Lumipas ang ilang araw ay natapos na sila sa pagtetraining. Ngayon araw na ito ang kanilang alis. "Sa tingin niyo teacher pa rin natin si Ma'am Aikira, kapag bumalik na tayo sa paaralan?" tanong ni Dren sa kaniyang kaibigan na si CK. "Hindi ko alam. Bakit hindi mo siya tanungin?" sagot naman ni CK. Lahat kasi sila nalulungkot na baka hindi na si Aikira ang kanilang magiging teacher kapag bumalik na sila sa paaralan. Dati inis na inis pa sila kay Aikira ngayon ayaw na nilang mawalay sa babae. Napamahal na kasi sila. "Sigurado akong hindi, Dren," singit naman ni Liam habang umaakyat sila ng bus. "Katulad nga ng sinabi sa atin ni Sir Enrique noon ay hindi totoong guro si Ma'am Aikira. Kaya imposible in ang iniisip niyo na mananatili siyang guro natin." Napabuntong hininga na lang ang d

