Mariin ang paghawak ni Nadine sa tequilla habang naniningkit ang kanyang mga mata. Nang marinig niya ang mahinang pagtikhim ni Caredad ay pumikit muna siya ng mariin at humigop ng hangin. Saka siya unti-unti lumingon dito at bahagya niyang itinaas ang kilay. Nawindang si Caredad at muntik pa itong mawalan ng balanse, mabuti na lang at nasangga ito ng sekretarya niya. "I-ikaw?" Paos na sambit nito at bakas ang panginginig sa boses ng donya. "Pa-anong.. Paano ka napunta dito Alyana?" Ano'ng--" "Miss, Suarez. You didn't mention that this is the kind of person you will present to me. How can I trust her if she doesn't even know how to respect her boss. I am just wasting time and money! " Mariin ang bawat kataga niya at sinadya niyang pasadahan ng tingin ang biyenan. "Ma'am, huminahon ho

