CHAPTER SEVENTY-TWO - ACCIDENT

1336 Words

PAKIRAMDAM ni Jade ay naiipit siya sa dalawang nag-uumpugang mga bato. Una sa pag-iisip sa kalagayan ng kanyang mag ama. Ngayon naman ay sa kung sinong mga taong hindi niya alam kung ano ang pakay sa kanya. 'Diyos ko po, bakit kailangang maranasan namin lahat nang ito?' piping bulong niya sa kanyang sarili habang nakapikit. Sari-saring pangitain na ang nagsalimbayan sa kanyang isip ng mga senaryo na maaring mangyari. 'Dyos ko po, huwag mo pong itulot na panghinaan ako ng loob sa lahat ng ito.' dagdag niya. "Okay lang po ba kayo, ma'am?" tanong ng kanyang driver. "Nakasunod pa ba sila?" balik tanong ni Jade dito. Sandali niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Yes, ma'am. Mukhang kailangan nating humingi ng back up nito. Hindi natin alam kung ano ang iniisip nila sa atin ngayon."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD