulit!" kinikilig kong reaksyon sa kaniya. Paano naman kasi eng gwepe nye tepes neketengen sye eken. pereng geste nye eke keenen! Kinikilig tuloy ako ng sobra dahil doon. "Sige na nga. Iki-kiss na kita pero dapat mag-smile ka na matapos kitang ikiss," kondisyon ko sa kaniya. Inilapit ko na ang labi ko sa kaniya at nag- lean ako para mahalikan siya nang biglang may sumapak sa akin. "Illusyunada!" sigaw yan ng magaling kong kapatid na si Ate Pam pagpasok niya ng kwarto ko. At ako ito, nakasubsob sa pader namin dahil malakas niya akong binatukan. Naku talaga to si ate, porket walang lovelife e ako ang pinagdidiskitahan. "Aray naman ate, magkikiss na kami ni Ice tapos ginugulo mo kami." Sita ko sa kaniya, nagpamewang naman siya at hinanda ang sarili niya para sapokin ako ulit. "Anong kiss? Jang, gagahasain mo na naman yang poster mo at hahalikan. Gabi gabi ka na lang nakikipag French kiss diyan!" sigaw niya sa akin. "Ewan ko ba kung bakit 'di natatanggalan ang kulay niya sa laway ng labi mo e," dagdag pa niya sa akin, nadidiri siyang tumingin sa poster na 'yon. "Ate naman eh, ramdamin mo naman ako!" sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga na lang si Ate sa akin. "Ano, kumusta yung lakad mo naibigay mo ba yung regalo mo kay Ice baby mo?" tanong niya sa akin. "Hindi na ate e, bigla kasi siyang pumasok sa sasakyan niya," sagot ko sa kaniya, kumuha ako ng tissue at binura ang kiss mark sa aking poster. "Ate, may alchohol ka?" tanong ko sa kaniya. "Bakit?" she asked me back searching for her alcohol, kinuha niya ang alcohol sa drawer at saka inabot sa akin. "Buburahin ko lang 'yong lipstick mark sa poster ko," sabi ko sa kaniya. "Ewan ko ba sayo," kibit balikat niyang komento sa akin. "Ate!" pero nagkibit balikat pa rin siya sa akin. "Hindi ka na nadala e mula nang sumikat ang Ice na yan ay kinalimutan ka niya, baka nga 'di ka na niya naalala Jang e," aniya. Napatigil ako sa ginagawa ko at masama ko siyang tiningnan. "Busy lang siya ate at naiintindihan ko yun!" sabi ko sa kaniya sabay punas ulit ng alcohol dun sa namarkahan ko. "Nagsasabi lang ako ng totoo, Jang." Sabi niya sa akin pero 'di na ako sumagot. Alam kong 'di niya ako nakakalimutan. Alam kong 'di mabubura sa puso niya ang kung anong mayroon kami dati. "Bumaba ka na lang sa dining area at tulungan mo akong ihanda ang lamesa. Pakiusap naman Jang, tigilan mo na ang paghalik sa poster kasi nakakadiri na," sita ng Ate Pam ko sa akin, napakibit balikat na lang ako at muling tumingin sa poster ni Ice. "Kahit ngayon na may project na kayo sa Pilipinas e 'di pa rin kita maabot," saad ko sa kaniya. Napakibit balikat na lang ako at saka mahinang ngumiti. Well, kanina pa nagsimula ang story pero 'di niyo pa ako kilala. Ako nga pala si Janna Santos, Simpleng senior college student, ultimate fan girl ng bandang Absolute Boyfriends at ang lihim na asawa ni Ice Fontanilla. Ang Absolute boyfriends ay ang banda kung saan myembro ang pinakamamahal kong si Ice Fontanilla bilang isang main rapper at lead dancer ng grupo. Siya rin ang nag-iisang Pilipinong myembro nito. May dugo siyang Koreano pero ¼ lang 'yon, mas halata kasi sa itsura niya ang pagiging mestizo nito. Mayroon silang 12 miyembro na may iba't- ibang specialty, para lang silang menu dahil madami kang pagpipilian. Magaling silang kumanta at sumasayaw din sila. They are known as a multi national group promoting in different parts of Asia. Ang main focus nila ay mag promote sa mga bansang sinilangan ng mga members nila.  Si Kris Li at Jeremy Kim ang leader nang grupo nila wala silang ibang talent kung 'di ang magpa-gwapo at maging leader. Biro lang magaling din silang sumayaw 'di nga lang halata. Si Kaizer Choi naman ang main dancer nila at kilala siya sa pagkakaroon ng malambot na katawan dahil smoothe siyang sumayaw. Nagagawa niyang porno ang isang dance step kasi madalas tumitigas ang junior niya kapag may hagod moves. Main vocals naman si D.O Kang at Daryl Byun. Lead Rapper naman si Rheese Song, isa rin sa kanilang dancing machines si Marcel Zhang at Liquid Xi tapos kumakanta rin sila at may sobrang gandang boses. Si Walter Huang naman ang bahala sa hard stunts or choreography ng grupo ganoon din si Alex Ho. High notes naman ang specialty ni Yuan Tan. Korea based boyband sila na nagre-release ng albums sa iba't ibang bansa. Chinese, Japanese, Korean at ngayon nagmamarket na sila sa Pilipinas dahil sa mataas ang number ng fanbases nila. Pero ano nga bang koneksyon ko sa nag-iisang pilipinong member nila na si Ice Fontanilla? Dati noong mga bata kami ay may pangako siyang binitawan sa akin. Iyon ay ang pangako na 'di siya magbabago at hinding-hindi niya ako makakalimutan kahit na kailanman Hindi lang yun basta dream o kamanyakan ng isang fangirl. Isa yung pangako na inaasahan kong tutuparin niya. "Janna! bumaba ka na dito," sigaw ulit ni Ate sa akin. Napabalikwas ako sa aking kama saka ako lumabas ng kwarto namin para tulungan si Ate baka magalit pa siya sa akin kung magbabagal ako dito. "Maghugas ka ng pinggan dahil kakaplantsa ko lang baka mapasma ako, " utos ni Mama sa akin.  "Sige po Mama, tutulungan kita. Don't you worry," saad ko sa kaniya. "Ganyan din ang pangako mo nung isang araw pero 'di mo ako nasamahan dahil nanonood ka nang livestream sa TV." Sagot naman niya sa akin. "Pasensya na Mama, tutulungan na talaga kita ngayon!" saad ko sa kaniya. **** KINABUKASAN kasama ko si Janine para manood ng show ng Absolute Boyfriend. Si Janine ay ang loka-loka kong kaibigan/bestfriend ko na idol naman si Kris ng absolute boyfriends. Sinamahan niya ako kasi gusto niyang masilayan ang pinakamamahal niyang baba este Kris. Ako naman hinihintay si Ice para makausap ko siya nang masinsinan at totohanan na. "Okay guys, pag tinawag ang pangalan ng boyband na Absolute Boyfriends magsigawan kayo ha? Yung fanchants huwag niyong kakalimutan" paalala ng manager nila sa amin. "No need to remind our fandom sir, automatic na iyon for our boys!" sabi naman ng presidente nito. "Girl, ayun sila naghahanda na lumabas!" ani ni Janine sa akin, tinuro niya ang direksyon kung saan tanaw na tanaw namin ang Absolute Boyfriends. May kinapa naman siya sa bulsa niya na tila isang bagay. "Ano 'yang kinakapa mo?" tanong ko sa kaniya. "Kukuhanan ko sila, Jang. I need HD pictures!" aniya. "Wala namang camera ang cellphone mo diba? Paano mo sila kukuhanan ng HD pa?" tanong ko sa kaniya. "May Digicam ako kaya shut up ka na lang diyan," sita niya at kinuha niya ang Digital camera niya na luma at halatang year 2005 pa. Na-hold up kasi siya last week kaya wala siyang cellphone ngayon. Hinihintay pa niya ang pinaglumaan na phone ng kaniyang Mama para gamitin. Siya kasi ang tipong gagastos ng 6K para sa special photobook edition ng Absolute boyfriends pero pagdating sa sarili niya kahit piso 'di niya gagastusan. "Janna!" Tili niya at muling tinuro ang diresyon na iyon. Nang lumabas sila biglang tumigil ang aking mundo. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Binati nila ang mga audience, at nagtilian naman ang lahat. Hindi ko alam kung paano kikilos lalo na nang magtagpo ang mga mata namin. Nagsimula na silang kumanta at sumayaw, sobrang galing talaga nila. Matapos ang limang kanta ay hinanda naman ang venue para sa fan meeting na magaganap.Luminya na kami para makapagpapirma at magkaroon ng maliit ng conversation kasama sila. Minsan lang ang fan meetings at madalas saglit na oras lang ang binibigay ng management nila upang makausap namin sila. Siguro talagang moment ko na ang magaganap ngayon kaya may Chance ako na makausap si Ice, sana nga lang maalala niya ako agad. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang ako na ang sumunod sa linya, pinagmasdan ko siya habang nagpipirma ng mga album na pagmamay-ari ng ibang fan. "Yes?" aniya nang makita niyang ako na ang susunod. Nagkatinginan kaming dalawa, halos mawalan ako ng hininga ng makita ko siya. "Ice!" tawag ko sa kaniya. "Yes, may sasabihin ka ba?" he asked me. Bakit parang 'di niya ako kilala? Napansin ko ang biglaang pagkabagot sa kaniyang mukha. "P - Para sa- yo sana ito, Ice!" sabi ko sa kaniya sabay abot ng regalo ko with cookies pa yun para sa kanilang lahat. "Thanks!" sabi niya sa akin at kinuha niya ang regalo na binigay ko sa kaniya, nanatili akong nakatayo sa harap niya. "Eh, Ice..." Natigil ako ng ibigay niya sa staff ang regalo at may binulong siya doon. Nakita ko ang pagtango nang staff niya. "Congratulations pala sa album niyo," masaya kong sabi sa kaniya. "Thanks," sabi niya ulit at mahina siyang ngumiti. "Kung libre ka punta ka ulit sa bahay, Miss ka na ni Na-" Natigil ako ng magsalita siya. "Next fan please?" sabi niya sa masungit na tono, agad naman akong tinabig nung fan sa likod ko at nagsisigaw siya ng nasa harap na niya si Ice. "Ice, treat her well!" saad ni Kaizer sa kaniya at ngumiti ito na para bang sinesenyasan niya si Ice.  "Ako si Janna yung anak ng yaya mo tapos magkaibigan din tayo saka magkaklase. Jang-Jang pa nga tawag mo sa akin eh! Lagi mo akong binibilhan ng strawberry milk tapos sabay tayong uuwi! Naalala mo na ba?" sabi ko sa kaniya "I'm sorry but I don't remember you," sabi niya sa akin at kinuha niya ang regalo ko, saka niya iyon tinapon sa basurahan. Nabigla ako sa ikinilos ni Ice sa harap ko, pakiramdam ko ay hindi siya iyon. Pakiramdam ko ay nagbago na siya. "Sorry, Ice is a brat. Don't worry, I'm going to ask the staff to get our gift at the trash bin before this fan meet ends." Sabi ni Kaizer at ngumiti ito saka siya tumakbo para habulin ang kamyembro niya na si Ice. Natapos na ang fan meeting pero pakiramdam ko, kakatapos pa lang nung mga nangyari sa amin ni Ice. Bakit kaya naging ganon ang ugali niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD