"Sigurado ka na ba rito?" tanong ko sa aking imbestigador. "Yes Sir," seryosong sagot din nito. Kaagad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko sa loob ng aking library. "Okay, ikaw na muna ang bahala, may kakausapin lang akong mga tao. Tatawagan kita kaagad kapag kailangan ng kumilos," wika ko rito. Kaagad din itong umalis. Mabilis ko namang tinawagan ang mga kaibigan ko. Pansin ko kaagad ang mahal kong asawa sa sala karga ang anak namin. Nagtagpo pa ang mga mata namin sa isa't-isa. Mabilis naman akong lumapit dito upang kintalan ito ng halik sa labi. "Honey, aalis muna ako, pupunta lang ako sa bahay nila Marc. May dapat lang kaming pag-usapan," paalam ko kay Angel habang nakatitig sa maamong mukha nito. Napansin ko pa kanina ang pagkagulat at pamumula ng pisngi nito ng hal

