"Bakit hindi mo siya kinausap bes? Malay mo, 'di niya rin talaga alam ang totoong pangalan mo? Tapos hindi ka naman niya kayang iwan na lang doon lalo na't wala ka ngang maalala," wika ni Mae. Umiling-iling ako habang nagpupunas ng luha. "One year na ang nakakalipas bes, sana nagawa niyang sabihin sa 'kin ang totoo. Bakit kailangan niyang pagsamantalahan ako?" wika ko habang ramdam ko ang bigat at sakit sa dibdib ko. Habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko. Niyakap naman ako nito. "Baka totoong mahal ka na niya bes, baka natatakot lang siyang sabihin sa'yo ang totoo at iwan mo siya. O baka naman naghahanap siya ng pagkakataon kung paano sa'yo sasabihin?" wika pa nito sa 'kin. "Hindi ako naniniwala na mahal niya ako. Eh, 'di sana ipinagtapat niya na noon pa ang lahat. Ang tagal na be

