"I'll kill you!" asik niya habang palabas ang lalaki sa madilim na kuwartong iyon. "Bumalik ka ritong hayop kaaa!"
Hindi siya makatayo dahil ipinulupot nito sa buong katawan niya ang kumot. Gusto niyang isumpa ang walang hiyang lalaking iyon. Hindi na nga siya binayaran ay inalok pa siya nito ng kasal. Yes, she's really lucky na maalok ng kasal ng isang billionaire pero ang inaalala niya ay ang two choices na sinabi nito. Kapag hindi siya pumayag na magpakasal dito ay baka patayin nga talaga siya nito.
"Kasal my foot!" bulong niya sa kaniyang sarili.
She rolled her whole body para makaalis siya sa kumot na nakapulupot sa kaniya, ngunit anong malas nga naman dahil nahulog pa siya mula sa mataas na steel bed na iyon.
"Damn your whole life..." Naputol ang kaniyang sasabihin dahil hindi niya alam ang pangalan ng lalaking iyon. "f**k boy," she added.
Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang galit at inis na nararamdaman niya. Pagkatapos niyang maalis ang kumot sa buong katawan niya ay dahan-dahan siyang tumayo. Ramdam niya pa rin ang sakit sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. Hindi niya maitatanggi that despite the pain she felt down there ay nasarapan naman siya ng sobra.
Naghilamos muna siya dahil kumalat ang kolorete sa mukha niya. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kinaroroonan ng manager ng nightclub. Magkasalubong ang kaniyang dalawang kilay na humarap dito.
"You promised me that he'll pay me for a billion pero tinakbuhan niya ako! Kahit ni piso ay hindi niya ako binigyan. He took my virginity at pinagsawaan niya ang buong katawan ko pero binudol niya ako!" bulalas niya sa baklang naka-crossed arms habang nagmamasid sa ibang bayarang babae na may kasamang customer.
"Ano? Maayos ang usapan namin that he will pay you in full. Ano ba ang sabi niya sa iyo?" kunot-noong wika nito sa kaniya.
"Pero bakit ganito ang nangyari? I badly need that money! Kilala mo ba siya? Anong pangalan niya para mapuntahan ko siya?" sunod-sunod na tanong niya rito.
"I don't know," tugon nito sa kaniya kaya mas uminit ang kaniyang ulo.
"Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam?"
"Through text messages and calls lang kami nag-usap," sagot nito.
"Seriously? Nakipag-deal ka sa kaniya through— oh, s**t! E, nakita mo ba siya kanina?"
"Hindi rin, basta ang sabi niya sa 'kin sabihin ko lang kung saang room ka naroon tap—"
"Nagpapatawa ka rin, ano? Puri ko ang pinag-uusapan dito! Kapag hindi ko nahanap ang hinayupak na 'yon, tandaan mong babalik ako rito para maningil sa 'yo!" asik niya rito.
"Hoy, babae! Hindi ko na kasalanan kung hindi ka binayaran ng lalaking iyon. Ang daming scammer ngayon kaya masanay ka na. Kung kailangan mo talaga ng pera, marami ang regular customers dito at tiyak na hindi ka tatakbuhan. Gora ka?"
"Gora your malapad na noo! Sa tingin mo ba magtitiwala pa ako sa iyo? Mukha kang pera! Bakit? Malaki ba ang binayad sa iyo ng lalaking iyon kaya wala kang pakialam na tinakbuhan ako? Babalikan kita, tandaan mo 'yan!" bulalas niya rito saka sinamaan niya ito ng tingin.
"Ang kapal din ng mukhang mong babae ka! Itatak mo sa utak mo na kaya ka narito dahil sa salapi, kapalit ng virginity mo. Ten million para sa puri mo? Sino sa 'tin ngayon ang mukhang pera?" pakli nito habang dinuro-duro pa siya ng hintuturo nito.
Hindi na siya nakapagsalita pa. Kinuha niya ang bag sa loob ng makeup room saka sinuot niya ang kaniyang shorts at t-shirt na suot niya kanina. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng nightclub na iyon. This time, labis ang kaniyang pagsisisi. She thought na magiging milyonarya na siya ngayong gabi, ngunit nakuha na nga ang virginity niya ay wala pa siyang pera.
Ayaw niya ring banggitin pa sa bulok na manager ng nightclub na iyon ang sinabi sa kaniya ng lalaking iyon.
Hindi niya mapigilan ang sarili niyang umiyak habang naglalakad sa kawalan. Hiyang-hiya siya sa kaibigan niya at sa kapatid niya kahit hindi alam ng mga ito ang nangyari sa kaniya. Lalong-lalo na kay Shawn na pinagsalitaan niya ng masasakit na salita. Parang gusto niya na lang mamatay para matapos na ang lahat ng kaniyang paghihirap at para maibaon na rin ang kahihiyang ginawa niya. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwentang anak, kaibigan at kapatid.
Ayaw niyang umuwi ngayong gabi. Tumungo siya sa Mad Meat Pub para uminom ng alak.
Pagpasok niya ay kokonti na lamang ang customers na naroon. Sumalubong naman sa kaniya ang may-ari ng pub. Malawak ang ngiti nito sa kaniya pero nanatiling malungkot lang ang kaniyang mukha. Kahit siguro pilitin niya ang sarili niyang ngumiti ay hindi niya magawa.
"Heather, ayos ka lang ba?"
Tumango lamang siya rito. Tumungo siya sa favorite spot niyang nasa sulok. Mabuti na lamang at walang nakaupo roon.
"Aling Ezpe, dalawang bote nga po ng alak, please..." wika niya rito.
"Dalawang bote? Nakung bata ka, sobra naman yata ang dalawang bote. Baka mamaya ay hindi ka na makauwi," wika nito habang nakakunot ang noo.
"Ayos lang po iyon, ngayon lang naman po," tugon niya rito.
"Mukhang mabigat ang iyong problema, Hija. Puwede mo namang ibahagi sa 'kin, baka sakaling makatulong ako," anito.
"Hindi naman po gano'n kabigat," sambit niya.
Mabigat. Sobrang bigat. Aniya sa kaniyang isipan.
"Ikaw ang bahala." Marahang tinapik nito ang kaniyang kanang balikat. "Sandee, dalawang bote ng alak nga!" baling nito sa crew.
Kumuha naman kaagad si Sandee ng dalawang bote para dalhin sa kaniya.
"Broken-hearted ka ba? Ano ang nangyari sa 'yo? Masigla ka pa lang kahapon, ah," bulalas nito sa kaniya.
"Wala naman ito. Gusto ko lang talagang uminom para nama—"
"Makalimot sa nakaraan?"
"Ano ka ba? Kahit ilang boteng alak pa ang inumin ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang nakaraan, maliban na lang kapag tigok na ako, o baka nga pati sa after life ay hindi ko pa rin makalimutan iyon," pakli niya.
"Tigok ng kalokohan mo. Alam mo, hindi magiging masaya ang mga yumaong magulang mo kung magiging ganiyan ka. Oo, mahirap kalimutan ang nangyari sa parents mo pero tandaang mong may kapatid ka pang umaasa sa iyo, kailangan ka niya kaya laban lang kahit sobrang unfair ng buhay," payo nito.
"Oo, salamat. Teka nga, bakit umupo ka? Baka mamaya mapagalitan ka ni Aling Espe," sabi niya. Direkta siyang uminom sa bote. Hindi uso sa kaniya ang shot glass dahil mabibitin lamang siya.
"Magsasara na rin lang naman kasi kami after lumabas ng dalawang customer na iyon, kaya sabi ni Madam samahan daw kita," anito.
"Ay, gano'n? So, kailangan ko na rin pa lang umalis baka nakaabala na ako sa in—"
"Hindi naman. Okay lang naman kay Madam kahit abutin ka pa ng umaga rito. Alam mo namang parang anak na ang turing ni Madam sa iyo kaya no worries, uminom ka lang riyan," pakli nito.
"Ang bait talaga ng amo mo." Binuksan niya ang isang bote saka ibinigay kay Sandee. "Uminom ka rin, hindi iyong makikipagkuwentuhan ka lang sa 'kin."
After an hour nakaubos silang dalawang bote.
"Uy, Sandee, ikaw na lang ang bahala kay Heather, ha? Matutulog na ako," wika ni Aling Espe.
"Yes, Madam!"
"Sweet dreams, Aling Espe!" sigaw niya.
"Hoy, Heather! Huwag ka nang uuwi kapag lasing ka na dahil baka kung mapaano ka. Matulog ka na lang sa bakanteng kuwarto rito sa baba," paalala nito.
"Opo. Salamat po." Medyo umiikot na ang kaniyang paningin.
Silang dalawa na lamang ang naiwan doon. Naka-off na rin ang ibang ilaw.
"G-gusto mo pa bang uminom?"
"Aba'y siyempre! Kumuha ka pa ng isa pang bote," utos niya kay Sandee.
"Shi-sige, pero ikaw na lang uminom dahil n-nahihilo na a-ako," wika nito. Medyo nauutal at nabubulol na rin itong magsalita dahil may tama na ito.
"Oo, sige. Ang hina mo talagang uminom," biro niya rito, saka ngumiti siya ng nakakaloko.
Dinalhan pa nga siya nito ng isa pang bote.
"H-huwag ka nang uuwi, ha?"
"Anong 'wag? Kaya ko pa naman, e. Ubusin ko lang itong isa," tugon niya rito.
Maya-maya'y nakasandal na sa mesa si Heather habang nagsasalitang uuwi siya.
"Uuwi ako, S-shandee," pangungulit nito.
"Akin na cellphone mo, tatawagan ko best friend mo para sunduin ka," anito saka dinampot ang cellphone ni Heather na nakalatag sa ibabaw ng mesa.
Matagal nito bago nahanap ang contacts icon dahil hilong-hilo na ito. "Got it!"
Basta lamang itong nag-view ng isang contact saka pinindot ang "call button".
"H-hello! Shunduin mo si Heather dito sa Mad Meat Pub!" bungad nito sa kabilang linya saka binaba kaagad ang tawag.
"Heather, punta na ako sa kuwarto ko, ha? Diyan ka lang dahil susunduin ka raw ng friend mo!" Tumalikod na ito habang pasuray-suray na naglakad patungo sa kuwarto nito.
After a minute ay may isang kotseng huminto sa tapat ng restaurant. Bumaba ang isang lalaki saka diretsong pumasok sa loob. Nakita niya si Heather na nakasandal sa ibabaw ng mesa. Nakatulog na ito dahil sa sobrang kalasingan.
Hindi niya alam kung bakit siya pa ang natawagan para sunduin ang babaeng ito. She's too heavy para kargahin niya.
Bigla nitong pinitik ang noo ni Heather, "Hey! Wake up!"
"Hmm. Ba...kit ba?" wika nito.
"Gusto mo bang umuwi, or I'll leave you he—"
"K-kill me? You wanna kill me? Sige, patayin mo na ako"
"I will, if you're not going to marry me," tugon niya rito.
Dahil sa inis niya ay bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito para ituwid ito mula sa pagkakasandal sa mesa.
"I-I don't want to marry you," wika nito habang inaaninag ang mukha niya.
"Why?" tanong niya kay Heather.
"Ang pogi mo naman pero... bakit nagiging dalawa ka?" nginitian siya nito. "Yes, I'll marry you." Ngumiti uli ito saka bumagsak ang mukha nito sa ibabaw ng mesa.
He took a deep sigh. Sayang. Sayang dahil lasing ito, hindi niya na-record ang sinabi nito.
Pinagmasdan niya ang marilag na mukha nito. She's too gorgeous and naive para paglaruan niya, but he had no choice but to get to his plans. "Poor her."
Marahan niyang hinawakan ito sa magkabilang balikat pero bigla niyang binawi ang dalawang kamay niya.
Hell no! Bahala siya sa buhay niya!
Don't leave her alone, asshole! Said by his stupid inner voice.
Kinarga niya ito ngunit bigla itong nagsuka.
"Bloody hell," he murmured. Umigting ang kaniyang panga sa inis pero wala na siyang magagawa dahil nasukahan na nito ang damit niyang suot.
Ngumisi siya dahil nakaisip siya ng paraan kung paano siya makakaganti sa ginawa nito ngayon. "Have a wonderful night with the insects, Heather."