HINDI pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ni Jade matapos siyang haklitin ng kung sino mula sa kanyang likuran at tinakpan pa ang kanyang bibig. Ang sandali niyang pagkatigil matapos itong magsalita na pabulong ay hindi nagtagal. Gustuhin man niyang sumigaw para humingi ng tulong ay hindi niya magawa. Tanging ang pagpipiglas na hindi naman niya sigurado kung magagawa niyang makalaya rito ang pinipilit niyang mapagtagumpayan. "Don't move and make a noise. Maririnig nila tayo," muling anas nito. Kahit nasa ganoong kondisyon. Hindi maiwasan ni Jade ang mapa-kunotnoo sa tila pamilyar na tinig ng tao sa likuran niya. Hindi siya nito binitiwan hangga't hindi siya kumakalma. Ngunit bago iyon ay nagawa pa rin niyang aninagin mula sa pagitan ng malagong halaman, ang taong nasa malapi

