TED SIYA ang nanatiling kasama ng kanyang biyenan habang nagpapalakas at nagpapagaling ito sa hospital. Hindi rin niya pinahintulutan na dumalaw pa roon ang kanyang pamilya para hindi na rin masundan pa ang naging insidente sa bahay nila. Nagtalaga siya ng taong magbabantay dito kung sakali man na wala siya at habang inaasikaso ang kaso. Gan'un din ang ginawa niya sa bahay nila. Siniguro niya na may bantay sa kanila para kahit wala siya ay hindi na malalapitan basta-basta ang pamilya niya. Pansamantala muna niyang hindi pinayagang lumabas ang pamilya niya lalo pa at hindi pa nahuhuli si Cheska at ang kasama nito na nanloob sa bahay nila. "Lalabas muna ako sandali. Make sure na mababantayang mabuti ang pasyente sa loob," ani Ted sa dalawang nakatalagang bantay. Bukod pa sa mga nasa l

