Nagising akong masakit ang ulo. Nagpalinga-linga pa ako habang tumitingin sa paligid. Nasaan kaya ang asawa ko? Teka, sino kaya nagdala sa akin dito kagabi? Wala akong matandaan. Tsk, kung bakit ba kasi mabilis akong nalasing. Kaagad akong bumangon para maligo. Nasilayan ko naman ang asawa ko sa sala habang nilalaro-laro nito si Baby Daniel. Nagtagpo pa ang aming mga mata. Ngunit kaagad din itong umiwas. Hindi ko tuloy alam kung paano ito kakausapin. Lalo na't galit ito sa akin. Ngunit sinubukan ko pa ring lumapit. 'Di ko kaya ang nararamdaman ko para sa kaniya. "H-hi honey," wika ko. Ngunit hindi ito kumibo. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko para halikan ito sa pisngi. At himala hindi ito umiwas. Bigla tuloy akong nagkaroon ng pag-asa. Umupo ako sa tabi nito at kinarga si Baby

