Ilang linggo ang lumipas nang makipagkita sa akin ang investigator ko sa isang lugar. Halos manginig ako sa aking nakita at natuklasan. Pakiramdam ko tinakasan ako ng kulay sa mukha dahil sa nalaman. Halo-halong galit, sakit at panibugho ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung sino ang una kong pupuntahan ng mga oras na iyon. "S-sigurado ka ba rito? Hindi ka ba nagkakamali?" nanginginig na wika ko pa sa aking investigator. Habang paulit-ulit kong tinitingnan ang mga papeles nitong binigay at mga old pictures. Naroon ang daddy ko na kasama si Mr. Reyes, may mga litrato rin na mukhang 'di sila magkasundo. May litrato rin sila na kasama si Mr. Buena. At higit sa lahat may litrato rin kung saan at paano naaksidente ang aking mga magulang. "Yes boss, sigurado po ako s

