JADE "HINDI ka ba muna magpapahinga?" tanong ng kanyang stepmom sa kanya na hindi niya namalayang nakalapit sa kanya. Kasalukuyang nasa garden siya at naglilibot sa paligid. Gusto niya na kahit papano ay maibsan ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib. "Magpapahangin lang po muna ako rito sandali. Susunod na lamang po ako mayamaya sa loob," aniya na bahagya lang itong sinulyapan. Tahimik na lumapit ito sa tabi niya at sinabayan siya sa paglalakad. "May problema ba? May gumugulo ba ngayon sa isip mo?" tanong nito na bakas sa tinig ang concern. "Tita, wala naman po. Gusto ko lang kahit paano makasagap ng sariwang hangin." aniya. "Hindi na ako bago sa ugali mong 'yan. Kilala na kita at sa ilang taon kitang nakasama, alam na alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng tot

