"What do you want?" tanong ni Eduardo rito. Tumawa naman ang kaharap niya na walang iba kun'di si Jose Reyes. "Ganiyan na ba ang dapat isalubong sa kaibigan ha? Ni hindi ka pa man lang maupo muna. Baka isipin ng mga tao rito eh, inaaway kita," nakangising wika ni Reyes. Inis man ang nararamdaman ni Eduardo ngunit wala siyang magawa. Umupo siya sa harapan nito. Nasa restaurant sila ng mga oras na iyon. Sa tagal na taon, wala pa rin pala itong pinagbago. Kitang-kita pa rin dito ang kabangisan na halatang gagawa ng hindi maganda. Masakit man para sa kaniya na magkaganito ang tinuring niyang kaibigan ngunit hindi niya ito mapigilan sa nais nitong gawin. Dahil mas pinapairal nito ang kainggitan na naging dahilan ng pagbabago ng ugali nito. Nawala sa pag-iisip si Eduardo ng magsalita ang

