Simula nang nangyaring kaguluhan sa mansion hindi ko na nagawang kausapin ang matalik kong kaibigan pati na rin ang asawa kong si Dave. Naiiyak ako sa galit at sama ng loob dahil hindi ko lubos maisip na magagawa ito ng matalik kong kaibigan na ipahamak kaming mag-ina. Nang anak kong si Baby Daniel. Yes, alam ko naman na hindi niya iyon kagustuhan pero 'di ko pa rin maiwasang hindi magalit. Hanggang sa iuwi ito sa kanilang bahay. Balita ko pa nga tulala pa raw ito dahil sa mga nangyari. Siguro, shock pa rin ito hanggang ngayon. Pero kahit ganoon, wala pa rin akong balak makipag-usap dito. Masama ang loob ko rito, dahil hindi ko man lang naisip na siya ang magiging dahilan ng muntik na naming ikapahamak ng anak ko. Galit din ako sa aking asawa dahil sa kakalihim niya ng mga problema

