Kabanata XIV

1715 Words

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang bus na walang dumadating na Aikira. Hindi nila alam kung saan pumunta si Aikira. Basta sinabi sa kanila ng babae ay mauna na sila kapag dumating na ang bus. "Seryoso kayo? Aalis talaga tayo kahit wala pa si Ma'am?" sabi ng lalaki sa mga kapwa niya estudyante. "Hindi ba iyon ang sabi sa atin ni Ma'am, Brent? Kapag wala pa siya mauna na tayo," sagot naman ng kaibigan ni Brent at pumasok na sa bus. Ang lahat ng mga tao ay pumasok na sa bus habang si Brent ay nagdadalawang isip pa kung hihintayin niya ba ang guro o papasok na sa bus. "Ano Brent? Tutunganga ka na lang ba riyan? Aba kanina pa tayo naghihintay. Siguro naman ito na ng oras para makapagpahinga na tayo." Bakit ba reklamo ng reklamo ang kaibigan niya? Hinfi tuloy siya makapagdesisyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD