"W-what did you say?" kabadong tanong ko rito. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi nito. "Hindi pa ito ang panahon para sabihin ko sa'yo ang mga nangyayari," wika nito. Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa sagot nito. "Ano bang ibig mong sabihin? Bakit ba ayaw mong sabihin? Anong ibig sabihin ng nakita ko kanina sa opisina mo?" inis na tanong ko rito. Napansin ko bigla ang paghilamukos ng mukha nito. Kita ko na rin ang pagkainis sa mukha nito. Ngunit mas nananaig ang selos at galit ko dahil 'di nito magawang ipaliwanag ang nakita ko kanina sa loob ng opisina nito. "Walang kahulugan ang nakita mo nakita. Kahit ako man hindi ko alam na naroroon ang secretary ko. But I asked her kung anong ginagawa niya sa loob ng opisina ko lalo nang galing siya sa banyo ng op

