Kabanata XXXVII

1741 Words

“Bawal kang maging abugado ni Nicole,” sabi ni Stevan nang makauwi sila sa bahay ni Aikira. “Ano?” “Bawal kang maging abugado niya dahil mas lalong magtataka ang lahat kapag naging abugado ka niya. Pwede ka naman maging witness para makatulong sa kaniya. Basta ang huwag mo lang gagawin ay ang maging abugado.” Napaupo si Aikira sa sofa at tumingin sa pader. Iniisip niya na meroong punta si Stevan. Tama ito na bawal siyang maging abugado ni Nicole o kaya ang Nanay niya. Ang pagsasabi lang talaga ng totoo ang kaniyang magagawa. “Nakuha mo naman ang punto ko hindi ba? Huwag kang mag-alala, nakapagreport na ako sa Boss natin kung ano ang mga nangyayare ngayon dito.” Umupo na rin si Stevan sa sofa at tinignan lang si Aikira na nakatunganga. “Ano na naman ba ang iniisip mo? Hindi ba gusto mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD