Kabanata XLVI

2170 Words

"Kumusta naman ang bakasyon mo?" tanong ni Stevan nang makalapit si Aikira sa kaniya. Kumunot naman ang noo nito nang biglang may sumulpot na panget na lalaki sa likod ni Aikira. "Tang-ina, natakot ako sa mukha mong nakakatakot," pang-aasar ni Stevan kay Joseph. "Nahiya naman ako sa mukha mo. Mas gwapo pa nga ako kaysa sa'yo eh." Tumawa na lang si Stevan. "Mag-uusap tayo mamaya," seryosong sabi ni Aikira kay Stevan, at grabe ang titignan ng babae sa kaniya. Kaya napalunok siya bigla. Sabi na nga ba na pagkadating ni Aikira sa Grimson City, ay papagalitan na naman siya dahil sa ginawa niya na hindi niya man lang sinasabi. Nang makita nilang nagsimula nang maglakad si Aikira ay naglakad na rin sila. At kahit kilala nila kung sino ang mga taong nasa likod nila ay hinayaan na lang nila. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD