"Nag-aaway?" tanong ng Tiya ni Aikira sa studyante na nagsumbong sa kanila. Umalis na ang estudyante at pumunta sa lugar kung saan nag-aaway ang mga estudyante. Dahil na curious silang dalawa ay lumabas na sila sa opisina at tinignan kung ano ang nangyayare sa labas. Nakita nila na si Daven ay nasa ibabaw ng isang lalaki at sinusuntok ni Daven ito sa mukha. Hindi alam ng mga estudyanteng nakapalibot sa nagsusuntukan kung ano ang nangyare. Basta ang nakikita lang nila ngayon ay galit na galit si Daven sa lalaking pinatungan niya. Pati si Samantha ay nsa gitna dahil sinusubukan nitong awatin ang dalawang lalaki. "Ano ang nangyayare rito!" Napatingin ang lahat ng mga estudyante nang sumigaw ang kaniyang Principal. "Kung gusto niyong makipagsuntukan! Huwag niyong gawin sa loob ng paarala

