Episode 26

1564 Words

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapasus* ng anak ko ng dumating si Dave galing ng meeting. Tatlong linggo na rin ito dito sa Europe. Hindi ko rin alam kung nahuli na ba ang lalaking nagtangkang gumahasa sa 'kin. Hindi ko rin ito matanong sa ngayon. Hinihintay ko na lang na yayain kami nito pabalik ng pilipinas. Masigla at nakangiting Dave ang sumalubong sa 'kin sa sala. "Hi, honey. How are you and our baby?" tanong nito pagkatapos ako nitong halikan sa labi. Pagkatapos ay hinalikan din nito ang baby naming sumusus* sa 'kin. "Heto, nabahala kanina at panay iyak ni baby. Mabuti na nga lang at tumigil rin," wika ko rito. Pansin ko naman ang panay sulyap nito sa anak namin. Kitang-kita ko ang kislap nito sa mga mata sa t'wing titingin sa'min. Ramdam ko rin ang paghawak nito sa baywang ko. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD